Trial and Error #14

1320 Words
Kody's POV Hindi na nga yata ako liligaya dito. Lalo pa ngayong bumalik na ang leader ng grupong anti-Kody. Si Nay Lydia. (-____-) Pinatay ko ang vacuum at tinago ko na sa cupboard kasama ang iba pang mga panlinis. Nakakapagtaka man, pero parang nakakasanayan ko na ang paglilinis araw-araw. My mother would be so proud of me if she knew this. I smirked. Sa dami kong ginagawa, hindi ko namalayang hapon na. Kung hindi ba naman kasi kay Nay Lydia. Dinaig ko pa ang mga bida sa teleserye na inaapi at inuutus-utusan. Lahat ng pwedeng ipagawa, sa'kin lage inuutos. At sigurado ako na bully din siya nung araw dahil bukod sa pagpapahirap na ginagawa sa'kin pinaparamdam din na lage akong out-of-place. And her famous unamused look to me.Na para bang wala akong kayang gawin, na puro lang kapalpakan ang alam ko at hindi ako mapagkakatiwalaan. Tss... Magsama sila ng amo niyang halimaw. And thinking of the she-devil... eto na nga, pagkalabas ko sa cupboard siya pa ang nakita ko, bumababa ng hagdan at may dala-dalang hamper na puno ng mga labadang kumot at kubrekama. "Ako na po dyan." Buong kaplastikan kong sabi at ngumiti pa. Tutal sa'kin din naman niya iuutos, mas mabuti nang unahan ko siya. At hindi na ko nagulat nang simangutan niya lang ako at iiwas ang hamper. "Umakyat ka sa attic, Miss Kody, maraming dapat ayusin don." "No. ako na lang po ang maglalaba nyan." Tabingi ang ngiti ko. Pati nananahimik na attic gustong ipalinis sa'kin. I wonder what I did wrong at ganito na lang ang laki ng disgusto niya sa'kin. At isa pa, mas gusto kong maglaba kesa maalikabukan na naman. Basta na lang naman ipapalsak sa washing machine di ba? O pwede ko ring sekretong dalhin sa laundry shop. Hmm... easy. "Ang attic, Miss Kody." "Hindi na Nay Lydia, ako na dyan." Hinawakan ko ang hamper pagkababa nya ng hagdan at kinabig palapit sa'kin. "Hindi na, Kody." at kinabig niya pabalik sa kanya ang hamper. "Ako na po." (-_____-) "Kody." warning niya. Humulagpos na ang pilit na ngiti at parang gusto na 'kong pandilatan. "Nay Lydia. Ako. Na." sabay kabig ulit palapit sa'kin. Pero nakipaggigilan din siya at hindi ko man sinasadya ay napalakas ang pagkabig ko kaya nabitiwan niya ang hamper at nawalan siya ng balanse.... ^^^^^^^^ Napaangat ang tingin ko sa mga katulong na kalalabas lang ng kwarto ni Nay Lydia. Nagkatinginan sila nang makita ako atsaka iniwas na salubungin ang tingin ko. (O____?) What? Natatakot ba sila sa'kin? O sinisisi nila 'ko sa nangyari kay Nay Lydia? Pero paano ko ipapaliwanag sa lahat na hindi naman tuluyang bumagsak sa sahig si Nay Lydia dahil nakahawak siya sa railing ng hagdan at nahila ko din siya sa braso? Paano ko ipapaliwanang samantalang nang datnan kami ng mga katulong ay nakaupo na sya sa sahig at sindak na sindak ang ekspresyon. Nadagdagan pa dahil kanina pa sya dumadaing na masakit daw ang balakang at sasapnan niya? I sighed with irritation. Yeah, shoot! Ako talaga ang kontrabida sa paningin ng lahat. Pero kahit alam kong hindi talaga nasaktan si Nay Lydia, medyo guilty pa rin ako. Kasalanan ko pa din, in the first place. Ihahanda ko na lang ang sarili ko na matutuloy na ang pagpapalayas sakin ni Thorne. Umupo ako sa baitang ng hagdan at pinatong ko ang mga siko ko sa tuhod ko at nangalumbaba. Iniisip ko pa lang ang gagawin ko kung sakaling mapalayas ako nang biglang bumukas ang front door. Revealing Thorne with a knot on his forehead. Naglakad siya papasok sa kwarto ni Nay Lydia. Malamang naitawag na sa kanya ang nangyari. Bahagya nya lang akong sinulyapan. Sulyap na nagpapahiwatig na hindi na siya nagulat na ako ang may kasalanan. A glance that said that he had expected the worst in me. Na natural na bagay na lang na maging pasimuno ako ng gulo. And suddenly, I felt the urge to explain my side. Na parang gusto kong pawiin ang kung anumang negatibong iniisip niya sa'kin. I let out a sigh. Bakit ko ba naisip na isang paliwanang lang ang magpapabago ng imahe ko sa kanya? Mula bata pa lang kami ako na ang masama. Let it be that way. Mommy ko nga hindi na iniintindi ang mga sinasabi ko pag may kasalanan ako, siya pa kaya? I will never change my impression. Iwill always be the b***h for him... ^^^^^^^ Thorne's POV I crossed my arms against my chest and looked straight into Kody's eyes. Ang marinig siyang kumatok sa kwarto ko ay nakapagpa-amused sa'kin. Dahil mas sanay ako na basta-basta na lang siyang pumapasok dito. Pero ang sinabi niya ngayon lang ang pumawi ng amusement na 'yon. "Hey. Narinig mo ba 'ko?" she asked. "Yeah." I can feel my forehead forming a knot. Pinasingkit ko ang mga mata ko dahil sa inis. Kung hindi lang kasalanang manakal ng babae... "Now what? Sabihin mo na agad kung palalayasin mo 'ko habang hindi pa masyadong gumagabi." Hindi ang tanong niya kanina ang lalong nagpapainis sakin kundi sa reaksyon niya sa sitwasyon. Paanong ang pagpapalayas ko sa kanya ang naisip niyang sagot para harapin ang ginawa niya kay Nay Lydia kanina? I sighed patiently and leaned against the window. "What made you think na palalayasin kita?" "Dahil kapag nagagalit ka sa'kin, yun ang ginagawa mo." "That's the word, nagagalit. Ang pagkakaiba ngayon ay may kasalanan ka kaya wag mong masyadong intindihin ang galit ko." "Kasalanan?! Kung alam mo lang! Palayasin mo na ko pero hindi ko tatanggapin na kasalanan ko yun!" "I won't. You know why?" Yeah, why? Bakit nga ba hindi ko siya mapalayas kahit alam ko namang may mapupuntahan at mapupuntahan siya? Well, kung pababayaan ko siguro ang takbo ng usapang 'to... malalaman namin pareho. "Dahil may utang pa 'ko sa'yo!" Yeah, right. Yun ang press release ko. Pero anong gagawin ko sa sweldo niya na pambayad para sa mga nabasag na mga pinggan at vase? At sapat na ang mga kasambahay dito para dagdagan pa ng isa. Isang babae na malaking dahilan ng sakit ng ulo ko ngayon. What are really my reasons for keeping her here? Bakit hindi ko na lang siya pinabayaang umaalis noong isang araw? What are the other reasons beside me being a complete jealous jerk? "I'm changing my tactic, Nekoda. Wala na 'kong balak na palayasin ka. Tama na na dito ka maghasik ng lagim. Now, what I want you to do is to say sorry to Nay Lydia. Sincerely." I added necessarily. Pero hindi pa man ako natatapos sa sinasabi ko ay katakut-takot na ang pandidilat niya sa'kin. "What?" Ginaya ko ang din ang pandidilat niya. "What's wrong with that?" "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Sinabi nang wala akong kasalanan eh! Bakit ako magso-sorry?" Damn. Stubborn, really. "Say sorry, Kody." I ordered seriously. "No!" "Kody." I warned. I met her eyes. At mula sa galit nagbago ang ekspresyon niya sa pagkalito hanggang sa pagkalungkot... Damn it. Ano bang ginagawa ng babaeng 'to sa'kin? "B-Bakit ba ako na lang lage ang nakikita nyong masama? Hindi mo ba kayang isipin na baka umaarte lang si Nay Lydia dahil ayaw niya sa'kin! Who are you to order me! Hindi mo alam ang mga ginagawa niya sakin! Bakit ako hihingi ng tawad! If I do that, lalo ko lang siyang bibigyan ng dahilan para pag-initan ako! She will never like me! No one will never like me! Kahit anong gawin ko!" nanggigigil niyang sabi. At pagkatapos ng isang malakas na hampas sa balikat ko ay tumakbo na palabas... Ilang minuto ko ding pinaglimian ang mga sinabi niya. An outburst like that from Kody was a first time. Siguro tama din siya. At kahit ako, inaamin ko na puro negatibo din ang pagkakakilala ko sa kanya dahil iyon ang binibigay niyang impresyon. I sighed. At bago ako tuluyang matulog ay nakaisip ako ng plano para bukas. And it might be really stupid...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD