********
Kody's POV
Binuksan ko ang front door at sabay na napalingon sa'kin ang dalawa. Si Thorne nakapamulsa at nakasandal sa grand piano sa gitna ng sala at katapat si Charm na naka-extend ang dalawang kamay sa direksyon niya at parang inaalay ang dala nitong kahon ng cake.
I tried not to smirk.
"H-Hey, Kody!" nagulat na bati ni Charm at saka ngumiti. At nagtatanong ang mga mata kung bakit ako nandito. Eh kung sabihin ko kayang dito ako nakatira? Kasama ng sinisinta niya? Ewan ko lang kung hindi sya maglupasay.
"Hi Charm! Hi Thorne!" bati ko ng buong kaplastikan.
Binaba ni Charm ang mga kamay at parang nahihiyang tumingin sa sahig. "So.. what uhm... are you doing here, Kody?" Tanong ni Charm at ngumiti ng alanganin.
Sinulyapan ko si Thorne. Poker-face ang kumag. Hindi man lang kakikitaan ng interes sa mga nangyayare. Syempre sure ako na ayaw niyang malaman ni Charm, ang babaeng pinaghanda niya ng dinner, na dito akonakatira. Magiging dahilan nga naman yun ng pag-aaway nila.
Pero parang lumalaki pa din ang ulo ko pag iisipin kong may relasyon ang dalawang 'to!
"Ahm.. manghihiram sana 'ko.. ng martilyo. He-he-he!" Napangiti ako lalo sa naisip kong dahilan. Wala na siguro akong magagawa sa pagkakaroon nila ng relasyon. Pero solid pa din ako sa misyon ko na gantihan si Thorne so I will just spice up their relationship. Konti lang naman. So sorry Charm.
*Evil grin.
"Ah...okay." si Charm ulit. Uneasy ang loka. Tumawa siya at nakisabay ako sa pagtawa.
"So... Thorne... ang martilyo?" Pinandilatan ko siya. At sa pamamagitan niyon, I hope naparating ko ang mensahe ko sa kanya na makisakay na lang or else.... ibubuking ko siya sa girlfriend niya. Pinahiwatig ko na din ang pagbabanta. Bwahaha!
But the man just eyed me lazily and smirked.
Aba't!
"At anong gagawin mo sa martilyo?" Tanong niya. With amusement dancing in his eyes. Hindi ba siya threatened sa plano ko?
Anak ng!
"B-Basta! Pahiram ng martilyo!?"
Pinaglipat-lipat ni Charm ang tingin niya sa'min ni Thorne at halatang naguguluhan.
"Cut the crap, Nekoda. Maghanda ka na ng hapunan at sumunod ka sa kwarto ko." Iyon lang at walang sere-seremonyang umalis sa harapan namin at umakyat sa hagdan.
Napatingin ako kay Charm na iiyak na.
********
"Why did you do that!?" Inilapat ko ang dalawang kamay ko sa lamesa nang padabog.
Inalis niya ang tingin sa mga binabasang dokumento at sinandal ang ulo sa headrest ng upuan.
"What?"
"Bakit ka nagpahiwatig na dito ako nakatira?" sigaw ko pa din. Parang naaalala ko pa din kung ano ang sinabi ni Charm kanina at ang madramang pagtakbo nito palabas ng bahay.
"What does that mean, K-Kody?" Charm asked, with obvious hurt.
Gusto kong iikot ang mga mata ko. "I live here." Matatag kong sagot. Medyo guilty, mabait naman kasi sa'kin si Charm eversince.
"B-But why? When? How?"
Tss! Saang pelikula ko bayun napanood?
But she's in obvious distress. Bahagya akong naawa. Sino nga ba namang babae ang gugustuhing malaman na may kasamang ibang babae ang boyfriend niya? At kasingganda ko pa?
"It just happened." Nagkibit ako ng balikat. Wala akong balak sabihin sa kanya ang dahilan ng pagkakakapadpad ko sa bahay ng kulog na si Thorne na yun. Hindi ko sasabihin na nawalan ako ng bahay at ngayon ay inaalila ng sinisinta niya.
Lalong bumalatay ang sakit sa mukha ni Charm at bago pa 'ko makahuma, nagtatakbo na siya palabas ng bahay. Humahagulhol habang pinupunas ng likod ng palad ang mga luha sa pisngi.
Then I let my eyes roll...
"I did not. Inutusan lang kita. And what's wrong with that? Alipin kita. Now, nagluto ka na ba? Let's eat." At tumayo siya.
Sinundan ko siya sa paglabas ng study room.
"'Know what, Thorne. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo sinakyan ang plano ko kanina. Ayoko din namang malaman ng girlfriend mo na dito ako nakatira pe---"
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa'kin. "Charm's not my girlfriend." and said that with irritation.
Natameme ako.
"And what happened a while ago favors to me. Charm is out. Thanks to your bitchy appearance."
Ha? Then I realized something! "So... ginamit mo lang ang pagkakataon kanina para magkaroon ng dahilan na magkahiwalay kayo!? Why, you are one heartl----"
"Bakit ba ang kulit mo?!"
Napatigil ako sa pagsasalita nang lumingon siya sakin at bulyawan ako. s**t. Iritado na talaga ang mokong.
"She's never my girlfriend and will never be." Mas mababa na ang tono niya pero nakakunot-noo pa din.
Napailing ako nang ma-realize kong nawala ako sa huwisyo dahil sa sinabi niya. Nameywang ako. "Eh bakit hinayaan mong makapunta pa siya dito? At may pa-who told you ka pa diyan kanina? And the cancelled dinner date?"
Saglit siyang natigilan at nawala ang pagkakakunot-noo atsaka naging blangko ang ekspresyon. "The dinner?" sabi niya pero hindi sa paraang patanong.
"Oo! Kaya nga galit ka sa'kin kaninang umaga di ba at gusto mo pa 'kong palayasin dahil na-cancelled ang dinner date mo ng... g-girlfriend mo?" Litanya ko. At bakit kapag naaalala ko na halos maghuramentado si Thorne dahil sa linsyak na date na yun eh may pumipitik na galit sa dibdib ko? Mas lalo akong lumapit sa kanya at tiningala siya sa naniningkit na mga mata. "I-Is there another g-girl?"
His eyes met mine. Iisang linya ang labi niya dahil sa inis at mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha. "Yes. There is another girl."
********
Well, malas ng kung sinumang 'another girl' na yun dahil na-cancelled ang date nila dahil sa'kin. At malas niya ulit dahil pangalawang beses kong nakasabay kumain si Thorne nang kami lang...
Idinaan ko ang inis ko sa pagkain ng hapunan. Gusto ko siyang samaan ng tingin pero tahimik lang siyang kumakain. At parang sinadyang kalimutan ang presensya ko. Parang hindi siya aware na kasama niya 'kong kumakain.
Ni hindi man lang siya nag-comment sa niluto kong adobo na sobrang alat. O sa chopseuy ko na parang nilaga na dahil sa dami ng sabaw.
'Yes. There is another girl.'
'Yes. There is another girl.'
'Yes. There is another girl.'
Grrrrr! Ba't ako naba-badtrip!?
Hindi naman ako nagseselos syempre! Hindi ako nagseselos sa kung sinumang bruhang hitad na malanding haliparot na ANOTHER GIRL na yun!?
Tama... Nagagalit lang ako dahil hindi ko alam kung sino siya na feeling ko eh importante sa buhay ni Thorne at dahilan ng kaligayahan ng kumag na 'to, given by the way Thorne said it and the sparks in his eyes when he said that THERE IS ANOTHER GIRL!!!
Tama! Nagagalit ako dahil hindi ko alam kung paano gagawing miserable ang buhay niya. Paano ko na siya gagantihan?!
Tinusok ko ng tinidor ang ulam sa plato ko.
'Yes. There is another girl.'