********
Kody's POV
Drooling?! Ba't naman ako maglalaway sa kagwapuhan nya? Yabang talaga ng lalakeng yun.
Wala sa loob na napanguso ako. At dahil sa inis ko sa mga alien na reaksyon ko kanina sa pagkakatitig sa kanya, eto ako ngayon sa mall. Stressed ako kaya magshashopping na lang ako.
Hindi ako nagpaalam sa kanya na lalabas. Ha! Para man lang magalit ko sya.
Pagkatapos kong makapamili ng ilang damit at magmerienda ay umuwi na din ako.
Hininto ko ang kotse ko sa tapat ng bahay namin na katabi lang ng bahay ni Thorne. Napaisip tuloy ako kung dapat na kong umuwi. Paano kung umuwi na sila Tito Ben at mommy at malaman nilang nakikitira 'ko kay Thorne. Ewan ko sa reaksyon ng nanay ko na medyo baliw, pero nakakahiya naman kay Tito Ben. O kung mangupahan na lang ako sa iba at magsimulang magbagong buhay?
Napakunot-noo ako sa naisip ko. Bakit ako magbabagong buhay? I'm not that total wreck, am I? First things first. Tatapusin ko muna ang fixation ko sa paghihiganti kay Thorne. Then I will move on, then find a job. Napangiti ako. Tama, tama! Hindi pa 'ko baliw, sign ng pagiging mentally healthy ang pagkakaroon ng plano sa buhay. I grinned. na bigla ding nawala dahil sumisingit sa balintataw ko si Chemay na may buntot at dalawang sungay at may hawak na malaking tinidor. 'Sleep with him, kody and then move on and then fijnd a job!' At sumunod ang halakhak nito na parang bruha...
Pumikit ako at umiling-iling. Baliw talaga ang [pinsan kong 'yon. Bakit kung kelan ko nire-repress ang mga sinabi niya eh saka naman paulit-ulit na naiisip ko 'yon simula nang marinig ko 'yon sa kanya?
I sighed at ilang minuto pa kong tumunganga sa tapat ng bahay namin nang may makita akong lumagpas na kotse at tumigil sa harap ng gate ng bahay ni Thorne.
Bumaba mula doon si Charm at nakipagbolahan sa security guard na si Mang Isko pakamot-kamot sa ulo. Teka.... Pati ba naman hanggang dito, abot ang kabaliwan ni Charm kay Thorne?
Kinuha ko ang cellphone ko at idi-ni-al ang number ni Thorne.
"What, Kody?"
Teka... Bat alam nya na ako ang tumawag? Alam nya ang digits ko? Wala akong matandaang binigay ko yon sa kahit na kanino sa bahay.
"Bakit alam mo ang number ko?"
"Ikaw bat alam mo din ang number ko?" Patamad nyang tanong din.
I just rolled my eyes.
"What is it, Kody?"
"I just want you to know na papunta sa bahay mo si Charm."
Matagal bago sya nagsalita sa kabilang linya.
"So?"
At gusto kong iikot ulit ang mga mata ko sa sagot nya.
"Well,nagmamalasakit lang naman ako. Eh di ba hindi mo din naman gusto si Charm? baka lang naman ayaw mo sa presensya nya ngayon... You know me, makakagawa ako ng paraan para mapaalis sya..." I grinned.Isipin pa lang na magkakautang na loob sya sakin.
Bwahaha!
"Who told you?"
Then the line went dead.
(O____O)
'Anong ibig sabihin ng who told you?' nya?!
Gusto ko mang iunat ang magkasalubong kong kilay pero di ko magawa. Lumipad ang mga plano ko na sadyaing magka-utang na loob sa'kin si Thorne.
Nagkamali ba 'ko ng iniisip at gusto pala talaga ni Thorne si Charm?
Naalala ko ang nakahandang pagkain na para sana sa isang dinner date. Si Charm ba ang kadate nya sana kagabi.
Ba't hindi tanggapin ng mga kilay at gusot kong mukha ang ideyang 'yon? Tumingin ako sa unahan at wala na si Charm. Tuluyan na sigurong pinapasok ni Mang isko.
Hindi ko alam kung ano ang kinaiinis ko ngayon. Pero isa lang ang gusto kong mangyari, ang pigilin ang kaligayahan ni Thorne sa kahit na sinong babae!
Lumabas ako ng sasakyan at dere-deretsong pumasok sa bakuran ng amo kong hilaw.