********
Kody's POV
Hindi ko alam kung ano ang sumapi kay Thorne at binawi nya ang pagpapalayas sakin kanina. Ang alam ko lang lalo na kong tinamad magpaalila sa kanya. Kaya matapos kong magtelebabad sa mga kaibigan ko ay lumabas na 'ko ng kwarto para kumain. Dahil sa nangyare kanina nakalimutan ko ng mag-almusal. Ang arte kasi ni Thorne, me naiisip pang pagpapalayas sa'kin, babawiin din naman. Baliw.
Papunta ko sa kusina nang may mahagip ang paningin ko malapit sa balcony. Hmm...a dinner table for two. Na parang hindi pa nagalaw. Nandoon pa din ang ilang putahe ng pagkain at wine. Hmm... may kadinner date ba sana si Thorne kagabi? Sino naman kaya?
Natigilan ako nang may maalala 'ko. Alam ko na! Kaya galit si Thorne ay dahil na-cancelled ang date nya kagabi dahil sa pagsundo sakin! Teka di ba dapat kay Chemay sya magalit dahil ang pinsan ko ang umabala sa kanya? Whatever. Bahala si Thorne sa pansarili nyang kabaliwan.
Umupo ako sa harap ng lamesa at kinutingting ang mga nasa ibabaw niyon. Hmm... espesyal siguro ang ka-date sana ni Thorne. Kung hindi ba naman eh bakit nakalabas ang mga koleksyon ng mamahaling kubyertos na nakadisplay lang dati sa isa sa mga antigong cabinet. Halata din na pinag-isipan ang table set-up. Kulang na lang ay musiko sa gilid ng balkonahe at perfect na para sa isang romantic dinner.
Napasimangot ako lalo. Hmp! Si Thorne may romantic bones sa katawan? Puh-leeease!
Tinikman ko ang pagkain at natuwa naman ako sa masarap na lasa niyon. Ininit ko ang mga pagkain at pagkatapos ay nagsimula uling kumain. Ang sarap talaga. Saang restaurant kaya um-order si Thorne?
********
Thorne's POV
I frowned when I saw Kody eating the dinner I prepared last night. At gusto ko mang habulin ang mga humulagpos kong inis simula pa kagabi ay di ko na magawa. Not when I see that she's enjoying the food.
Naka-dress din siya, hindi na 'ko nagtaka dahil lage siyang nakabestida kung hindi rin lang naka-maid uniforms. At ang mahabang buhok ay sumasabay sa pagkiling niya ng ulo kapag sumusubo ng pagkain. And those pouty lips munching the food... Damn but her beauty adds to the magical atmosphere of the place...
And I suddenly thought of romance.
I frowned to myself. Now, where's my sanity? It was just the food and the wine and me plus Nekoda. A very odd combination given our bad history. Nothing spells romantic here.
Grow up, man. I thought to myself.
Romance? Tsss!
Umupo ako sa katapat na silya niya.
********
Kody's POV
Napatigil ako sa pagnguya nang makita kong umupo sa harap ko si Thorne. Parang may mali. Parang di ako sanay na kasama sya sa isang lamesa. The table set-up, the food and the wine, me and him? How odd. Pero alangan namang paalisin ko sya sa harap ko, unang una bahay nya to pangalawa sya ang nagpahanda nito at pangatlo he's a nice view naman. Okay, magbebehave muna ko,pakonswelo na lang sa naunsyami nyang date.
"Bakit ayaw mong kumain?" Tanong ko nang mapansin kong hindi nya ginagalaw ang nasa harap nya. Nang bigla akong matigilan "Oh my! May lason to! Gusto mo akong patayin!"
"Tss.Shut up,ituloy mo ang pagkain mo. I'm full."
"Okay..."
"Do you know the chef of the restaurant where you ordered these food?"
"Why?"
"I want to kiss him for these. Masarap eh."
Binalik ko ang atensyon sa pagkain.
"Yeah. But the chef is still pissed off dahil hindi agad nakain ang mga hinanda nya. So you might want to save your kisses."
"Eh anong pangalan ng resto?"
"It's a secret. Mga eksklusibong tao lang ang nakakaalam at nakakapunta don."
I just rolled my eyes. Kala naman nya papatulan ko ang sinabi nya. Kung ayaw nyang sabihin eh di hwag.
Natapos akong kumain samantalang sya ay nagkasya na lang sa pagsimsim ng alak.
At pareho na kaming sumisimsim ng alak at nagtitigan. Hmm... bakit parang biglang naiba ang reaksyon ko sa pagtitig nya? Nasan na ang eternal flame ng galit ko sa kanya? Hindi ba dapat inis at asar pa din ako sa lalakeng to? Dahil ba to sa nakain ko? Baka nagayuma ko? Ilang segundo pang dead air sa pagitan namin.
Seryoso lang si Thorne na nakatingin sa mukha ko at parang may hinahanap. Teka baka naman napagkamalan nyang mapa ng kayamanan ang mukha ko o akala ko lang na seryoso sya pero pinipintasan nya na ang mga nakikita nya sakin? Hindi ako sigurado kung anong iniisip nya pero patatalo ba naman ako? Kaya tinitigan ko din sya para maghanap ng kapintasan pero ako din ang sumuko.
Okay, I admit, he has this gorgeous villain looks. Kahit ang kaseryosohan,kaistriktuhan na banaag sa mukha nya ay di masasabing kapintasan. The seriousness only adds to his sexiness.
Napaayos ako ng upo. At pinipilit na ibalik
ang katinuan ng utak ko na nasa gilid ng bangin na tinatawag na 'ang alindog ni Thorne'
Alindog?! Waaah!!!!
Ilang segundo pa kaming nagtitigan. Malapit na 'kong kilabutan sa sitwasyon namin. Ano ba tong nararamdaman ko?! Para kaming mga bida sa teleserye. Kulang na lang ng music para yayain nya kong sumayaw.
♫♫♫
I should go
Before my will gets any weaker
And my eyes begin to linger
Longer than they should
I should go
Before I lose my sense of reason
And this hour holds more meaning
Than it ever could
I should go
I should go
Baby, I should go
♫♫♫
Teka san galing iyon?
Late na nang rumehistro sakin na ringtone yun ng cellphone ni Thorne. Kinuha nya yun nang hindi humihiwalay ng tingin sakin at sinagot ang tumatawag nang hindi tinitingnan ang caller ID. Nakuha ata ng tumawag ang atensyon nya kaya tumayo sya at naglakad papunta sa sala.
I sighed deeply. Nagulat pa ko sa kaalamang pinipigilan ko ang hininga ko kanina. Anong nangyari? Bakit may titigang chuvalur na nangyare? At anong
mga emosyon ang tumama sakin kanina?
Napailing ako. Ayoko ng ganito. Mas sanay ako na nagaaway kami ni Thorne. Wala dapat na titigan! I made a mental note na hindi na dapat maulit yon. Hindi ako dapat malayo sa goal ko na guluhin at gantihan si Thorne Salvatore! Dahil kapag nakalimutan ko yon... baka patulan ko ang sugna gestion ni Chemay...
Niligpit ko ang mesa at pumunta sa kusina. Pagbalik ko nasa sala pa din si Thorne,nderetsong nakatingin sakin habang nakikipagusap sa cellphone nya. At na
patunganga na naman ako kahit gusto kong pigilan ang sarili ko. I just cant... Ano bang nangyayari sakin? There must be something in the food.
Shit.
Nakapamulsa sya, nakakunot ang noo at bahagyang nakakiling ang ulo. Bakit lahat ng yon ang sexy ng dating sakin. Bat parang mas gusto ko ng magalit sa sarili ko kesa sa kanya? Ano ba to?!
"You're drooling, Kody. Wag mong ipahalata na may pagnanasa ka sakin."
Ilang segundo pa bago rumehistro sakin ang sinabi nya. Binuka ko ang bibig ko para magsalita pero tinikom ko din. Bat nawalan ako ng maipantatapat sa pang-aasar nya.
I just gave him an unamused look. Naglakad ako palapit sa hagdan para bumalik sa kwarto ko. Pero di ako nakatiis na lingunin sya.
"Ang baduy ng ringtone mo!" at nagtatakbo paakyat.