*********
Kody's POV
Nagising akong masakit ang ulo ko. Sobra. Dahan-dahan akong bumangon at nagmulat ng mga mata. Una kong nakita ang alarm clock sa side table. Alas-dyes ng umaga.
Tss... Wala pa din sina Nay Lydia dahil bukas pa ang balik nila. Kaya ako pa lang ang dakilang alila dito sa bahay. Sigurado 'ko papahirapan na naman ako ni Thorne. That troll!
Pumasok ako ng banyo at nakipagtitigan sa salamin nang mapababa ang tingin ko sa katawan ko. Hmm... luckily... hindi ako hubad.... I frowned. Bakit nakajeans at top pa din ako?
Bigla 'kong naalala na lumabas nga pala ko kagabi nang hindi nagpapaalam kay Thorne! Well... wala namang masama doon, I think. Hindi ko naman kailangan pang magpaalam sa kanya, right? At natatandaan ko... kay Chemay ako pumunta... ang pinsan kong ngayon ay may marriage life at s*x life na. Okay... At nag-inuman kami...
Hmmmm... hinatid ba 'ko ni Chemay pauwi dito?
Hindi man ako sigurado kung paano 'ko nakauwi eh... bakit ko pa ba iisipin? Nakauwi naman ako ng buhay eh. Nagkibit-balikat ako at mabilis na naligo. Nagbabad ako sa tub habang minamasahe ang sintido ko. At nang matapos ay naglakad ako papunta sa closet at tinitigan ang maid uniform ko.
Kumikirot pa din ang sentido ko dahil sa hangover at hindi ko pa feel maglinis. Lunes naman ngayon at sigurado 'ko na maagang umalis si Thorne papunta sa opisina. At ako lang ang tao sa bahay.
I grinned. Hindi naman siguro guguho ang bahay kung hindi ako maglilinis ngayon di ba? At wala naman si Thorne para mag-utos sa'kin kaya bakit ako magkukusa?
Kinuha ko sa closet ko ang isang gray spaghetti strap na may bubble hem na hindi pa umabot sa kalahati ng hita ko at cotton shorts na kapantay lang ng laylayan ng pang-itaas ko. Nag-apply din ako ng light make-up at pinusod paitaas ang mahaba at magulo kong buhok.
Nginitian ko ang repleksyon ko sa salamin at lumabas ng kwarto.
**********
Masyado akong maganda para isipin kong malas ako ngayong araw dahil una kong nakita ang isang di kaaya-ayang nilalang. Tinitigan ko ulit si Thorne na nasa gilid ng pool at hawak sa isang kamay ang baso ng juice. Madilim ang mukha niya. Galit yata.
At dahil mukha siyang galit, ngumiti pa din ako para mainsulto siya. Walang makakasira ng araw ko. Hindi ang hangover, hindi ang init ng panahon at lalong hindi ang magandang tindig at katawan ni Thorne na nasisilip ko sa bahagyang nakabukas na roba niya at tubig na bahagyang tumutulo sa buhok niya dahil sa paglangoy.
?(O____O)?
Teka... saan galing yun?
Naglakad ako palapit sa harap niya. "Goodmorning, Thorne!" At nag-stretching...
Wish ko lang hindi ako matapilok sa suot kong high heels dahil sa pinaggagawa ko.
"Hindi mo na kailangang maging katulong, Nekoda."
Napatigil ako sa sinabi niya. "Talaga? Baket? Bibigyan mo ba 'ko ng ibang trabaho?" Parang lumiwanag ang buong paligid para sa'kin. Matatapos na ba ang pagiging katulong ko?
"No. Dahil gusto kong umalis ka na sa pamamahay ko. Ngayon." Iyon lang at umalis siya sa harapan ko.
Ilang segundo lang akong hindi nakahuma at saka siya hinabol. Naabutan ko siya sa kalahati na ng hagdan. "Pinapalayas mo ba 'ko?!"
"Yeah. Na dapat ay dati pa." At nilagpasan nya ako ulit. Humabol ulit ako.
"Bakit? Hindi ako papayag na basta mo na lang akong tanggalin sa trabaho ko at palayasin dito. I deserve an explanation!"
Tumigil siya at hinarap ako. "First, having you here is complete stupidity and second... Ayokong maging responsbilidad ka."
"Teka....Sino naman bang may sabi na gawin mo kong responsibilidad? Ha? Hindi ko naman pinaaako ang sarili ko sayo ah."
Ano ba niya 'ko anak? Iba sa inaasahan ko ang sinabi niya... Tss! Responsibilidad? Where the hell that word came from?
"Nakatira ka sa pamamahay ko kaya responsiblidad kita."
"Pero ayoko nga!"
"Yeah I kn0w. Ayaw mong ipaako ang sarili mo sakin at ayoko ding maging responsibilidad ka. Kaya makakalayas ka na."
Duh! Responsibilty! I'm beginning to hate the word. Ano na naman bang problema ng lalakeng to at bigla bigla na naman akong pinapalayas? Di pa ba sya kontento na inaalila nya 'ko?
"P-Pero pwede namang hindi mo 'ko maging responsibilidad kahit dito ako nakatira di ba?" Malumanay kong sabi. Damn it! Ayokong nakikiusap kahit kelan! At kay Thorne Salvatore pa! "B-Besides I-I'm not young anymore."
And he just smirked. "Really? Gawain ba ng isang taong hindi na bata ang magpakalasing at matulog kung saan na lang."
Hindi agad ako nakapagsalita. Tinitigan ko siya ng ilang segundo nang nakakunot ang noo... "Teka ba't mo alam?"
Tiningnan nya lang ako ng masama at pumasok sa kwarto nya. Sumunod agad ako.
"Pano mo nalaman?"
"Lucky for you, your cousin had the mind to call me." Balewala niyang sabi.
Si Chemay? Tinawagan nya si Thorne para sunduin ako?
Napamaang ako kay Thorne. "Yun lang ba ang knakagalit mo? Ang naabala ka sa pagsundo sakin."
Hindi sya sumagot at pumunta sa study nya na karugtong lang ng kwarto nya. At mayamaya ay busy na sya sa kung anung ginagawa nya sa lapt0p nya.
"Answer me. Yun lang ba?"
"That and.... more." Pinisil niya ang pagitan ng kilay niya at tinitigan ako mayamaya. "You don't know what you are to me, Kody. And we both dont like it."
And what did he mean by that?!
"Of course I know I'm a b***h to you, right? Fine, I'm leaving!"
**********
Naiinis kong inempake ang mga gamit ko. Nagngingitngit pa din ako sa pagpapalayas ni Thorne at medyo kinakabahan sa ideya na wala akong pupuntahan.
Hmm..umuwi na lang kaya ako sa kabilang bahay? Pero sigurado 'ko na kapag ginawa ko yun, tatamarin na 'kong magbagong buhay,di na ko makakapaghanap ng trabaho dahil aasa na lang ako kay Mommy. At ayokong mangyari yun samantalang ilang ta0n na kong independent. Pero ang independensya ko, sinagad ni Thorne lalo na't gagawin niya 'kong homeless!
At ngayon, sa pangalawang pagkakataon, pinapalayas na naman nya ko! Ayaw na nya daw akong maging responsibilidad? Mukha nya! Ayaw nya pang aminin na natatak0t lang sya para sa kaligtasan nya dahil nasa paligid lang ako, at talagang dapat syang matak0t,lalo na ngayon. Ha! Lintik lang ang walang ganti. Iziniper ko ang huling maleta ko at bumaba na pagkatapos magpalit ng damit.
Nakita ko sa puno ng hagdan si Thorne na nakapamulsa at hawak sa isang kamay ang wine goblet. Nakita na nya 'ko pero hindi man lang natinag na tulungan ako sa pagbaba sa mga gamit ko. Duh! How ungentleman!
Tumigil ako nang isang step na lang ang pagitan namin. Hindi ko tinago ang galit ko at sinamaan ko sya ng tingin at sinusumpa ko na sya sa isip ko.
"I must know where you're going."
I frowned. Ang lakas din ng loob ng lalakeng 'to. "Bakit? Para ba makagawa ka ng paraan na mapalayas ako ulit sa pupuntahan ko?"
"No. Dahil nanggaling ka sa responsibilidad ko kaya karapatan kong malaman."
Tss...Responsibility again! Wala ba syang alam sabihin kundi yung salitang yun?
"At isa pa... Sakin ka unang hahanapin ni Tita Shana pag bumalik sila."
Yeah. Na para bang hindi ako pwedeng tawagan ni mommy sa cellphone ko. Ano bang problema ng nanay ko at si Thorne ang unang tinatakbuhan pagdating sakin? Ako ang anak diba? Gusto ko tuloy magselos.
"I'm not telling you. Hindi mo na kailangang malaman." I snapped.
Hindi nya kailangang malaman na wala akong pupuntahan.
"Saan ka pupunta?" Ulit niya, in a more brooding and answer-me-or-you'll-be sorry way.
"May nagpapalayas ba na tinantanong kung saan pupunta ang pinalayas nya?" Sarkastiko kong tanong.
"Yeah. Me."
I rolled my eyes. Eh sa wala nga akong pupuntahahan eh?! Pero nunca akong magmumukhang kawawa sa harapan ng lalakeng to! Sya na nagpalayas sakin for the nth time?
"K-Kay Gibriel." Sabi ko na lang na deretsong nakatingin sa kanya at hindi kumukurap. Siya agad ang unang pumasok sa isip ko kahit wala akong ideya kung nasaang lupalop si Gibriel.
"The ex-boyfriend?"
Diniinan talaga ang salitang ex?
Mayamaya ay binitbit niya ulit ang mga gamit ko pero hindi palabas ng bahay kundi.. paakyat sa hagdan?
Naguguluhan man pero sinundan ko siya sa second floor ng bahay. Ano ba talagang problema ng lalakeng 'to?
Binaba niya ang mga maleta ko sa harap ng pinto ng kwartong inookupa ko dati.
"Akala ko ba pinapalayas mo ko?"
"I've changed my mind. Besides... marami ka pang utang sa'kin." atsaka naglakad paalis.
"Niloloko mo ba 'ko?!" Pero hindi siya sumagot hanggang sa lumiko sya sa isa sa mga hallway.
Hindi magkaitindihan ang pagsasalubong ng kilay ko. Sa inis at yamot. Ano na namang sumanib sa lalakeng yun at nagbago ang isip?
Tinitigan ko ang mga gamit ko. Pwede akong pumuslit paalis lalo pa't nag-disappearing act si Thorne. Pero iyon ay kung gusto ko. Hmm...gusto ko man... saan naman ako pupunta? Nagkibit balikat ako at binitibit papasok sa kwarto ko ang mga maleta.
Saka na... Pagtitiisan ko muna ang giant rootcrop na yon... At ano ang buhay kung hindi ko maaasar araw-araw si Thorne Salvatore?
(>_____<)