Trial and Error #9

2071 Words
Thorne's POV   "Wash all the clothes in the basket. Maglinis ka din ng buong bahay at linisin mo din ang mga sasakyan sa garahe." I said grimly to Kody. Hinintay ko siyang magwala.... but it did not happen. Tiningnan lang ako nang masama atsaka umalis sa harapan ko. I raised an eyebrow. Paraan nya ba 'yon para ipaalam sa 'kin na galit pa siya dahil sa sinabi ko kagabi? Well... hindi na kailangan dahil simula nang isilang ang babaeng 'yon at nagkaisip, hindi pa siya pumalya na ipaalam na galit siya sa 'kin. I felt a bit guilty about what I said last night. Of course alam kong maraming kayang gawin si Kody. But that... that girl always push me to my limit. At minsan talaga kailangan siyang galitin nang sobra at ipamukha ang mga kapintasan niya para mabawasan ang kamalditahan. Napailing ako. Hopeless case na ang babaeng 'yon. Lumabas ako sa bahay. I started my morning routine by jogging around the subdivision. It's Sunday and my off. Mas gusto ko sanang mag-swimming pero kailangan kong lumabas ng bahay kung gusto kong maging matiwasay ang umaga ko. Kailangan kong hindi muna makita si Nekoda kahit ilang oras lang. Dahil mukha lang ng babaeng 'yon ang nakikita ko nitong mga nakaraang araw. And that created havoc in my system, big time... And I don't like it. Not again...   ************** Kody's POV   Maglinis ng buong bahay? Sira talaga 'ng lalakeng 'yon. Ano pang lilinisin ko eh halos araw-araw nililinisan 'to? At kung madumi man... hindi ako mag-aaksayang linisin 'to dahil baka Pasko na ay hindi pa 'ko tapos. Kaya nilibot ko na lang ang buong bahay at siniguradong malinis nga at walang naliligaw na alikabok. Kung may alikabok man akong makita, hinihihipan ko na lang. Nalinisan ko na din ang mga sasakyan niya at inabot ako hanggang gabi. Hindi lang naman kasi lima ang sasakyan niya. Binasta ko na iyong iba. Pati ang paglalaba ng mga damit niya minadali ko na din. Pinaghalo ko na ang may kulay at puti at inisang banlaw lang. Muli... ano 'ko tanga para seryosohin ang inutos ng lalakeng 'yon at pag-igihin ang trabaho ko? Of course, I'm Nekoda Rose La Voie! At hindi ako papalamang sa isang Thorne Salvatore. Nag-lie low lang ako ng galit kanina dahil ayoko siyang pansinin. That man didn't deserve my words when I'm still too angry with him. At dahil bad trip ako sa kanya, iniwasan ko talaga siya maghapon. Na ikinatuwa ko dahil maski siya ay parang ayaw din akong makita, ni hindi nga sinubaybayan ang mga ginawa ko. Pasalamat din ako dahil wala si Nay Lydia at ibang mga katulong dahil day off nila kaya walang sumita sa 'kin. Binagsak ko ang sarili ko sa kama sa sobrang pagod maghapon. Nakakapagod din pala talaga kahit hindi masyadong maayos ang trabaho. Hmm... Lalo na siguro yung mga taong pinag-iigihan ang mga trabaho no? Specially the career people. Career... Career... Now that I thought of that, bumalik na naman ang inis ko kay Thorne dahil sa sinabi niyang wala akong alam gawin sa buhay. Well, I had a career... Bilang model... Napangiwi ako. Matatawag ko nga bang career 'yon kahit wala akong maramdamang fulfillment sa mga ginawa ko? Well there's fame and money there... pero bakit lageng may kulang? Bakit pakiramdam ko ay mas may karakter ang mga taong may propesyon, ang mga nanay, ang mga madre, ang mga senior citizen...? Maybe because they know what they're doing and feel happy with it and they have dreams in life. Samantalang ako... I've reached my middle twenties this so... unsure... Kung tinapos ko ba ang pag-aaral ko sa college mas maraming opportunities ang makikita ko? O kulang lang ako sa diskarte at hindi naman dahilan na hindi ako nakatapos? Marami namang successful na tao kahit hindi nakatapos, right? Bumangon ako at hinawakan ko ang ulo ko at ni-review ko ang mga naisip ko... Oh my God, this is not me... Ang normal na Kody ay hindi nag-iisip ng mga ganito. At matagal ko ng sinanay ang sarili ko na wag magsisi sa mga ginawa kong kalokohan, why now? I don't like this. Dahil alam ko kung saan pupunta 'to. Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na di-ni-al ang number ni Chemay.   *************** Thorne's POV   Of course what will I expect... Nakapamulsa akong tumayo sa harap ng laundry area at tiningnan isa-isa ang mga nakasampay kong damit. Ni hindi man lang yata winagwag ng babaeng 'yon ang mga damit at basta na lang sinampay. Tsk.Tsk. And I've also been from the garage, at wala man lang indikasyon na nabasa ang mga sasakyan. Kody, Kody... Pumasok ako sa kitchen at binuksan ang ref at nagsimulang maghanda ng hapunan. Mag-a-alas-seis na. Pinag-off ko sila Nay Lydia kahit atubili pa siya. Pinasama ko din ang ibang katulong para sa isang out-of-town trip. They deserve something like that for their good services ever since. At para sa nag-iisa kong katulong na malamang ay nagmumukmok na ngayon sa kwarto niya... she only deserves a dinner with the food out of my some culinary talent, with wine and... with me. I smirked to myself while chopping the onions. Why do I consider, for a nanosecond it romantic when I thought of dinner and wine? Walang romantic sa gagawin ko. Simpleng hapunan lang. Pakonswelo de bobo man lang sa mga ginawa niya maghapon. Yeah right, walang romantic na matatawag sa isang hapunan na kasama si Kody. Ang babaeng anak ng kapitbahay ko, kinakapatid ko, a childhood enemy, katulong c*m boarder ko ngayon at ang numero unong nagpapasakit ng ulo ko. Yeah, that would be all she is to me.   ***** Mabilis kong tinapos ang pagluluto ko at hinanda ang mesa. Saka umakyat sa silid ni Kody para yayain siyang kumain. Nakailang katok ako at nang walang sumasagot ay binuksan ko ang pinto... Now, where the hell is she?   *************** Kody's POV   Nilakasan ko ang pagkatok sa pinto ng townhouse at kinatok ko din ang katabing bintana. Mayamaya ay pinagbuksan ako ng isang matangkad na lalake na magulo pa ang buhok at naka-boxer. Tsss! "Kody!" Well, the bastard looked surprise. At matapos akong pagsingkitan ng mga mata ay, "Go to hell!" at pinagbagsakan ako ng pinto. Aba't! "Chemay! Chemay!" Kinatok ko ulit ang pinto. Ano pa nga bang aasahan ko sa lalakeng 'yon? Imposibleng patuluyin niya 'ko sa bahay niya. He is Eric , Chemay's loser boyfriend. At bad vibes kami sa isa't isa dahil hindi pa man sila ay sinisiraan ko na siya sa pinsan ko. At hanggang sa magka-relasyon sila. Idagdag pa na kabarkada siya ni Gibriel, my ex, at ako ang sinisisi niya dahil sinira ko daw dati ang buhay ng kaibigan niya. Duh! "Chemay!" Mayamaya ay bumukas ulit ang pinto at niluwa si Chemay na tumatawa pa at... halos luwa na din ang dibdib dahil sa hindi maayos na pagkakatapi ng twalya. I rolled my eyes. Eh di sila na ang masaya at may s*x life! "Kody! Ang paborito kong pinsan! Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah!" "I was calling you, bakit ba hindi ka sumasagot?!" Ngumisi lang ang loka at tinikwas ang kamay para ipakita ang isang golden ring. Okay... they just got married? So? Eh di sila na talaga ang masaya! "Kasal na kami, Kody! Imagine that! Isa na 'kong maybahay!" "Yeah, I figured it out." matabang kong sabi. Ayoko mang ipahalata pero masaya ko para sa kanya. "At hindi na kita binalitaan dahil alam kong ayaw mo sa kanya, you know... may tendency ka kasing gumawa ng kabaliwan... hahaha! But we were married! Oh my! Do you know how happy I am, cousin dear?" I just nodded impatiently. "Teka, ba't ka nga pala nandito?" "Alam mo na... kailangan ko ng konsensya, kailangan ko ng mga estupidang ideya at words of wisdom galing sa'yo." "We're on our honeymoon! Makakauwi ka na, Kody!" singit ni Eric na nasa likod ni Chemay. Inirapan ko lang siya at tiningnan si Chemay. "You know, I won't congratulate you, cousin, dahil alam kong hindi magiging maganda ang buhay mo sa lalakeng 'to." At tumawa lang si Chemay at hinarap ang asawa. "You know babe, I'm sure we'll spend the rest of our lives together naman, kaya isisingit ko lang ng konting oras si Kody, please..." Diskumpyado akong tiningnan ni Eric at binalik ang tingin kay Chemay at saka tumango ng marahan. And they kissed. Tss.. Sila na! Nagpaalam si Chemay na magpapapalit samantalang pinagbagsakan naman ako ng pinto ni Eric. ***************   "Oh I missed this, pinsan! Ikaw lang talaga ang taong kilala ko na hindi sumusunod sa rules at hindi natatakot magpalipas ng gabi sa police station kapag nahuli." "Yeah. At mawawalan ka na ng thrill sa buhay dahil boring ang napangasawa mo." sabi ko. At humakbang pataas sa mga malalaking tipak ng bato na nakabunton. "Paano nga pala pag nakita tayo ng mga nagbabantay dito?" "Then we run." "Eh kung mahuli tayo at isumbong tayo kay Thorne?" "I will deal with him." "Of course ano pa nga ba." Umapak ako sa malaking tipak na semento na patag at umupo at inilabas sa bag ko ang dala kong alak. Nanlaki ang mga mata ni Chemay. "Oh no... Kody, alam mong mahina ang alcohol tolerance mo!" "Sus! Minsan lang naman." Chemay made a tsk tsk sound and sat beside me. Tinungga ko nang diretso ang alak at napangiwi ako sa pait at init na gumuhit sa lalamunan ko. Ugh! Wild ako at madalas laman ng mga party lalo na noong nag-aaral ako. Pero never akong nahilig sa sigarilyo pati na sa alak. Pero minsan lang naman... Inalok ko si Chemay at nakitungga din. At natuon na sa pakikipag-text kay Eric. Tinanaw ko ang kinaroroonan namin. Isang construction site. Ang balita ko warehouse ang ipapatayo dito. But this was once my home! Ang lugar na dating pinagtatayuan ng building ko! Naalala ko na naman na wala na 'kong bahay. At dahil doon napasunod-sunod ang pagtungga ko. "Why don't you sleep with him and get over with it and then move on?" Mayamaya ay sabi ni Chemay nang hindi tumitingin sa'kin at deretso ang pakikipag-text. Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Ano daw? "Anong sinasabi mo dyan?" takang tanong ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa'kin. "Si Thorne! Di ba siya ang pinoproblema mo?" Gulantang ako sa sinabi niya. Thinking about stupid ideas! May minahan ang pinsan ko ng mga ganon. "Baliw ka ba? Hindi siya ang problema ko no, mas gusto kong siya ang mamroblema sa'kin. Tss! Having s*x with him...?" Hindi ko ma-imagine... pero bakit parang nabuhay ang hasang ko at may konting... kilabot na gumapang sa'kin. Hmm...kilabot talaga? Now, where's my sanity? Uminom ulit ako ng alak. "Well akala ko kasi, hehe! Just don't mind it. Nabasa ko lang iyon sa isang magazine. So... ano ngang problema mo?" "I need a job. A respectable job." At uminom ulit ako ng alak. Nararamdaman ko na ang epekto. Nagsisimula na 'kong mahilo. Tss.. Parang ilang segundo pa bago rumehistro kay Chemay ang sinabi ko. Nilingon niya 'ko at, "A job?! Respectable job?!" Napamaang siya sa'kin at ilang segundo pa bago nakabawi. Nagkibit siya ng balikat at bumalik sa pakikipagtext kay Eric. "Then isa lang ang solusyon dyan." "Ano?" "Sleep with Thorne and get over with it and move on and then find a job." "Chemay!" Tss! Ang sarap ipukpok ng hawak kong bote sa kanya. "Sus! Itanggi mo man at hindi sabihin na si Thorne ang problema mo ay alam kong siya ang dahilan kung bakit bigla bigla eh naisipan mong maghanap ng trabaho." Hindi ako nagsalita at tahimik na lang uminom ng alak.   *************** Chemay's POV   Kinukutingting ko pa din ang cellphone ko kahit hindi ko na ka-text ang asawa ko. Pero lingid kay Kody ay kanina ko pa siya pinapakinggan ang mga hinaing niya sa buhay, particularly about Thorne. Ayokong mag-comment dahil masisira ang moment niya. Because a very lonely Kody is a rare picture. Minsan lang siya maging sensitive sa paligid niya. Sigurado naman ako na bukas, hindi na namin pareho matatandaan ang pinagdadrama niya ngayong gabi. Ganyan naman ang paborito kong pinsan. Hanggat maaari, pagkatapos niyang magdrama ng konti ay mag-mo-move on agad at babalik sa normal niyang kabaliwan. Tiningnan ko siya na nakahiga na sa semento at kung anu-anong sinasabi dahil sa kalasingan. Hmm... kelan kaya siya matatauhan at susundin ang suggestion ko? About sleeping with Thorne? And who said that it was a stupid idea?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD