Isleen Fajardo's P. O. V "Tahan na baby ko..." bulong ko kay Astraea. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Siguro ay trenta minutos na siyang umiiyak. Ayaw niya rin namang dumede sa akin kaya mas lalo akong nahihirapan dahil hindi ko alam ang gusto niya. "Anak, mag-almusal ka na. Sa akin na muna si Astraea," sabi ni Mama at lumapit siya sa akin. Napakamot ako sa aking ulo at sinuot ang tsinelas kong panloob saka binigay kay Mama si Astraea. "Nasa Salas ang Papa mo. Doon nag-aalmusal, saluhan mo na muna," sabi ni Mama. "Sige po, salamat po," sabi ko. Naglakad na ako patungo sa salas at nakita kong mayroong burger doon at gatas na nakahanda para sa akin. Si Papa naman ay nakatutok lang sa telebisyon. "Oh! Anak kain ka na," biglang sabi ni Papa nang maramdaman niyang tumabi ako sa

