bc

Chasing Man of Dignity

book_age18+
18
FOLLOW
1K
READ
billionaire
escape while being pregnant
pregnant
playboy
arrogant
powerful
independent
bold
cheating
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Shiloh became the youngest CEO among the bloodline of the Lastimoza Empire. Nation-wide known for her legacy. She have the brain and beauty. She might be fierce as fire, and cold as snow but when she loves, it's always the one person fall deep and bleeds enough when gets broken. The Lastimoza Empire has been her life that she's willing to do everything for it. But what if the job she have to get done relates with the great Engr. Laurent - the man whom she hated the first time they've met. Will she still chase the probability of winning?

chap-preview
Free preview
Ruined Morning
Tatlong magkakasunod na katok mula sa glass door ng CEO's office ang pumutol sa pakikipagtitigan ni Shiloh sa monitor ng kaniyang kompyuter. "Now, what?" she groused without looking at the culprit. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at bahagyang hinilot ang sentido gamit ang mga malakandilang daliri ng kaliwang kamay. "M-Ma'am," the voice trembled with fear, almost panting. "M-magpapaalam lang ho sana ako kasi may kailangan akong punta—" nandidilat ang mga matang pinutol niya agad ito. Infairness, effortless nitong napataas ang kaniyang kilay at sinira ang napakaganda niyang umaga. Hindi niya napigilang pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. The Slacker seems to be overdressed today. She can't help but to rolled her eyes at space. "May mamatay ba kapag hindi ka pumunta?" she grunted irritably. Kung pagbabasehan ang porma nito, halatang hindi naman sa isang lamay ito maaaring pumunta. Mas malinaw pa sa sikat ng araw ang bilin niya kanina rito na bawal siyang isturbuhin puwera na lamang sa napakaimportanteng bagay. Napayuko ito at pinagsiklop ang mga daliri sa kamay. "H-Ha?—Wala po, Ma'am." Wala yatang oras na hindi ito nauutal kapag siya ang kausap. "Mas importante pa sa trabaho mo?" dagdag niyang tanong rito habang nagpipigil ng galit. Umiling lamang ito. Ibinagsak niya ang kaniyang kanang kamay sa ibabaw ng lamesa na ikinatalon nito sa gulat. "Nalunok mo na ba 'yang dila mo?" she speculated with a hint of annoyance in her voice. "I-I'm sorry, Ma'am!" Mariin itong napapikit kasabay ng paghingi nito ng tawad dahil sa inasal. Nanggigigil na isinuklay niya sa buhok ang kaniyang mga daliri sa kanang kamay. "My, ghad!" nanliliit ang mga mata iniukol niya rito. "What should I do with you? Mag-iisang Linggo ka nang under probation but it seems like you're not making any progress. How can you be qualified as my new secretary when you can't even follow a very simple instruction?" she quizzed. "I-I'm so sorry, Ma'am." Ayon na naman ito sa paborito nitong linya. Walang ibang bukambibig kundi sorry at ma'am kapag nagkakamali. Humugot siya ng isang malalim na hininga. She can't stress herself more dahil lang sa babaeng ito. It's not worth it. "Sorry is madness," she affirmed. "If you're really sorry then you should at least make efforts to amend for it. Overusing it won't excuse you sincerely from your mistakes, hence you'll only make stupid out of yourself." Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang pagsinghot nito. Namumula ang mukha at maluha-luha ang mga mata ngunit wala siyang maramdaman kahit na konting awa o pagsisisi dahil sa kaniyang sinabi. Mahigpit ang kaniyang paniniwala na walang puwang ang mga mahihina dahil mas malupit ang reyalidad ng mundo. There's more to life. Bago pa niya ito mapalayas sa kaniyang harapan ay siyang pagdating ng hindi inaasahang panauhin. Magkakasunod na yabag ng stellitos ang biglang sumulpot sa b****a ng pinto. Ang maliwanag na mukha ng kaibigan niyang si Kyla ang bumungad sa b****a ng pintuan at may bitbit itong pizza sa kamay. Sobrang lawak ng ngiting nakapinta sa mga mapupulang labi nito. "I'm back." Inis na pinaikot niya ang swivel chair na inuupuan patalikod sa mga ito. "What's happening here?" puzzled na tanong ni Kyla. Naramdaman niya ang paglapag nito ng pizza sa ibabaw ng kaniyang table. "Why are you crying, Keshia?" napuno ng pag-aalala ang tinig ng kaibigan. "Nagkamali po kasi ako, Ma'am Ky," the under probation secretary conceded. It's good to hear that at very least, the Slacker recognized her own mistakes. "Bakit?" muling tanong ni Kyla rito. "Tinawag mo din ba siya na Ma'am?" Humina ang boses nito, sinadya upang hindi niya marinig. Muli siyang napahilot sa kaniyang sentido nang maalala kung ilang beses siya nitong tinawag na Ma'am kanina. "H-Hindi lang ho iyon, Ma'am Ky." "Sige," Kyla denoted. "Ang mabuti pa, bumalik ka na muna sa table mo. Ako na ang bahala rito. Tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako o si Miss Carisel sa'yo." "S-Sige ho, Ma’am," walang tutol na sagot nito. Naiwan ang mga yabag nito papalabas ng kaniyang opisina. Iniikot niya pabalik sa orihinal na posisyon ang kaniyang upuan. Hindi siya nakaligtas sa mapanuring titig ng kaibigan bago nagsalita. "Mabuti at maagang natapos ang pre-nup shoot ko. Iyon naman pala ay may pinaiyak ka na agad na empleyado." May himig pagtatampo sa boses nito. "You can't just put the blame on me, she's at fault," she indicated with force on her last word. Muli niyang kinalikot ang computer upang ituloy ang naudlot na gawain. There’s not much time to waste anymore. Kailangan niya pa ding maihabol ang ginagawa bago ang lunch time. Kita niya sa kaniyang balintataw na binuksan nito ang isang kahon ng pizza at kumuha ng isang hiwa niyon. "Natural lang na magkamali siya, bes. Nag-uumpisa pa lang naman kasi 'yong tao. Sana inintindi mo na lang." Hindi niya alam ang mararamdaman ngayong ipinagtatanggol nito ang babaeng iyon mula sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin dito. "Natural?" Maang niyang tanong sabay buga ng isang malalim na hininga. "Paulit-ulit na pagkakamali, bes. Natural pa pala 'yon?" Hindi niya napigilang magtunog sarkastiko sa kaibigan. Kinulot nito ang hanggang leeg na buhok. Dalawang beses na kumurap at kagat-labing nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Nag-aalala lang ako sa'yo, bes. Kailangan mo ng mapagkakatiwalaan kapag wala na ako rito sa kompanya." Hindi niya napigilang mapasinghap dahil sa sinabi nito. "And you really think mapagkakatiwalaan ko 'yong babaeng iyon?" Mas lalo lamang nadagdagan ang inis niya. "What's so special with that girl? She stuttered most of the time. Madami pang mas higit na qualified and skilled kaysa sa kaniya na naghihintay matanggap ng kompaniyang ito. Kaya bakit kailangan kong magtiis sa babaeng 'yon na maski isang napakasimpleng instruction ay hindi ma-gets agad?" "Fine!" sumusukong sambit nito. Itinaas pa ang dalawang kamay sa ere tanda ng pagsuko. Alam na alam ni Kyla na hindi ito mananalo pagdating sa kaibigan. "But you should at least wait for her to finish her probationary days. May nalalabi pang mga araw. I do believed that there's always a room for improvement. After all, nasasaiyo pa din ang huling desisyon pagkatapos ng dalawang buwan." Mas minabuti na lamang ni Shiloh na manahimik. Alam niyang sa umpisa pa lamang ay natitipuhan na talaga nito ang Slacker na 'yon para maging kapalit nito bilang secretary niya. At may punto naman ito. Mabuti at ipinaalala nito dahil pagkatapos ng dalawang buwan nasa kaniya pa din ang huling desisyon. Blangko niyang itinuon muli ang atensyon sa harapan ng monitor. Naramdaman niya ang paglakad nito papunta sa kaniyang likuran. Ginulo nito ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri sa sariling kamay. “Shiloh," Kyla uttered at her back apologetically. "Pasensiya na. Nag-aalala lang talaga ako para sa'yo. Sige nga, aanuhin mo naman kasi ang sobrang competent, skilled and experienced kung hindi naman mapagkakatiwalaan. Huwag ka nang snob diyan. It's just I trust my instinct that she is the best candidate for the position." Itinulak niya ito palayo sa kaniyang likuran. Apat na taon niya rin itong naging sekretarya at ilang buwan na lamang ay tuluyan na itong magre-resign. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo? You don't have to worry about me." Sinadya niyang pakadiinan ang sinasabi. Sumusukong tumango ito sa kaniya. "Ganiyan ka naman palagi." Nagkamot ito ng ulo at naglakad patungo sa sofa tanda ng pagsuko. “Coffee break?” pag-iiba nito ng topic na para bang walang nangyari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook