"Yuki, are you sure you're alright?" tanong ni Alexander habang hawak-hawak ang kamay ni Yuki at ang kaliwang kamay nito ay naka hawak sa steering wheel ng sasakyan nito.
"Yes, I'm fine, Xander," sagot naman ni Yuki at ngumiti kay Alexander para maikalma ang isipan nito.
"I really should cut off every investment with the Ruz Company," naiinis na saad ni Alexander at napa higpit pa ang hawak sa manibela ng kanyang sasakyan.
"Is that okay? I mean, diba isa ang Ruz Company sa mga long time business partners ng pamilya niyo?" tanong ni Yuki sa asawa.
"It's fine. I don't care about that anymore, Yuki. That b*tch disrespected my wife. She humiliated you in front of everyone, and pulling out our investments isn't even enough to make her pay for what she did to you," saad ni Alexander na halatang naiinis ang tono kaya natawa na lamang si Yuki sa asawa.
"What's so funny? I'm serious here, Yuki," dagdag pa ni Alexander pero lalo lamang natawa si Yuki sa kanya.
"Hahaha because you're acting weird sir, hahaha!" natatawang saad ni Yuki kaya bigla na lamang ipinarada ni Alexander ang kanyang sasakyan sa tabi ng daan at tinanggal ang pagkaka sukbit ng seatbelt na suot niya. Pagkatapos ay biglang inilapit ang sarili kay Yuki habang hawak-hawak ang dalawang balikat nito.
"What's so weird about it Yuki?" seryosong tanong ni Alexander habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng asawa niya.
"You're my wife...so what's so wrong about it?" tanong ulit ni Alexander.
"Uhm...t-teka sir baka nakakalimutan mo, contract wife lang po ako," sagot naman ni Yuki. Natameme naman si Alexander sa sinabi ng sekretarya niya pero napadiin naman ang kanyang hawak sa mga balikat ni Yuki.
"And? Does it matter? Legally speaking, you are my wife," sagot naman ni Alexander at agad naman napa iwas ng tingin si Yuki habang ang kanyang mga pisngi ay unti-unting namula.
"S-Sabi ko nga," pabulong na saad ni Yuki habang naka iwas ang tingin sa kay Alexander.
"Yes, so don't you ever question my decisions in terms of protecting you," seryosong saad ni Alexander at napa tango na lamang si Yuki habang namumula ang mga pisngi.
"Good," saad ni Alexander at hinalikan ang noo ni Yuki na mas lalo pang nagpa-pula sa pisngi ni Yuki. Pagkatapos ay umayos na ng pagkaka upo si Alexander at muling isinukbit ang kanyang seat belt at nag-patuloy na sa pagmamaneho pabalik sa penthouse niya.
Tulala lamang si Yuki na nakatingin sa labas ng bintana habang nag mamaneho si Alexander, pero ang isip nito ay halos hindi mapakali sa mga sunod-sunod na tanong sa isipan niya.
Bakit ba ganito 'tong si sir Alexander? Akala ko ba pretend-pretend lang 'tong kasal namin? Pero kung maka akto eh parang totoong asawa. Ano ba talaga? Masyadong pa-fall naman eh.
Tahimik lang silang dalawa sa byahe hanggang sa makarating sila sa penthouse.
"Uh sige sir d-diretso na po 'ko sa kwarto ko. G-Good night," saad ni Yuki at nag lakad na patungo sa kwarto niya.
"Yuki, wait!" biglaang pag-tawag muli ni Alexander sa asawa kaya agad namang napalingon si Yuki.
"huh?" tanong nito at lumapit naman si Alexander sa kanya at laking gulat ng babae nang bigla na lamang siyang halikan ulit sa noo ng amo. Nanlalaki naman ang mga mata ni Yuki habang naka-tingin kay Alexander.
"Good night. Sleep well," saad ni Alexander. Napa-tango na lamang si Yuki habang hawak-hawak ang noo nito bago nag-patuloy sa pag-lalakad papunta sa kwarto niya.
Pagka-sarado ng pinto ay napa-sandal na lamang si Yuki sa pinto.
Nakakalito na talaga. Isip-isip ni Yuki at napa-buntong hininga na lamang. Samantala ay naiwan naman si Alexander na naka tingin sa nakasaradong pinto ng kwarto ni Yuki.
Napa-buntong hininga na lamang din si Alexander bago pumasok sa sarili niyang kwarto pero ang hindi niya maintindihan ay ang hindi matanggal na ngiti sa labi niya habang naaalala ang gulat na ekspresyon ni Yuki matapos niya itong halikan sa noo.
Kinabukasan ay alas nuwebe na nagising si Yuki dahil sa pagod sa launching event. Pero laking gulat niya ng pagkalabas niya ng kwarto niya ay naamoy niya bigla ang masarap na amoy ng pancakes at kape.
Napa-kunot noo naman si Yuki.
Nandito na ba yung maid ni sir Alexander? Akala ko ba nag-request yun ng day off ngayong araw? Tanong ni Yuki sa isipan niya habang nag-lalakad papunta sa kusina.
Pero laking gulat niya nang makita si Alexander na nag-luluto sa stove habang naka suot ng itim na sando at grey sweatpants. Sa bawat galaw ni Alexander ay agad napapansin ni Yuki ang pag-galaw rin ng mga muscles ng lalaki na halatang alaga ng pag-e-ehersisyo nito sa gym. Hindi rin naman matanggal ni Yuki ang mga tingin sa lalaki dahil para sa kanya ay mas lalong ikina-gwapo ng amo ang pag-luluto nito ngayon.
"Like what you see?" biglaang pag-sasalita ni Alexander na agad naman nakakuha ng atensyon ni Yuki.
"Huh? Ang alin? 'Di naman ako nakatingin ah," pag-dedeny ni Yuki pero hindi niya naman maitago ang pamumula ng pisngi niya kaya natawa na lamang si Alexander.
"Right.Come, let's eat," saad ni Alexander at pinatay na muna ang stove bago inilipat ang plato ng mga pancakes sa hapag-kainan tsaka kumuha na rin ng dalawang mug para malagyan niya ng kape at inihain ang isang mug ng kape sa harapan ni Yuki.
"Uh, thank you...uhm, sir bakit ikaw ang nag-luto? Sana ginising mo na lang ako para ako na lang yung nag-ayos ng agahan natin since nag day off yung maid mo ngayon," saad ni Yuki habang si Alexander naman ay naupo na sa katapat na upuan ni Yuki.
"It's fine. Besides, you were sleeping soundly and I didn't want to ruin your rest," sagot naman ni Alexander habang pinag-hahain si Yuki ng pagkain sa plato nito.
"Ah, sir ako na po, kaya ko na yan," saad ni Yuki pero hindi nagpa-pigil si Alexander.
"Alam kong kaya mo pero gusto ko 'tong gawin kaya hayaan mo 'ko," sagot naman ni Alexander sa kanya kaya napatango na lamang si Yuki.
"More syrup?" tanong ni Alexander kay Yuki na umiling lamang bilang sagot.
"Alright," saad ni Alexander at nilagyan na rin ng pagkain ang sarili niyang plato habang si Yuki naman ay nakatingin lang sa kanya na para bang tinubuan ito ng pangalawang ulo sa balikat.
"Sir, Pwede mag-tanong?" tanong ni Yuki.
"Xander. Just Xander," saad naman ni Alexander sa kanya.
"err...okay, Xander...pwede ba mag-tanong?" tanong ni Yuki at tumango naman si Alexander sa kanya at inilapag muna ang kutsara at tinidor nito sa plato bago tumingin ng diretso sa mga mata ni Yuki.
"uhm...no offense pero...pero kasi bakit mo 'to ginagawa?" tanong ni Yuki na napa-kunot noo naman kay Alexander.
"What do you mean?" tanong ni Alexander
"I mean... yung pinag-luluto ako...yung pinag hahainan ako ng pagkain...yung mga ganun..bakit mo ginagawa yun?" tanong ni Yuki.
"Why not? Isn't that how husbands should treat their wife?" sagot naman ni Alexander sa kanya at nag-patuloy na sa pagkain ng umagahan.
"Eh sir...iba naman kasi yung situation natin. I mean kung totoo tayong husband and wife eh okay lang yung ganun pero kasi diba sir contract marriage lang 'to?" saad naman ni Yuki na nagpa-hinto kay Alexander pero maya-maya lang din ay nag-salita rin ito muli.
"And? Do you want me to treat you differently?" tanong naman ni Alexander kay Yuki kaya natameme naman ang babae.
"See? You don't want me to treat you differently so just enjoy the way I treat you now. Understood?" dagdag naman ni Alexander habang palihim na napapangiti.
"Uh, yes sir," sagot naman ni Yuki at nag-simula na sa pagkain ng pancakes. Nanlaki naman ang mga mata ni Yuki dahil sa lasa ng pancakes na niluto ni Alexander.
"Hmm! Grabe Xander! Ang sarap nito! Strawberry flavor?" masayang tanong ni Yuki at tumango lamang si Alexander.
"I simply tried adding a bit of strawberry jams into the pancake mix, hoping that it will turn out good," saad ni Alexander na ikinagulat naman ni Yuki.
"eh? ikaw lang ang gumawa nito? akala ko yung naka ready-to-cook na pancakes lang 'to?" tanong ni Yuki pero umiling lang si Alexander.
"I don't like buying stuff like that. I prefer homemade food," sagot naman ni Alexander at tumango lang si Yuki sa kanya dahil puno ang bibig nito ng pancakes kaya natawa naman si Alexander sa kanya
"Slow down or you'll choke yourself," saad ni Alexander at hindi nga siya nagkamali dahil maya-maya lamang ay nabulunan nga si Yuki kaya dali-dali namang tumayo si Alexander at kumuha ng tubig na inumin tsaka inabot kay Yuki at tinapik-tapik ito sa likuran.
"See? I told you," saad ni Alexander habang umiiling-iling habang si Yuki naman ay nauubo-ubo pa pag-katapos uminom ng tubig.
"ehem! s-sorry naman...ang sarap kasi ng luto mo. Hindi kasi nakaka-umay yung lasa kaya medyo napa dami yung subo ko. Try mo kaya sir na magpatayo ng restaurant tapos ikaw yung maging chef dun," sagot ni Yuki kaya natawa na lamang si Alexander sa kanya.
"Should I?" nakangiting tanong ni Alexander na mas lalong nakadagdag sa kapogian nito.
"Oo! Try mo! For sure papatok yun," saad ni Yuki at napa-iling na lamang si Alexander.
"It's just pancakes, Yuki," saad ni Alexander at umupo na muli para ipag-patuloy ang pag-kain.
"Malay mo lang naman diba? Ang sarap kaya," pag-puri ni Yuki habang naka-ngiti kaya napa-ngiti na lang din si Alexander.
Mag-sasalita na sana si Alexander ng bigla na lamang may tumawag sa cellphone niya kaya tumayo na muna siya at sinagot ang tawag mula kay Michael.
"Yow! Kuya! Ipapa-alam ko lang sana sa inyo ni Yuki na nag-set si mom ng vacation this weekend for the whole family. Ang sabi niya isama mo daw si Yuki," saad ni Michael mula sa tawag.
"Vacation? Where? How about the company?" tanong naman ni Alexander.
"Don't worry about the company, Kuya, hindi naman yun malulugi sa loob lang ng dalawang araw na pag-babakasyon natin," sagot naman ni Michael sa nakakatandang kapatid nito.
"Fine. I'll have my schedule move. Where did mom booked us this weekend?" tanong ni Alexander na naka-kuha naman ng atensyon ni Yuki.
"Dun sa La Madria Private resort," sagot naman ni Michael at napa-tango na lamang si Alexander.
"Alright. I'll tell Yuki about it," saad ni Alexander.
"Great!" sambit ni Michael at agad na ibinaba ang tawag kaya bumalik naman si Alexander sa tapat ni Yuki.
"Mom booked us a family outing this weekend at La Madria Private resort. She's expecting us to join them there," saad ni Alexander
"La Madria? 'Diba yun yung famous resort na may musicians na tumutugtog?" tanong ni Yuki at tumango naman si Alexander.
"Uy! Rinig ko maganda raw dun! Ay teka, eh pano yung mga business meetings mo this weekend?" tanong ni Yuki.
"Reschedule," maiksing sagot ni Alexander sa kanya kaya napatango na lamang si Yuki.
"Sige. Inform ko na lang ang mga board members na rescheduled sa monday ang meeting niyo," saad ni Yuki at nag-type na sa cellphone nito para i-message ang mga sekretarya ng mga board members ng kompanya nila Alexander.