Chapter 11

1399 Words
Malapit nang matapos ang launching celebration ng pamilya Estefano pero hindi pa rin natatapos si Alexander sa pakikipag-usap sa iba't ibang tao na mga potensyal na investors sa kompanya nila habang si Yuki naman ay naiwan sa tabi ni Asery para makipag-usap rito at makapag-pahinga na rin kahit papano. "Mag-ama nga sila," natatawang bulong ni Asery kay Yuki habang palipat-lipat ang tingin mula sa asawang si Xyrus papunta sa panganay na anak na si Alexander na parehong abala sa pakikipag-usap sa mga investors nila. Tumango naman si Yuki bilang pag-sang-ayon. "Agree po 'ko diyan, Mom...parehong workaholics," saad ni Yuki at napahagikgik na lamang silang dalawa. "Alam mo Yuki...sobrang saya ko ng malaman 'kong meron na palang asawa ang anak ko. I mean, oo nung una eh nagulat ako at medyo nanghinayang rin na hindi man lang kami ninyo inimbitahan," saad ni Asery at napangiwi na lamang si Yuki. "Sorry, Mom," saad ni Yuki at ngumiti lang ang ina ni Alexander sa kanya tsaka hinawakan ang kamay ni Yuki at medyo pinisil ito. "Don't be. I'm really glad my son married you," saad ni Asery habang naka ngiti ng sinsero pero si Yuki naman ay tanging pilit na ngiti lamang ang naigawad sa ina ng asawa niya dahil sa loob ng isipan niya ay nakokonsensya siya. "Thank you so much sa pag-pili sa anak ko. Ang buong akala ko nga eh hindi na talaga siya mag-aasawa pa o di kaya ay hindi babae ang gusto," saad ni Asery at mas lalong humigpit ang hawak sa mga kamay ni Yuki. "Alagaan mo ang anak ko ha? Medyo suplado lang yan pero mabait naman si Alexander... strikto nga lang at may pagka-moody," saad ni Asery at natawa na lamang si Yuki dahil tama nga naman ang sinabi ng ina ng asawa niya. "Hindi naman po mahirap alagaan si Xander," saad ni Yuki at ngumit sa kay Asery. "Oo naman...lalo pa at mahal mo yung taong inaalagaan mo kaya 'di talaga mahirap yun," saad ni Asery at isang simpleng ngiti lang ang binigay ni Yuki sa kanya. Habang nag-uusap sila ni Yuki at Asery ay hindi namalayan ni Yuki na lumapit na pala si Lizzy sa kanya at lasing na ito. Pagkalapit ni Lizzy ay agad niyang itinapon ang laman ng wine glass niya kay Yuki habang galit ang mukha nito. Nanlalaki naman ang mga mata ni Yuki sa gulat habang naka-tingin sa dress na suot-suot niya. Ano ba 'yan! Pinahiram lang 'to sakin ni sir Alexander eh! Reklamo ni Yuki sa isipan niya. "Lizzy! What are you doing!?" tanong ni Asery at napatayo na rin sa gulat sa ginawa ni Lizzy. "What am I doing? I'm putting this b*tch on her place! She doesn't belong here, Tita! And you know that!" pagalit at lasing na saad ni Lizzy. Naka-agaw pansin na rin sila ng mga tao sa paligid nila habang si Yuki ay tahimik lamang na pinupusan ang dress niyang natapunan ng red wine. "Lizzy that's enough! Yuki is my daughter-in-law! Show some respect!" naiinis na ring saad ni Asery habang pinoprotektahan si Yuki. "Hah! She should show some respect! Alexander is MY betrothed! He's MY fiance! I just went abroad and came home to this wh*re leeching off my man!?" pasigaw at galit na saad ni Lizzy habang dinuduro-duro si Yuki gamit ang hintuturo nito. "What? YOUR man?" Natatawang saad ni Yuki at tumayo na mula sa pagkaka-upo tsaka hinarap si Lizzy. "You're right. You and Xander had a past together...but that was all in the past now. Alexander Estefano is now MY husband... he's no longer your fiance," saad ni Yuki. "You little sl*t!" sasabunutan na sana ni Lizzy si Yuki pero agad na may humawak ng mahigpit sa braso ni Lizzy at medyo tinulak siya palayo kay Yuki. "What the hell are you doing, Lizzy?" malamig na tanong ni Alexander na ngayon ay naka tayo na sa harapan ni Yuki na para bang pinoprotektahan niya ito mula sa matatalim na titig ni Lizzy. "What am I doing? I'm trying to tell everyone here that that b*tch is a f*cking slut who snatched my fiance!" pasigaw na saad ni Lizzy habang tinuturo pa si Yuki. "That's right everyone! This b*tch named Yuki Aerania Leswin seduced my fiance and took my place as Alexander's supposed to be wife!" saad ni Lizzy na nag-dulot naman ng mga bulong-bulungan sa loob ng venue. Sa kabilang-dako naman ay madiin ang pagkakasara ni Alexander sa mga palad niya sa pag-pigil sa sarili na sampalin ang babae sa harapan niya ngayon. Agad itong napansin ni Yuki kaya hinawakan nito ang kamay ng asawa at binigyan ng pisil. "Huwag mo na patulan, Xander," bulong ni Yuki sa asawa. "See!? She's even trying to act innocent in front of everyone here! But b*tch! We all know that Alexander doesn't really care about you! You're just his past time now!" saad pa ni Lizzy. Hindi na nakapag-pigil pa si Yuki at humakbang na palapit kay Lizzy na patuloy pa rin sa pag-sasalita ng masasakit na salita tungkol kay Yuki. "Someone of your caliber is just after Alex's money! A f*cking gold digger! Alex! How cheap of you to choose thi-!?" saad ni Lizzy at hindi na nga nakapag-pigil pa si Yuki at binigyan na ng isang malakas na sampal si Lizzy na nagpa-tahimik naman agad sa babaeng lasing. "I don't care if you insult me because I'm not affected by any of it.." saad ni Yuki at masama ang tingin kay Lizzy. "Pero huwag na huwag mong insultuhin ang asawa ko. Hindi ganyan kababa ang standard ni Xander, at higit sa lahat hindi rin ganyan ka baba ang mga tao sa paligid niya," saad ni Yuki. "Alam mo kung sino satin ngayon ang cheap?" tanong ni Yuki at humakbang palapit kay Lizzy. "Ikaw yun Lizzy..dahil hanggang ngayon eh pinipilit mo pa rin ang sarili mo sa taong wala nang gusto sayo," saad ni Yuki at hinawakan ang kamay ni Alexander ng mahigpit. "Mag-move on ka na, Lizzy. At tigilan mo na rin ang pag-lapit sa asawa ko dahil kahit anong gawin mong pag-putak ng bibig mo diyan, hinding-hindi na nito mababago ang reyalidad na ako na ngayon ang asawa ni Alexander Gregio Estefano," saad ni Yuki habang ipinulupot ang mga kamay sa braso ng asawa nito at idiniin pa ang malalaki at mabilog nitong d*bdib sa braso ni Alexander. "Why you-!" mag-sasalita pa sana si Lizzy pero agad na siyang hinarangan ni Alexander na may masamang tingin sa kanya kaya napahinto naman ang babae sa sasabihin nito habang nanlalaki ang mga mata. Sa gitna ng kaguluhan ay agad na lamang may humila kay Lizzy palabas ng venue at ito ay walang iba kundi ang sarili niyang ama, si Mr. Russel. Nagpupumiglas naman si Lizzy pero mahigpit ang hawak ng ama niya sa braso nito na hindi na nakapag paalam pa o naka hingi ng paumanhin sa pamilya Estefano. "Remind me to cut off all our connections with the Ruz Company," sambit ni Xyrus Estefano na naka tayo na pala sa tabi ni Asery at hawak-hawak ang asawa sa bewang. "I'm already contacting our lawyers and the financial department, Dad," saad naman ni Leo, ang bunsong Estefano. Hindi naman sila pinansin ni Alexander at ang pokus nito ay tanging nasa kay Yuki lamang. "Baby are you alright?" tanong ni Alexander na agad naman ikina pula ng mukha ni Yuki lalo na sa sinabi nitong endearment. "Y-Yes," sagot naman ni Yuki na nahihiya sa sinabi ng asawa. "Should we go home now?" tanong ni Alexander habang nakatingin sa mantsa ng red wine sa damit ng asawa. Tumango naman si Yuki bilang sagot. "Mas mabuti pa nga para makapag bihis na ako. Tsaka, medyo nangangalay na rin ang paa ko sa heels na 'to eh," sagot ni Yuki at ngumiti pa kat Alexander para hindi na ito masyado pang mag-alala. "Alright. Let's go home," saad nu Alexander at hinalikan ang noo ng asawa bago hinarap ang mga magulang niya. "Dad, Yuki and I will go home now. Can I leave this to you and mom?" tanong ni Alexander at tumango naman si Xyrus sa kanya. "Don't worry, son. We'll take care of it," sagot naman ni Xyrus sa anak. "Pasensya na po pero mauuna na po kami," saad ni Yuki at ngumiti na lamang sa pamilya ni Alexander bago pa silabg dalawa nag-simulang mag-lakad palabas ng venue, pauwi sa penthouse ni Alexander.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD