"Wow, I haven't seen Alexander smile like that ever since. I guess you really hit him hard, huh, Yuki?" saad ng isa sa mga investors nila Alexander at natawa na lamang si Yuki.
"I guess I did," saad naman ni Yuki habang naka-ngiti.
"Ehem! Dad, I thought you were going to ask Alex for a potential business investment?" pag-sulpot naman ni Lizzy sa usapan na halatang ayaw pakinggan ang kahit na ano tungkol kay Yuki.
"Ah, yes. Alexander, can we talk in private? You can bring your lovely wife with you if you want," saad ng ama ni Lizzy
"What!? No!" agad na pag kontra ni Lizzy pero tinignan lang siya ng kanyang ama na para bang pinagbabantaan siya nito.
"I would love to join this discussion, Mr. Russel," saad ni Yuki na may ngiti sa labi habang naka-tingin sa ama ni Lizzy, habang matalim naman ang tingin ni Lizzy sa kanya.
"Great. This way, please" saad ni Mr. Russel at nag tungo na nga silang apat sa isang private room na malapit lang din naman sa venue ng launching ng negosyo ni Alexander.
"Like what my daughter said, I'm planning to establish a new business in the market and it would be a great privilege if you could be my business partner, Alexander. After all, I know you have the potential," saad ni Mr. Russel.
"I'll hear you out first" sagot ni Alexander habang hindi tinatanggal ang kamay sa bewang ni Yuki na para bang ayaw nitong pakawalan ang dalaga.
Nagsimula na sa pag-diskusyon si Mr. Russel tungkol sa plano nitong negosyo na isang car business. Tahimik lang din namang nakikinig si Yuki habang si Lizzy ay pinagmamalaki ang kanyang kontribusyon sa ideyang negosyo ng kanyang ama.
"..and that means more profit, right, Alex?" saad ni Lizzy pero bago pa man makasagot si Alexander ay nag-salita na si Yuki.
"More profit? Have you considered the costs that will be needed to fund this business? How about your suppliers? Do you intend to take the leading car suppliers or the aspiring ones? Either way it will definitely cost more," saad ni Yuki habang seryosong naka-tingin kay Lizzy na agad namang sumimangot nang si Yuki ang sumagot sa kanya.
"Isn't profit important in business?" sagot naman ni Lizzy at namewang pa sa harapan ni Yuki.
"Yes, profit is important. But without proper knowledge and background with this kind of business, it might backfire in the future. Besides, conducting a car business means you are directly competing with E.M. Autos," saad ni Yuki na nagpatahimik sa mag-amang Russel.
Nakangiti lang si Alexander habang hinahayaan si Yuki na sumagot at mag-salita sa harapan ng dalawang Russel.
"Isn't it a bit ironic Mr. Russel? You want my husband to do business with you, but you'll go against his brother's car business?" saad ni Yuki habang naka tingin sa matandang lalaki na para kinakabahan na ngayon.
"I uhh..I don't mean to compete, Mrs. Estefano. I was just asking if Alexander-" agad na pinutol ni Yuki ang sasabihin ni Mr. Russel.
"Not to compete? But the moment you start that business, you will be competing with Michael's business. We don't mind you doing that since it's your choice, but..." saad ni Yuki at tumingin ng diretso sa mga mata ng matanda.
"Are you sure you want to compete with an Estefano?" tanong ni Yuki habang humigpit naman ang hawak ni Alexander sa bewang niya at hindi matanggal ang ngiti sa labi nito. Hindi na rin naman napigilan ni Alexander ang sarili at hinalikan na si Yuki sa leeg kahit na nasa harapan nila ngayon si Lizzy na halatang gustong-gusto nang sabunutan si Yuki ngayon.
"My wife's right. The Estefano doesn't mind having more...competitors. However, I will not invest in your business Mr. Russel. After all, my wife seems to be uninterested in it," saad ni Alexander at hinila papalapit si Yuki sa kanya.
"If that's all, then we'll head back to the launching now. Enjoy your evening," saad ni Alexander at lumabasa na sila ni Yuki habang ang kamay nito ay nakalagay sa likod ni Yuki.
"You did good," bulong ni Alexander sa asawa at hinalikan ito sa sintido at napataas na lamang ang kilay ni Yuki sa amo.
"Siyempre. Halata naman kasing gusto lang nila na makakuha ng malaking backer sa negosyo nila. Tsaka habang pinapakinggan ko yung report nila kanina ang daming loopholes na pwedeng maka sira sa negosyo kung sakali mang matuloy sila," sagot ni Yuki na ikinangiti lang ni Alexander.
"At isa pa pala sir," pabulong na pag-sasalita ni Yuki kaya napatingin naman sa kanya ang asawa.
"Kanina ko pa napapansin na ang clingy mo ngayong gabi" walang preno ang pagkakasabi ni Yuki na ikinatawa lamang ni Alexander.
"It's normal for a husband to keep his hand on his wife, Yuki," bulong ni Alexander sa asawa nito.
"After all..." dagdag ni Alexander. Hinawakan ni Alexander ng panga ni Yuki gamit ang mga daliri nito at iniharap ang mukha ni Yuki sa kanya tsaka inilapit ang mukha sa babae na agad naman ikina pula ng mukha ni Yuki.
"You're mine," pabulong na saad ni Alexander at hindi na napigilang idiin ang labi nito sa asawa na nanlalaki naman ang mga mata ngayon pero hindi rin naman mag tagal ay sumagot rin naman sa halik ng asawa.
Pareho silang hinihingal ng magka-hiwalay ang kanilang mga labi. Inilapat ni Alexander ang kanyang hinlalaki sa pang-ibabang labi ni Yuki at pinunasan ang kumalat nitong lipstick habang naka ngiting tagumpay.
"Should I book the Sovereign suite now?" pabirong tanong ni Alexander at agad naman siyang tinignan ng masama ni Yuki kaya natawa na lamang ito.
D*mn it. I really want to do that now. Isip-isip ni Alexander pero pinigilan na lamang ang sariling init ng katawan at nakampante na lamang sa pag-hawak sa babaeng naka-tayo sa tabi niya ngayon.
"Ehem! Kuya," pag-tawag ng kapatid ni Alexander sa kanya at napalingon naman silang dalawa ni Yuki kay Michael na nakangisi sa kanilang dalawa.
"Tawag kayo nila Dad. Nandun sila sa private room sa kabila," saad ni Michael at tinuro ang isang pribadong kwarto na naka konekta sa venue ng launching, iba ito sa kwarto na pinuntahan nila Alexander at Mr. Russel kanina.
"Let's go?" tanong ni Alexander kay Yuki at tumango naman ang babae tsaka sila nag lakad papunta sa kwarto kung nasaan ang pamilya ni Alexander. Tahimik pero naka-ngising nakasunod lang naman si Michael sa kanilang dalawa papunta sa kwarto.
Nang makarating sila sa kwarto ay agad silang pinapasok ng gwardya sa loob at ang kwarto ay Isang simpleng private office kung saan naka upo si Xyrus at Asery Estefano sa malambot na couch at ang bunsong kapatid naman ni Alexander na si Leo ay nakatayo malapit sa bintana habang nag-titipa sa cellphone nito at naka-kunot ang noo.
"You called?" agad na tanong ni Alexander kaya hinampas naman siya ni Yuki sa dibdib
"Mag-bigay galang ka naman," bulong ni Yuki sa asawa bago yumuko ng kaunti sa harapan ng mga magulang ni Alexander.
"Mr. Est- I mean, D-Dad, M-Mom...pinatawag niyo daw kami?" tanong ni Yuki na nahihiya sa pag-tawag ng Dad at Mom sa mga magulang ni Alexander dahil alam naman niya sa sarili niya na nag-papanggap lang siya.
"Upo ka rito Yuki" naka-ngiting saad ni Asery at tinapik-tapik ang bakanteng espasyo sa tabi niya. Lalapit na sana si Yuki rito pero agad humigpit ang hawak ni Alexander sa bewang niya at hinila ito paupo sa single couch habang si Yuki ay napa-upo ni Alexander sa hita nito.
Nanlaki naman ang mga mata ni Yuki at tinignan si Alexander at sinubukang tumayo pero hinigpitan lang ni Alexander ang hawak sa kanya kaya hindi ito maka alis sa hita ng lalaki.
Lumaki naman ang ngiti ni Asery habang nakatingin sa anak nitong nakahawak sa asawa nitong naka-upo sa hita niya.
"I'm really glad my son finally got married and is not planning to live in celibacy," saad ni Asery at palihim namang natawa si Yuki at tumingin sa amo nito.
*Posible nga yun kasi puro lang naman 'to trabaho eh.. hindi ko nga alam kung marunong ba 'to manligaw o hindi* saad ni Yuki sa isip-isip niya at napansin naman ito ni Alexander kaya bumulong ito sa asawa.
"You're thinking of something judgmental, aren't you?" bulong ni Alexander kaya agad naman umiling si Yuki pero halata pa rin na natatawa ito.
"Really?" tanong ni Alexander at dinikit ang labi sa tenga ni Yuki.
"I doubt it," dagdag pa nito.
Habang abala ang dalawa sa palihim nilang pag-uusap ay nakangiti lang naman ang mga magulang ni Alexander sa kanilang dalawa.
"Alexander, when are you planning to give us our grandchild?" biglaang tanong ni Xyrus at halos mahulog naman si Yuki mula sa pagkaka-upo sa hita ni Alexander ng marining ang tanong nito.
"P-Po?" tanong ni Yuki habang nanlalaki ang mga mata at namumula ang pisngi.
"Your Dad's right. Gusto sana namin na magkaroon na ng apo mula sa inyo as soon as possible," pag-sang ayon naman ni Asery sa sinabi ng asawa at halos lumuwa na ang mga mata ni Yuki habang nakatingin sa mga in-laws niya.
Napangisi na lamang si Alexander sa reaksyon ng asawa at sinagot ang mga magulang.
"We're working on it, Mom," sagot ni Alexander kaya agad naman napatingin si Yuki rito.
"Anong we're working on it. Isang beses lang may nangyari no" pabulong na saad ni Yuki.
"Hush Yuki or else they'll find out the truth," bulong din naman ni Alexander sa asawa at hinalikan ang sintido nito para hindi mahalata ang pinag-uusapan nila.
"And to correct you...it wasn't just one round," saad ni Alexander na tinutukoy ang ilang beses na pag-yugyugan nilang dalawa nung gabi ng year end party nila. Agad rin namang namula ng sobra ang mukha ni Yuki dahil naalala niya na naman ang nangyari.
"So I guess we'll hear the news soon," masayang sambit ni Asery at tumango-tango naman si Xyrus habang nakangiti. Halata sa dalawa na excited sila at gustong-gusto na makilala ang magiging apo nila pero lingid sa kaalaman nilang lahat ay mas sabik si Alexander na mangyari iyon.
I guess I'll have to work hard on that...Soon. saad ni Alexander sa isipan niya.