Silvia’s POV : “I’m sorry sir. But we do not have a guest under the name of Selena Casanova.” Ang sabi ng isang babae, nang sabihin ni Mama ang kanyang pangalan. Na verify na kami at tanging si Mama na lamang ang hindi na verify. May iilan ding mga guest ang nakasunod sa amin at nagsimula ng magbulungan. “Are you sure?” Paniniguradong tanong ni Papa. “Maybe you just missed it.” Mukhang kilala naman ng babaeng coordinator si Papa dahil muli nitong tiningnan ang iPad. “I’m really sorry sir, but there are only seven Casanova’s in the guest list.” makikita sa mukha nito ang pag-aalala. “That’s not possible because we RSVPed.” Giit ni Papa. “For a while sir.” May kinausap ang babae sa kanyang walkie-talkie. Medyo marami na ang nakapila sa likod. Yung ibang guest ay una ng nilapitan

