Silvia's POV : “Ate.” nagising ako sa marahang pagyugyug ni Jealena sa akin. Hindi ko napansin na katulog pala ako. “Ate, gising na. Nasa baba na ang mag-aayus sa atin.” Napabalikwas ako ng upo sa kama at tumingin sa kanya. Nakaligo na siya ulit. Alauna na rin ang oras sa relo. “Sige, mauna ka na. Maliligo lang ako ulit.” sabi ko sa kanya at nagtungo na ng banyo. Ang laking pasasalamat ko at hindi na masakit ang tiyan ko. Dali-dali akong naligo at bumaba na. Nadatnan ko na nga na nasa sala na sina Mitch at may iba pang mga taong kasama. Nasa baba na rin ang mga damit namin at kasalukuyan itong nakasuot sa mga manikin. May ilang mga babaeng inaayos ang mga ito, para mawala ang gusot. Napansin ko rin sina Angela at Jazz na nandoon sa sala. Malawak ang living room ng mansyon kaya h

