Silvia’s POV : “Good morning.” Masayang bati ko habang ginigising si Jealena. “Ate - - “ halatang inaantok pa siya. “Gumising ka na dyan.” sabi ko sa kanya at hinawi ang kurtina ng kwarto namin para pumasok ang liwanag ng araw at binuksan ang mga bintana. “Bat ba ang saya saya mo?” tanong ni Jealena habang kinukusot pa ang mga mata. Pero nakaupo na siya sa kama nya. “Because this is the day that the lord has made.” Pakanta at pabiro kong sagot. “Party na ng mga State mamaya. Makikilala ko na rin ang parents ni Vonn.” “Luh, kung maka-react, para siyang jowang ipapakilala sa parents ng boyfriend.” at inirapan ako. “Che. Huwag mong sirain ang araw ko.” Sabagay, walang sino man ang makakasira ng araw ko ngayon. “Ikaw ba hindi ka excited sa party?” “Masyado pa akong inaantok para magi

