"Oh my gosh. Mga artista ba yan?" narinig ko ang pagsinghap ni Cherry sa tabi ko habang sinusundan ng tingin ang grupo ng mga bagong datin. Dahil nasa left side kami ng theater, ay kitang kita namin ang mga lumalbas pasok mula sa main door. "Silvia, diba yun yung friend mo?" Turo ni Cherry kay Vonn. Pumasok si Vonn sa theater kasama sina Jazz at ang tatlo pa nitong mga kaibigan. Iba na ang suot ni Vonn sa suot nya kanina nung magkita kami. Naka leather Jacket na siya ng item at naka maong pants, kupara kanina na semi formal attire na long sleeve at slacks, naka casual na lamang siya. Pero napaka gwapo pa rin. "Shocks. Tingnan mo ang ibang mga students. Daig pa nila si Moses na hinati ang Red Sea." Nagkukwentuhan ang tatlong kaibigan ni Jazz habang kinakausap naman siya ni Vonn. At kaga

