Silvia's POV : "Mga model ba kayo?" tanong ni Blanche sa amin ni Jealena habang sumusunod kami sa Prefect na nag-tour sa amin sa buong SDA College. Kagaya namin ni Jealena, first time student din siya ng SDA. Hindi yata umabot sa isang daan ang mga kasama namin ngayon. Kagaya namin, sa ibang school din sila nagtapos ng Senior High, at ito rin ang unang beses na mag-aaral sila sa SDA. Yung ibang freshmen students na sa SDA - Senior High nagtapos ay di na ni required na sumama sa tour. "Hindi kami model noh." Nakangiting sagot ni Jealena na naglalakad sa tabi ko. "Ang shala kasi ng outfitan nyong dalawa. Pang Paris Fashion Week ang datingan." Nakangiting sabi naman ni Cherry. May iba ding students na nakikipag usap pa sa amin. Kita nyo na? Sadyang mapang mata lang talaga ang mga dati n

