Silvia's POV Matagal man, ay tinupad ni papa ang pangako nya pagka graduate ni Jealena. Agad kaming lumuwas ng Maynila. Ipinakilala kami ni papa sa mga lolo at lola at sinabi nya ang totoo. Ang tungkol sa kasal nila ni mama at ang tungkol sa amin. Galit na galit si lolo sa kanya. Si lola naman ay panay ang iyak. Wala namang reaksyon tita Angela. Galit man ay walang nagawa si lolo kundi ang tanggapin kami dahil na rin sa pakiusap ni lola. Hindi rin namin alam kung ano ang pinag-usapan nila papa at Angela. Ok lang daw sa kanya na doon na kami tumira basta alamin lang daw namin kung saan kami lulugar. Pero hindi ba't siya dapat ang lumugar. Siya ang kabit. Nang gabing iyon, nalaman namin na matagal na pala silang di magkasama sa iisang kwarto. Pero para na rin hindi magkagulo, hindi

