Silvia's POV : "Tumigil ka nga sa kakaiyak mo dyan." Pasigaw kong sabi kay Jealena. Andito kami ngayon sa isa sa mga powder room sa building 2. "Imbes na ngumawa ka dyan, tulungan mo akong tanggalin tong corset ko." Pabagsak nyang binuksan ang pintuan ng isa sa mga cubicle at lumabas doon. Marahas nyang pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata. "Sabi ko naman kasi sayo kanina. Na huwag na ito ang suotin natin." Tumutulo pa rin ang mga luha pero tinulungan nya akong tanggalin ang corset na suot ko. "Bakit kasi dito pa tayo ni enroll ni Papa. Hindi naman tayo bagay sa school na to. Tingnan mo nga mga studyante dito, puro mga sosyal." sumisinghot nyang sabi. "Anong hindi bagay. Nakalimutan mo ba na tayo ang legal na anak ni Papa." Nanlilisik ang mata na tinitigan ko siya sa repleksyon

