*** Nang muling magkamalay si Avah, ang dahan-dahang pagtunog ng kung ano ang bumalot sa pandinig niya. Bumungad ang puting-puting kisame. Ilang beses pa siyang napakurap bago niya tuluyang naimulat ang mga mata. Napansin niya ang nag-aalalang mukha ni Faye sa kanan. Si Julian naman sa kaliwa. Inilibot niya ang tingin sa silid. Mukhang nasa Diamond Empire hospital siya. Kapansin-pansin naman 'yon sa logo ng mga equipment sa paligid. "Gising ka na ba?" usisa ng nag-aalalang si Faye. "Ayos ka lang ba?" Nagpumilit siyang bumangon at inalalayan naman siya ng dalawa na maupo. "Nasaan si Avah?" Parang may kakaiba na namang nangyari dahil nagkatinginan 'yong dalawa bago alanganing tumugon si Julian, "Avah, nakalimutan mo na naman ba? Ikaw si Avah." Saglit pa siyang natigilan dahil hindi aga

