Chapter 6

1199 Words
URSULA'S POV: "Bakit ka ba kasi nakipag-away kay Daya?" Tanong ni mama habang kumakain kami ng tanghalian. "Nay, sinong hindi maiinis kapag nakaamoy ka ng malansang pokpok?" Balik na tanong ko. "Oo nga naman tita, kanina habang jinonombag ko yung mga kasama niyang kuto ambabantot ng amoy, mas malala pa sa imburnal." Dagdag ni bakla. "Hoy, Berto. Subukan mong makipaglandian sa mga pokpok na 'yon, babalatan kita ng buhay." Pagbabanta ni mama kay Bert habang kumakain. "Nay, naman. Ako na naman, baka nga si Kuya Jack ang makipaglandian doon dahil gusto niya yung mga suot non." Asik ni Berto ay uminom ng tubig. "Hoy! Hoy! Kadiri ka, Berto! Tsaka Jackie, hindi Jack! Kakaimbyerna ka! Chaka mo!" Bulyaw ni bakla. "Ikaw ang mag-hugas ng pinagkaininan natin, Bert." Utos ko rito. "Subukan mong mag-reklamo, papaduguin ko 'yang mukha mo." Dagdag ko rito. Wala 'tong nagawa kung 'di ang sumunod at nagdadabog na nilagay ang mga plato sa lababo. "Hala, magdabog ka ng dumami 'yang plato at ng ilibing kita ng buhay." Asik ni mama kay Bert na tinawanan namin. "Kailan ka papasok bakla?" Tanong ko kay Jack habang kumakain ng mansanas. "Di aketch knows, kulang pa ang pera ko." Sambit ni bakla. "Bakit ba kasi ayaw mong pumayag na ako ang magpapa-aral sayo?" Tanong ni mama. "Tita naman, sobra-sobra na nga ang naitulong niyo sa'kin. Pinatuloy niyo 'ko sa bahay niyo, pinapakain niyo 'ko tapos tinuring niyo 'kong tunay na anak kahit na ganito ako." Sagot ni bakla. Tinakwil kasi siya nila Tito dahil bakla siya, dati pa namang sundalo si tito kaya hindi niya matanggap na bakla ang anak niya. "Pumasok ka na, ako ng bahala sa tuition mo para mapatunayan mo kay Trino na kahit ganyan ka ay nakapagtapos ka ng pag-aaral." Sambit ni mama kay bakla. "At ikaw, Ursula kailan ka rin papasok?" Tanong ni bakla. "Pagtatapusin ko muna si Bert." Sagot ko. Mga ilang minuto at may malakas na kumalampag sa pintuan namin. "Hoy! Lintek! Kung makakalampag kayo sa pintuan namin wagas ah!" Sigaw ni mama. "Ta*na niyo! Kung makakalampag kayo sa pintuan akala niyo kayo may ari!" Sigaw ko at inis na binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin ang mag-inang pokpok na pinili ng magaling kong ama. "Hoy! Ano 'tong nabalitaan kong binugbog mo yung anak kong maganda?!" Bungad na sigaw sa'kin ni Aling Impa, impakta. Agad akong napatakip ng ilong ng maamoy ang hininga niyang nakakamatay. "Awit ka naman Aling Impakta, nagtooth-brush ba kayo? Sa susunod bago kayo sumugod, tooth-brush muna kayo. Nananapak yung hininga niyo, nakakamatay." Asar kong sabi. "Hoy, malanding dep*tang pokpok na kabit ng asawa ko. Ang kapal ng mukha mong sumugod dito, bakit? Hindi na ba kayo inuuwian ni Angelito?" Asar na tanong din ni mama. "Syempre, inuuwian ako hindi kagaya ng iba dyan hindi na binalikan." Bawi niyang sabi. "Papaanong hindi babalikan yung isa kasi dyan takot maubusan ng lalaki kaya yung may-asawa yung dinali. Mga pokpok nga naman." Sambit ni mama at tinarayan si Aling Impa. "Bakit ba nandito ang mga malalansang pokpok na 'to?" Tanong ko habang tinitignan sila. Nagulat ako ng bigla akong sinampal ni Aling Impa. P*t*ngina, baka mahawa ako ng pagiging pokpok. "Yan! Ang kapal ng mukha mong saktan ang anak ko! Palibhasa naiingit ka sa kanya!" Sigaw nito sa'kin habang dinuduro-duro ako. Ang kapal ng mukha, ngayon lang ako nasampal. Sila mama hindi ako pinagbubuhatan ng kamay kahit si papa. "Sandalii! Sandali!" Biglang sigaw ni bakla at hinarap si Aling Impa. "Ang kapal ng mukha mong imburnal ka na sampalin ang pinsan ko!" Sigaw ni bakla at sinampal din si pokpok. "Para sabihin ko sayo, mas maganda ang pinsan ko kaysa dyan sa pokpok mong anak! Tsaka bakit maiingit si Ursula dyan aber? Nakakainggit ba ang pagiging pokpok?! Ha?! Nawawarla ako sayong p*ñetang pokpok ka!" Malakas na sigaw ni bakla at sinampal ulit si pokpok sa magkabilaang mukha. "Kayo na nga ang kabit, kayo pa ang makakapal ang mukha at matapang! Mga pokpok!" Muling sigaw ni bakla at tinarayan sila. Halos lahat ng mga kapit-bahay namin ay nakikichismis na dahil sa mga nangyayari. Malakas na tinulak ni mama si Aling lmpa kaya napa-upo ito sa kalsada. "Wala kang karapatang saktan ang anak ko ng ganyan, 'yang anak mo ang dapat disiplinahin! Ang kapal ng mukha mong pumunta dito tapos sasaktan mo ang anak! P*t*ngina ka!" Galit na sigaw ni mama at sinampal ng malakas si Aling Impa. "At ikaaaawwww! Lakas ng loob mong awayin kanina ang pinsan ko tapos sumbong nanay ka naman!" Sigaw ni bakla at sinabunutan si Daya na hindi makapalag. "Ano?! Bakit hindi ka makalabang gaga ka! Ha?! At isa pa, ang chaka mo! G*ga!" Tili ni bakla habang winawagayway ang ulo ni Daya. Agad akong lumapit sa pwesto nila at sinuntok na malakas sa sikmura si Daya. "L*tse ka, maganda ka?! Ha?! Kaya ka nilalapitan ng mga lalaki dahil pokpok ka! Pokpok!" Sigaw ko at sinampal siya habang patuloy na sinasabunutan ni bakla. Si mama, sinasabutan at sinusuntok si Aling Impa na hindi makapalag. "Tumawag kayo ng tanod!" Sigaw ng ilang mga kapit bahay namin. "Ano?! Bakit hindi ka napalag?! Matapang ka lang kapag may kasama ka!" Sigaw ko at sinuntok ang mukha niya na ikina-iyak niya. "Ateng, basag ang ilong ni pokpokers." Komento ni bakla at pumasok ng bahay. Habang si Bert ay sinusubukan kaming awatin. Biglang nagsidatingan ang mga tanod kasama si chairman at inawat kami. "Mga malalanding pokpok kayo! Ito ang nababagay sa inyo!" Sigaw ni bakla at binuhos ang mainit na tubig pero imbes na sila Daya ang mabuhusan si chairman. "Anak ng! Dalhin ang mga ito sa barangay hall!" Inis na sigaw ni chairman habang pinupunasan ang mukha. Nakarating kami sa barangay hall ng mapayapa habang sila Aling Impa ay umiiyak at mukhang ginahasa ng mga kabayo ang itsura. "Ano bang nangyari?" Tanong ni chairman. "May mata naman siguro kayo, chairman. Obvious ba? Jinombag namin 'yang mga 'yan dahil gusto nilang manghawa ng kapokpokan." Mataray sa sabi ni bakla na ikinatawa namin nila mama. "Anong nangyari?" Mariing tanong ni kapitan at nagsimula ng magkwento sila Daya, binaliktad pa ang kwento. Ayos 'yan. "Pokpok na nga, story maker pa." Komento ni mama. "Binugbog po nila kami." Paawang iyak ni Daya. Agad akong lumapit sa pwesto nila at sinampal siya. "Kapal ng mukha, ikaw ang nauna." Sambit ko rito. Tinawag ni kap ang mga kapitbahay namin para alamin ang tunay na nangyari at sinabi naman nila na sila Daya nga ang nagsimula, ilang minuto dumating ang tatay ko at niyakap si mama. "Ano ba?!" Inis na tanong ni mama at kumalas sa yakap sabay sampal kay papa. "Wag mo 'kong mayakap-yakap ha?! Baka mahawa ako ng kalandian niyo." Galit na sabi ni mama. "Pwede na ba kaming umalis kap?" Tanong ko at tumango lang si kap. "Goodbye, pokpokers!" Sambit ni bakla at sinampal ang mag-ina tsaka tumakbo. "Pagka-uwi ng bahay, maghugas kayo't maligo. Mahirap na baka magkaroon kayo ng nakakahawang sakit." Sambit ni mama habang naglalakad kami. "Oo nga, pinsan. Ayokong maging pokpok, pagkakaguluhan ang beauty ko." Saad ni bakla na ikinatawa namin ni mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD