URSULA'S POV:
"Ateng, watashi magsuot ng otaku na pandamit! Hindi bagay sa beauty koooo! Whaaaa! Inaaaayyyy!" Matinis na sigaw ni bakla.
Alang'ya, daig pa ang mga babae kung sumigaw.
"Kuya Jack naman! Ang ingay ng boses mo, buti hindi nabasag yung mga baso't bintana sa tinis ng boses mo." Iritang sabi ni Bert habang nagbabasa ng magazine.
"Aba! Hoy! Hoy! For your information, Wilbert! Kasalanan mo itech kung bakit ako magsusuot ng gano'ng damit sa linggo!" Sigaw ulit ni bakla.
"At isa pa! Nakikita mo itech?! Ha?!" Sambit ni bakla habang tinuturo ang black-eye niya. "Najombag ang beauty ko! At kasalanan niyo 'tong dalawa!" Dagdag niya habang
Inis ko siyang binatukan dahil palagay ko'y nabasag na ang eardrums ko sa pagsigaw ni bakla.
"Aray naman! Sadista kang bruhilda ka 'no?! Ibalibag kita dyan, makita mo!" Inis niyang sigaw at tinarayan ako.
Lumabas ako ng bahay habang inaayos ang buhok ko. Pinoproblema ko pa yung pyesa ng kotse ni Panot. Buset, bakit pa kasi laging sa talyer ko nagpapagawa? Ang dami naman dyan, psh! Akala mo naman gwapo, panot na nga wala pang pustiso.
Akmang sisimulan ko ng tapusin ang koste niya ng biglang dumating si Daya, anak ng kabit ng magaling kong ama.
"Aba, nandito pala si tomboy." Pagpaparinig nito kasama yung mga kaibigan niyang nakasuot ng maikling damit na kita na ang kaluluwa.
Nagmake-up pa ng sobrang kapal, kulang na lang pumunta sila ng children's party at magpanggap na clown.
"Kaya pala ang baho ng amoy, nandito pala ang mga pokpok ng taon." Pagpaparinig ko at nagsimula ng ayusin ang kotse.
Nagulat ako ng biglang may humablot ng braso ko at nakita ko ang nakakainis na mukha ni Daya.
"Pinaparinggan mo ba kami?" Tanong nito habang masama ang tingin sa'kin.
"Bakit natamaan ba kayo?" Tanong ko sa kanila at umirap.
"Ang yabang mong tomboy ka, kala mo naman ang ganda mo." Asar nitong sambit.
"Ako? Ha! I was born pretty, unlike you who still need to put make up just to say you're pretty ." I said while rolling my eyes and flip my hair.
"What did you sabi?" Maarteng sabi ng isa na akala mo sinampal sa kapal ng blush-on.
"Psh! I forgot, mga hindi nga pala kayo nakapagtapos ng pagaaral dahil inuuna niyo ang paglalandi." Iritang saad ko at umalis na.
Pero muli na naman niyang hinablot ang braso ko.
"Ano ba?!" Asik ko rito.
"Anong sinabi mo?" Muli niyang tanong na kina-inis ko.
"Bingi ka ba? Sa sobrang kapokpokan mo nabingi ka na? Ganon pala 'yon, nakakabingi na pala ang pagiging pokpok." Mapang-asar ko na sabi at sinampal siya ng malakas.
"Hindi ako pokpok!" Sigaw nito habang sapu-sapo ang mukha.
"Di anak ng pokpok! Anak ka ng dakilang pokpok na pati may-asawa nilalandi! Isang putang pokpok na ayaw maubusan ng mga lalaki! Mga pokpok na puro bukaka lang ang alam!" Sigaw ko rito at gigil na hinablot ang buhok.
"Kyaaa! My buhok!" Daing ni gaga na mas lalong ikinainit ng ulo ko.
"Sa susunod na lumandi ka mag-aral ka muna kung paano magingles ha!" Sigaw ko rito habang winawagayway ang buhok.
"Anong nangyayari ditech?" Saad ni bakla ng lumabas siya.
"Whaaa! Titaaaaa! Nandito ang mga deputang pokpokers ng taon!" Sigaw ni bakla at nagtata-talon.
"Ano ha?! Bakit hindi ka lumaban?!" Asik ko rito at sinikmuraan.
"Gusto mong mangudngod din?" Dagdag ko at muling sinampal ang parehas niyang pisngi.
"Mga g*ga ka! Aketch ang kalabanin niyo!" Sigaw ni bakla at sumugod sa dalawang kuto ni Daya na nagwawala.
Nakawala siya mula sa pagkakasampal ko sa kanya.
"Ano?! Palibhasa hindi niyo pa ring matanggap na mas mahal kami ng tatay mo!" Sigaw niya habang mapang-asar na tinignan ako.
"Tanga, matagal ko ng tanggap na kaya pumatol si tatay sa nanay mong mahaliparot dahil nilandi niya! Parang ikaw! Lahat ng mga lalaki sa lugar niyo, nilandi mo dahil pokpok ka! Isang makating dep*tang pokpok!" Malakas na sigaw ko at sinampal siya ng bongga.