AVERY’s POV
PARANG martsa sa patay ang aming eksena ni Sir Blythe dahil tahimik kaming naglalakad papunta sa likod ng mansion, papunta sa isang parte ng estate na hindi ko pa napupuntahan. Si Sir Blythe nasa unahan ko, daig pa ang sundalo, malalim ang hininga, parang sinusubukang h’wag pansinin ang buong presensiya ko. Ako naman… literal na sumusunod na parang batang ayaw ma-late, dahil baka Mapapagalitan na naman ako. For my second. Look who’s counting? Sita ng utak ko. Pero dahil hindi ako mapakali,
“Sir,” mahina tawag ko sa kanya, “saan po tayo pupunta?” Kagat labing tanong ko.
“Greenhouse.” Matipid niyang sagot.
“Wow. May greenhouse po kayo? ‘Yong parang sa mga mayaman sa K-drama?” Hindi siya sumagot.
Pero narinig ko ‘yong mahina niyang pag-exhale na hindi ko sure at hindi maka maka-decide kung inis ba o pigil-tawa ang gagawin ni Sir Blythe. Ang hirap basahin talaga ang kukote nito. Ano ba tingin niya sa akin manghuhula?
Pagdating namin sa harap ng malaking glass structure, napanganga ako. Parang botanical garden meets fairy tale. May mga hanging plants. May mini fountain. May warm yellow lights na parang laging golden hour dito. May rows and rows of exotic flowers and herbs.
“Sir… ang ganda dito,” bulong ko.
“Mm.”
"Parang therapy."
"Mm."
“Tapos ang bango. Hindi amoy grasa. Hindi amoy kotse. Hindi amoy pagkawala ng dignidad.” Napahinto siya. Tumingin sa akin. Parang hindi niya napigilan. Nakasimangot na.
“You talk too much,” aniya.
“Opo. Gift po ‘yan. Alam niyo hindi ako nauubusan ng salita. Iyon lahat may opinyon ako. Ganern!”
“Tawag diyan, headache.”
“Sorry, po, sir. Pero kahit headache, cute naman po ako—AY SORRY JOKE LANG PO ‘YON SIR BL—"
“Shut up,” putol niya, parang dragon na umuusok na agad at anumang oras parang bubuga na naman ng apoy! “Ibibitin kita eh!” Nanlalaki ang mga mata ko. Napatakip ako ng aking bibig. Hindi ko alam kung tama ba narinig ko kasi bigla siyang tumalikod at naglakad papasok, parang gentleman dahil siya na ang nagbukas ng pinto para sa akin. Wait! What? Nagbukas siya ng pinto? For me? Is this for real ba talaga? Ako lang ba… o ito na klase ng ibibitin na iba ang dating sa akin?
Pagkapasok namin, naglakad siya papunta sa table na may soil trays at gardening tools.
“Anong gagawin ko po dito?” tanong ko.
“Tutulungan mo ako.” Simpleng sagot nit. Nakatalikod pa rin siya sa akin at hinulma ko sa ere ang likuran niya na akala mo nagdo-drawing lang ako.
“Wow, teamwork?” Ngumiti ako, proud na proud na pwede pala iyon. “Tingnan mo ‘yan sir, nagle-level up na tayo—”
“Hindi tayo.” Walang emosyon Pagputol niya sa sasabihin ko. Technically rude. Napayuko ako. Strike 2 na naman ako, pahiya 101 Pero kahit gano’n pa man masaya pa rin ako. Hindi ko pa naririnig ang salitang ‘you’re fire,’ napahinto ako. Napangiti, kahit bawal.
“Opo, hindi po tayo,” tugon ko para lang ba mapang-asar ako, ewan ko lang kung hindi na naman uusok ang anit niya sa gigil dahil sa kadaldalan ko. “Tulungan lang po kayo maging okay today, sir.”
Nag-roll eyes siya. May bahagyang ngiti sa gilid ng labi niya. Ewan kung totoo, pero kitang-kita may munting sumilay na ngiti. Hindi full smile. Pero may konting… unti. Yes! May hope na babait ang anti-social na ito. ‘Yon na ang pinaka-rare sight of my second day! Achievement rin iyon ha.
Habang pinapakita niya sa akin kung paano mag-transfer ng seedlings to new pots, ang tahimik niya, iyong ang laki ng katawan niya at muscle pero napaka gentle ng pag tusok niya sa punla para hindi maiiwan ang ugat sa seedling tray. Parang comfortable siya at natural na niya ginagawa iyon. Akala ko puro manibela lang ang hawak niya pero halaman din pala. It was warm in a weird way. Pag minsan, lumalapit siya sa likod ko para i-correct ang posture ko. Parang tatalon na ang puso ko sa dibdib ko. Grabe naman kasi maka, “No, not like that.”
“Hala! Sorry po, Sir Blythe first time ko po kasi!” Napaubo siya sa likod ng batok ko kaya ramdam ko ang init ng hininga mula roon at gumapang sa likod down to my spine! s**t pang movie scene!
“Gamitin mo kamay mo nang dahan-dahan. Alalayan mo at itaas ng dahan-daan.” Oh my gosh! Iyong word na dahan-dahan in two sentences feeling ko sa alaga niya napunta ang utak ko. Iyong taas-baba ng dahan-dahan! Darn!
“O–opo, sir.” Nauutal kong sagot. Halos masugat na ang pang ibabang labi ko to control the freaking kilig inside me. Kaso ang s**t! Lalo siyang lumapit!
“Hindi ganyan.” Bulong niya malapit sa tenga ko. Kaya napasigaw na talaga ako! Mabilis akong lumipat sa kabilang side.
“Sir! Ginagawa ko na po talaga best ko!” Tumaas na ang boses ko. Pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
Minsan, pag may dirt na napupunta sa ilong ko o pisngi ko, nilalapitan niya ako at—
“Stay still,” utos niya, habang inaalis ang lupa sa mukha ko gamit ang thumb niya. Parang hihimatayin na ako sa sobrang close namin. Napakapit ako sa table. Literal na nanginginig pati ang tuhod ko like, weakness on my knees.
“S—sir…”
“Ang dumi mo,” sabi niya, pero mahina. Insult ba iyon.
“Ako na kasi kaya ko naman! Tsaka doon ka o!” Ngumuso pa ako, at napatingin siya sa nakanguso ko na lips at ilang beses pang pumikit-pikit. Halos hindi ako makahinga. This is too close, mapanganib hindi ang lalaking kaharapan ko kundi baka bigla ko na lang siyang lambitinan at sabihin, take me!
Then —just when the moment felt like something was shifting…
“Avery?” Napatalon ako. Literally napalayo kay Sir Blythe.
Si Sir Caelan. Standing at the doorway. Smiling widely, tapos nakasandal sa hamba ng pinto ng greenhouse na akala mo kami lang at wala si Sir Blythe na dumilim na ang mukha pero si Sir Caelan, napaka warm. Friendly aura, iyong hindi ka mag aalangan. Nagsalpukan ang kilay ni Sir Blythe at halatang hindi niya in-expect na maabutan kami ng kapatid niya nang ganoon kalapit.
“Oh!” Kumaway siya. “I was looking for you.” Tumingin ako kay Sir Blythe. Tumigas ang panga nito.
Nag-iba ang postura. Parang biglang dumilim ang langit este ang mukha ni Sir Blythe dahil sa pagdating ni Sir Caelan at hinahanap raw ako. Ang haba ng hair ko!
“Ano’ng kailangan mo?” malamig na tanong ni Blythe. Wala nang paggalang. Hindi na “Kuya.” Hindi na casual na tanong. Pakiramdam ko gusto niyang itaboy o kaya naman gusto niyang balibagin. He is colder and sharper than ever.
“Oh relax, bro” sabi ni Caelan, pumasok sa loob. “I just wanted to check kung kumain na si Avery. Baka pagod na naman siya.”
“Ako ang nag-aassign ng tasks sa staff, ‘KO’” sagot ni Blythe. “Hindi ikaw.” Napataas ang kilay ko sa salitang ‘ko’ na Pinagdiinan talaga niya. Territorial nga sabi ni Caelan.
“Hindi ko naman inagaw ang trabaho mo, bro,” nang-aasar na sagot ni Caelan at lumapas ang tingin sa kapatid at dumako ang tingin sa akin.
“You look tired, Avery. Do you want me to ask the chef for some snacks for you?”
“Ah—no po! Okay lang po ako!” Todo tanggi ko ng makita kong kumuyom na ang kamay ni Sir Blythe na akala mo susugurin ng suntok ang kuya niya.
Ngumiti si Caelan.
“That’s good. Pero if you need anything… ask me anytime, okay?”
“O-opo po…” Tumikhim si Blythe. Tumingin siya kay Caelan na para bang naglalaban na sa hangin ang dalawang klima: Sunny Kuya vs Stormy Bunso.
“Do you need anything else? Kung tapos ka na,” sabi ni Blythe, “get our, Caelan!” Pagtataboy ni Sir Blythe. As in galit na kasi Caelan na lang ang pagtataboy niya. Wala ng kuya-kuya kineme.
“Ay, pinapaalis mo ba ako?” tanong ni Caelan, amused all over his face.
“Yes.”
“O, sige, sabi mo.” Nag hands up pa tanda ng pagsuko. Ngumiti si Caelan, pero bago umalis, lumapit siya sa akin. Not too close, pero enough para maging obvious.
“Avery, be careful. These plants are sensitive.” Kunwaring paalala niya. Napalunok ako ng laway ng wala sa oras. Oh my gosh! Dalawang Matikas at hot guys!
“Yes po—” Bago siya tuluyang lumabas, lumingon siya muli kay Blythe.
“You too, little brother.” Pagkalabas ni Caelan sa pinto, naputol ang katahimikan sa pagitan namin. Ako ang unang nagsalita.
“Sir…” Hindi siya lumingon. Pero ramdam mo ang tensyon.
“Galit po ba kayo?” Hindi siya sumagot.
“Na… aasar po ba kayo?” Huminga siya nang malalim. Tapos tumingin sa akin, diretso, sa mga mata ko. Iyong tipong sinusuri o di kaya tinitimbang na naman ang kaluluwa ko.
“Hindi ako naaasar.” Matipid na sagot niya.
“Talaga po? Hindi ka naaasar.” Naglakad siya papalapit. Konting-konti lang. Pero sapat para madama ko ang init ng presence niya.
“Hindi ako naaasar.” His eyes became soft, mababa ang boses. Mas mababa kaysa dati.
“Tinatamaan ako.” Nanlaki ang mga mata ko at natigilan ako.
“A-Ano pong ibig sabihin—na natamaan kayo may sugat kayo? Saan?” Inosente kong tanong. At sinuri ang buong katawan niya para hanapin ang sugat.
“Avery!”
“Po!”
“Stop doing that!” Saway niya na tila galit at hindi ko maintindihan.
“Ang alin po? Sinusuri ko lang kung may sugat kayo, pero prang wala naman.” Ibinababa ko ang damit niya. Tapos pumunta ako sa harapan niya at pulang-pula ang mukha niya.
“Sir Blythe namumula kayo, as in sobrang pula po! Bilisan niyo baka allergic kayo!” Hinawakan niya ko siya sa pulsuhan niya para lumabas kami pero hinila niya ang kamay niya mula sa akin, lumakad siya palayo.
Iniwan akong nanginginig sa kaba at hindi na siya lumingon pa.