AVERY’s POV
Habang nag-aayos pa ako ng last set of plates, na gagamitin nila kalkulado na ang batawat galaw ko dahil ayokong maulit ang bote incident. Nagpasalamat na lang ako dahil hindi ako pinahiya ni Sir Blythe, pero biglang bumukas ang malaki at engrandeng pinto sa dulo ng dining hall. Isang lalaki ang pumasok, matangkad, mestizo, naka-light blue polo at slacks. He walks like model in the runway. Humahalimuyak na agad ang pabango niya sa ko. Iyon klase ng amoy na pangmayaman at pag hot bachelor next door. Nang magtama ang mga mata namin nakangiti siya. Like parang nalaglag ang panga ko at napaawang ang bibig ko. Jesus takes the wheel. Parang pang toothpaste commercial model.
“Good morning, everyone!” malakas pero warm na bati niya sa lahat.
Si Doña Gabriella ngumiti. “Ah, anak. Mabuti at nakasabay ka sa breakfast.” Lumapit siya kay Doña, humalik sa pisngi nito, tapos…BOOM.
Tumingin siya sa akin. Studying and smiling with full attention. Na akala mo ako lang ang tao at nakatuon sa akin ang spotlight. Kumabog ang dibdib ko.
“And who is this lovely young lady?” Lovely?? Ako?? Ako ba ‘yon?? Ako ngang nalaglag ang bote kahapon?! Shocks! Ako nga! No one else, but me! Juskolord!
“Ah—A-Avery po,” nauutal kong sagot, habang nakahawak pa sa plato para may something sa mga ngiti niya.
“Ahh, Avery,” ngumiti siya. “I’m Caelan. The eldest at ako ang pinaka mabait, gwapo at gentle.” Nahiya ako bigla sa description niya.
CAY-LAN. Even the name sounds expensive. Inabot niya ang kamay nito para makipag-handshake. Medyo hesitant ako pero tinanggap ko rin. Mainit ang palad niya. Malambot, nahiya ako sa kamay ko na maraming kalyo. Tingin ko Maginoo naman. Unlike SOMEONE na nakaupo sa dulo ng mesa na parang storm cloud, yep, ‘yan ay walang iba kundi si Sir Blythe.
Hindi ko pa siya tinitingnan pero ramdam ko yung mood shift. Parang bumigat ang atmospera ng paligid, parang biglang nagkaroon ng thunderstorm warning.
“Nice to meet you, Avery,” dagdag ni Caelan. “New staff?”
“Opo… first day ko po kahapon.” Magalang kong sagot.
“Ah!” ngumiti siya. “That explains why I haven’t seen you before. Mabuti naman at may bago kami rito. You brighten up the place, you know?” LITERAL na nangalog ang mga tuhod ko. Hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa kaba. Kasi nararamdaman ko ang mata ni Blythe sa amin. Kitang-kita ko sa aking peripheral vision.
Ayoko namang lumingon baka bubuga ng fire, masunog ako bigla at mawalan ng trabaho. Pero nararamdaman mo ‘yon diba? ‘Yong pakiramdam na may laser sa batok mo? ‘Yon ‘yon.
“Anak,” sabat ni Doña habang nakangiti, “si Avery ang tumulong kay B—”
“Siya ba ang nagpunas ng mga kotse mo kahapon, Blythe?” natatawang tanong ni Caelan, sabay lingon sa kapatid niya, with amusement in his look.
AH. ITO NA. ITO NA ANG MOMENT. Tumingin si Caelan kay Blythe. Tiningnan ko rin, pero hindi siya tumingin balik. Nakayuko lang siya sa kape niya. Pero yung panga niya…Nagtagis na. Nagpipigil parang may kinikimkim.
“Mm.” iyon lang ang sagot niya.
“Wow,” natatawang sabi ni Caelan. “That’s rare. Hahayaan mo yung kotse mo na hipuin ng ibang tao?” Nag-angat ng tingin si Blythe, finally. Pero ako nanlaki ang aking mga mata. Bawal niyang ipahawak sa iba pero sa akin pinaglinis niya?
Nang magtama ang mga mata namin, pinukol niya ako ng masamang tingin. Iyong tipo ng tingin na matalim, nakakahiwa ng aking kaluluwa o kaya sinusuri kung buhay pa ‘ko.
“Ano? Is it true?” halos hindi makapaniwala na tanong ni Caelan, at natatawang parang aso. “Do you… actually trust her?” That question, shocked me, parang tumigil ang mundo. Even the maids who were serving food… Napasilip ng wala sa oras at dumako ang tingin sa akin.
Si Blythe, napatingin ulit sa akin. Halos hindi ko mabasa ang laman ng utak niya. Hindi lang iyon simpleng tingin, nagtagal. Nagtagal nang mas matagal kaysa dapat. Tapos…
“…Hindi naman siya ganun kalala,” malamig na tugon niya. Hindi naman siya ganun kalala? A-Ano raw??
Compliment ba ‘yon??? O insulto. Bakit parang ayaw kong ma-excite??? Si Caelan humagalpak ng tawa at napahampas pa ang kamay niya sa dining table.
“Ohh? That’s already a compliment coming from him.” Tinignan niya ako, nakangiti. As if isa akong clown na tuwang-tuwa siya.
“Good job, Avery. You passed the Blythe Test.” He smirks, at umupo.
“Ano pong Blythe Test?” Curious kong tanong at nasundan si Sir Caelan na umupo.
“Kung hindi ka niya sinigawan within five seconds of meeting him,” sagot ni Caelan. “Which means… exceptional ka.” Nasamid ako ng wala sa oras.
“Po?”
“KUYA,” banta ni Blythe, matalim ang tono. Napasinghap ako.
“What?” balewalang tanong ni Caelan, walang ka-effort-effort at hindi apektado sa galit ni Sir Blythe na namumula na ang mukha. “Totoo naman ah.” Dagdag pa niya.
“I don’t want her hearing unnecessary nonsense.” Kasing lamig ng yelo ang sentence na iyon.
OUCH. Double ouch! Coming from him! Pero sanay na ako. Ganyan talaga siya. Caelan leaned closer to me. Not sexually bastos, but just friendly. Pero malapit pa rin, enough para magfreeze si Blythe sa dulo.
“So, tell me, Avery… how are you finding your stay so far?” I was about to answer when—
“Avery.” Boses ni Blythe. Pagkuha niya sa atensyon ko na dapat sasagot na ako sa tanong ni Sir Caelan. Matalim ang tingin niya sa akin, kaya natakot ako na tumingin sa kanya.
“Po?” Sagot ko, parang naiinis na siya o naiirita o hindi ko alam baka normal na ang ganoong klaseng awra ni Sir Blythe.
“Marami ka pang gagawin sa kitchen,” malamig na utos at may diin. Hindi utos na galit kundi naiinis.
“Ah—opo sir! Opo! Papunta na po ako!”
Mabilis akong tumalima. Ayoko ng second words baka last day ko na kapag nagkataon. Pero bago ako tuluyang makaalis, narinig ko si Caelan na tumatawa softly.
“Oh? Kailangan mo na agad siya? Interesting.” Sumimangot si Sir Blythe. Diretso akong tumakbo palabas, hawak-hawak ang puso ko na parang lalabas na dibdib ko. Ramdam ko iyong paninikip sa sobrang takot.
“Lord,” bulong ko ng nasa hallway. “May problema tayo. Dalawang Montezero ‘to. Parang yong isa… nag-aasim na.” Ang kitchen ng Montexero mansion ay hindi basta kusina. Para siyang tatlong restaurant in one, isang main station, isang pastry section, at isang prep area na mas malaki pa sa buong bahay namin ni Tiyo Crispin at Tiya Sarah, namiss ko tuloy sila.
Naka-assign ako sa food prep. Chopping vegetables. Trying my best na huwag maputol ng daliri dahil nanginginig pa rin ako sa encounter kanina with Sir Storm Cloud himself—Elobiene Blythe Montezero.
Habang nag-cha-chop ako ng carrots, iniisip ko na lang na, hindi talaga tama na dalawang klase ng guwapo ang nandito. Isang dark mode at isang bright mode. Lord, iwasan mo ako sa temptation.
“Avery.” Nalaglag ko iyong carrots. Kasi nagulatan ako sa pag tawag ni Sir Caelan sa pangalan ko. Nasa pinto siya ng kitchen, naka-fold sleeves, naka-smile na parang pang-end-credit ng romantic movies.
“Sir Caelan!” Napatayo ako sa tuwid-tuwid mode.
“Wala po akong sinasayang na gulay, promise po ‘yan nahulog lang po—” Tumawa siya. Naka cross arms siya.
“Relax. I’m just checking on you.” CHECKING—ON—ME? Lord… bakit ganito? Ba’t nakaka-heartburn ‘yong salitang ‘checking’ pag siya nagsabi? Lumapit siya sa workstation ko, nakasilip sa chopped vegetables.
“Wow,” aniya. “For someone new, ang bilis mong matuto.” Amuse na amuse siya sa trabaho ko.
“Ah—eh—sinusubukan ko lang po na hindi po ako ipahamak ni Sir Blythe,” sagot ko habang nakangiti pero nanginginig. Tumawa si Caelan. Deep, warm, gentle laugh. UNLIKE SOMEONE NA PABIGLA-BIGLA KUNG SUMIGAW NG “TUMAHIMIK KA.”
“Well,” sabi niya, nakatingin sa akin, “kung kailangan mo ng tulong… I’m right here.” Ano raw?? HELLO PO?? PAKI ULIT??
“Sir…?” tanong ko, ramdam ko nagkulay kamatis ang mukha ko. Ngumiti siya.
“Oh? Did I make you nervous?” Tanong niya. He smiled again. s**t!
“H-hindi po!” Napalakas ang boses ko. Kasabay ng pagkalaglag ng carrots sa sahig.
“Hmm,” tumango siya, kunwaring nag-a-analisa. “Mukha ka kasing kinakabahan.” Hindi ako makapagsalita. Literal, mouth.exe has stopped working.
“Actually…” dagdag niya. “I came here to ask kung okay ka after yesterday. Narinig ko kasi kay Mama na pinaharap ka agad kay—”
Hindi niya natapos kung ano man ang gusto niyang sabihin. Kasi biglang may dumaan sa likod niya. Hindi lang basta dumaan. Huminto ito, gumilid pa ang aura niya, at umasim ang mukha ni Sir Blythe. Nagkatinginan kami ni Sir Caelan saglit bago ako biglang napatingin kay Sir Blythe.
“Morning, brother,” masayang bati ni Caelan. Hindi sumagot si Blythe agad. Tinitingnan pa rin niya ako.
Pinaglipat-lipat pa niya ang tingin sa pagitan namin, na akala mo may ginawa kaming kalohan kahit may distansya naman. Nang ibalik ni Sir Blythe ang tingin sa kuya niya tinanong niya ito.
“What are you doing here?” Walang emosyon pero ramdam mo pigil ang emosyon. Kibit balikat lang si Sir Caelan. Na tila hindi apektado sa beast mode ni Sir Blythe. Parang panawan na ako ng ulirat sa sobrang takot sa pagitan ng dalawa Greek Gods.
“Checking on Avery,” casual na sagot ni Caelan. “She’s new. I want her to feel welcome.” Tumaas ang kilay ni Blythe. Hindi yung cute kilay raise. ‘Yong tipong “Talaga? Dito pa?” kilay raise.
“Avery,” tawag ni Blythe, hindi tinatanggal ang mata sa kuya niya. “Hindi ba may kailangan ka pang gawin sa pantry?”
“Ha—ay opo!” Napatingin ako sa piniprepare kong carrots. “Pero sir, tapos ko na po—”
“Then may bago kang task.”
“Po? Ano po—”
“Tara,” sabay talikod. “Sumunod ka.”
Napatingin ako kay Caelan, nag-smile siya softly. Kahit halatang may tension.
“Go ahead,” sabi niya. “Don’t keep him waiting bubuga ng apoy yan,” Panakot niya sa akin na ikinataranta ko. Umalis na si Blythe, hindi lumilingon. Parang akong tinanggalan ng baterya. Kinuha ko ang apron ko, nagmadali. Pagdaan ko kay Sir Caelan, bumulong pa siya sa akin.
“Don’t worry about him. He’s always been… territorial.” Napatigil ako. Territorial?
“Ay hindi naman po ako pet—” Tumawa siya.
“Not pet, Avery. Person.”
“Ah…” Hindi ko alam anong ide-delete ko sa utak ko ang kahihiyan iyon, parang hindi ako nag aral ng college.
Caelan added, “If he gets too much, just call me.” Alangan akong ngumiti ako, biglang kinilig at natakot at nalito. Mabilis akong tumakbo papunta kay Blythe.