AVERY’s POV KUNG dati isang simpleng katulong lang ako o waitress sa café ngayon ako na ang humahawak sa mga negosyo ni Lolo Federico. Napatingin ako sa malaking glass window. Ang sikat ng araw ay tumatama sa naglalakihang salamin ng Mendez Global Tower, ang gusaling dating simbolo ng kapangyarihan ni Mariella at ng kanyang ama. Ngayong araw, ang bawat empleyado ay nakahilera sa lobby, balisa at puno ng kaba sa pagdating ng bagong may-ari. Seryoso ang mukha, I trained my facial expression look scary and deadly serious. Bumukas ang pinto ng aking itim na Mercedes-Maybach. Unang lumabas ang aking mga security personnel, kasunod ang aking chief of staff. Sa huli, dahan-dahan akong bumaba. Suot ko ang isang navy blue maternity power suit na nagbibigay ng ma-awtoridad sa aking tindig sa kabi

