AVERY’s POV "Good evening, everyone. Salamat sa inyong pagdating," matatag at kalmado ang boses ko. “Maraming nagbago sa loob ng ilang buwan. Ngunit ang isang bagay na nananatili ay ang katotohanang ang bawat utang ay kailangang bayaran, at ang bawat pagkakamali ay may katapat na pananagutan. I am Avery Olivia Imperial, and I am finally home." Patalinhaga kong komento. Isang masigabong palakpakan ang sumunod sa aking maikling talumpati. Ngunit sa gitna ng ingay, ang tanging nakikita ko ay si Blythe na nakatayo malapit sa stage. Ang kanyang mga mata ay hindi kumukurap, tila sinusubukang tanggapin na ang babaeng nawala sa kanya ay ang parehong babaeng ngayon ay kinatatakutan ng lahat. This is my birth right. Sa isang iglap lang nagbago ako. I am Imperial, it runs in my veins. Hindi marunon

