CHAPTER 41 AVERY’s POV Matapos ang tagumpay sa presentation, tila nabunutan ako ng libu-libong tinik ang aking dibdib. Para ipagdiwang ang matagumpay naming project presentation, bago ang aming graduation, kinaladkad ako nina Mia at Sandara sa isang upscale bar sa siyudad. Wala na akong nagawa kundi ang sumama. Tapos na ang mga linggo na pagsusunod ng kilay, walang tulog na pag aayos ng research and data flow. Tapos na ang mga review at oras para mag celebrate kahit paano. Ilang beses ko na rin naman silang tinanggihan simula pa ng third college kami. Kaya panata ko ang makatapos ang maibigay ang diploma sa mga taong nagpalaki sa akin. Bata pa lang ako hindi ko na naabutan ang mga magulang ko sina Tiyo at Tiya na ang tumayong magulang ko. Ang swerte ko kasi kahit hindi nila ako totoong

