CHAPTER 25 AVERY’s POV NANINIKIP ang dibdib ko dahil sa kahihiyan na nangyari kani-kanina lang. Mabilis akong tumakbo paalis sa garden at dumaan likod papasok sa hallway papuntang dirty kitchen. Nang makaliko ako, napasandal ako sa pader, habol-habol ang aking paghinga. Kusang tumulo ang luha ko. Ilang beses kong sinuntok an dibdib ko para kahit paano ma divert ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta kailangan kong makalayo. Walang tigil ang kakaagos ng luha sa aking pisngi. Ang liit-liit nang tingin ko sa aking sarili. Mula ulo hanggang balikat ko, ramdam ang malamig na alak na dumikit sa balat at buhok ko. Lagkit na lagkit ang pakiramdam ko. Dumadaloy pababa sa leeg ko, tumutulo sa dress ko, parang mabigat na maskarang gusto kong tanggaling at nating

