BLYTHE’s POV HINDI KO alam kung ilang minuto akong nakatayo sa gilid ng main hall pagkatapos ng eksenang ginawa ni Mariella. Ang puno ang paligid nang tunog, tawa ng mayayaman, clinks ng champagne, musika ng banda, pero wala sa akin ang lahat ng iyon. Wala akong pakialam. Tumalikod lang ako para parusahan si Mariella, nalingat ako saglit pag lingon ko wala na siya. Ang tanging naiisip ko—nasaan si Avery? Bakit parang may kulang ang gabi ko nang wala siya rito? Tumayo ako sa may hagdan, pinagmamasdan ang mga taong nagkukumpulan, nang mapansin kong biglang tumahimik ang hallway sa second floor. Dalawang anino ang lumitaw, papalabas ng bathroom corridor. Si Clyde at Avery. Magkadikit halos ang balikat nilang dalawa. The f**k! Anong ginagawa nila! Nakatayo siya sa tabi niya, hawak ang sik

