AVERY’s POV Pumasok ang professor namin sa Business Ethics na may dalang makapal na folder. Si Professor Ramirez ay kilala sa pagiging terror at walang pakialam kung sino ang sikat o mayaman sa klase niya. "For your final requirement, you will be divided into groups of five. You will create a corporate social responsibility proposal for a struggling community," anunsyo niya habang nagsisimulang magbasa ng mga pangalan. Nanalangin ako sa loob-loob ko. Kahit sino, huwag lang siya. "Group 5: Santos, Mia. Olivar, Avery...Mendez, Mariella. Manalo, Kathleen, and Del Valle, Aiza." Parang gumuho ang kisame ng classroom sa pandinig ko. Narinig ko ang mahinang singhap ni Mia sa tabi ko. Lumingon si Mariella mula sa harapang upuan, dahan-dahang tumayo, at lumakad patungo sa amin bitbit ang kanyan

