WARNING: Typos and grammatical error's. Lumipas ang ilang buwan ng masaya kami, oo nag kakatampuhan, selosan pero hindi kadalasan. Ngayon nandito kami sa bahay nila dahil ipapakilala niya daw ako sa mommy niya. Kahit lalaki ako, nakakaramdam din ako ng kaba. Naramdaman kong humawak siya sa kamay ko ng makita namin ang mommy niya na pababa. Hindi ko alam pero nakaramdan ako na kakaiba ng makita ang mga mata nitong napakalamig tumitig. "Good afternoon Ma'am." Pag bati ko sa kanya pero walang reaksyon ito kaya tumingin ako kay Brianne, kakaibang Brianne ang nakikita ko ngayon. Isang malungkot at mahina. "Mom, meet my boyfriend Jayce Scott Quimco." Pakilala sa akin ni Brianne, pero ngumisi lang ang mommy niya. "Boyfriend or another fuckboy Brianne?" Malamig na sabi nito. Hindi ko maiwas

