WARNING: Typos and grammatical error's. Nakauwi na ako lahat lahat ng hindi siya pinapansin, sa ibang bus ako sumakay dahil kapag nakikita ko siya lalo akong nasasaktan. Hindi ko kasi maisip na isang kotse lang pala ang halaga ng pag ibig ko sa kanya, ang sakit eh. Ganito pala talaga kapag mahal na mahal mo iyong isang tao, grabe din ang sakit na mararamdaman mo kapag may nagawa ito. Kapag nag mahal ka talaga kakambal na rin nito ang salitang sakit. Tulala lang akong nakatingin sa basong hawak ko na may lamang alak ng mag ring ang cellphone ko. Agad ako nakaramdam ng lungkot ng makita ko ang pangalan niya, hindi ko ito pinansin at pumasok nalang sa kwarto ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko at nakatulugan ko nalang ang pag iyak. Nagising ang diwa ko ng makarinig ng mal

