Walang pasok ngayon at eto sila Tofer at Matthew. Nag yayayang mag Bar, ayoko sanang sumama kaya lang mapilit ang mga loko. Mas gusto ko pang makita at makasa ang Brianne ko kesa magpunta sa mausok na bar. "Sige na tol pumayag kana! Kayo lagi ang Kj ni Martin sa barkada eh." Iiling iling na sabi nito. "Hindi kami Kj ulol, para matahimik kana sasama nako." Tumayo na ako at pumasok sa kwarto ko upang mag bihis. Pababa na kami ng condo ko at nagkanya kanya sakay na sa mga kotse namin. Pagkarating namin sa bar agad kaming pumasok at umupo sa mga high stool na naroroon at nag order ng iinumin. "f**k pare, ang daming chicks dito." Sabi ni Tofer at ngumisi. "Oo nga tangina pare, ayon yung isa oh. Ang laki ng pang-upo!" Sabi ni Matthew habang tinuturo ang isang babae. Napailing nalang ako

