"Seriously?! Papasuot mo talaga sa akin yon?" Umirap ito sa akin. "Oo at huwag na huwag kang mag rereklamo! Ayan ang kaparusahan mo." Sabi nito sa akin at dumila, f**k. Talagang seryoso siya don? Ako? Ako na si Jayce Scott Quiamco papasuotin niya ng Hello kitty na Pajama? "Wala na bang iba? Brianne naman." Nag papaawang sabi ko sa kanya ngunit sinamaan niya lamang ako ng tingin. "Sige mag reklamo ka pa at ang High waist short kong garterise ang ipapasuot ko sayo! Bonus pa ang muka ni barbie don sa gilid!" s**t! Mas lalo naman akong kinabahan don' Alam kong hindi ito nag bibiro base pa lamang sa itsura nito. Agad akong napailing at lumapit sa kanya. "Oo na! Asan na ang Hello kitty na pajama?" Napipilitang tanong ko rito. Ngumisi lamang ito at iginaya ako papasok sa kwarto niya. Nangalk

