Chapter 50: Unexpected [Caleb Auroda’s Point of View] Napagpasyahan naming Alphas na dumiretso sa hall. Hinayaan lamang ni Brace si Myrtle nang magpaalam itong aalis upang hanapin si Tina. Pero bago umalis si Myrtle kanina ay ganon na lamang ang tindi ng kabang nararamdaman ko sa hindi malamang dahilan. Kaya naman ay ipinilig ko na lamang ang ulo ko upang matanggal ang pag-aalinlangang iyon. Aligaga siya nang lisanin niya kami upang hanapin si Tina. Hindi namin masabi sa kanya dahil pati kami ay hindi alam kung nasaan na iyon. “Hindi man lang kasi tinapos ni Tina ang laban niya,” usal ni Drex na tinanguan naman ni Klint. “Kaya nga,” pagsang-ayon naman ni Monroe. Pare-pareho kaming nakamasid sa gawing dinaanan ni Myrtle paalis. Humugot ako nang malalim na hininga at isinuksok an

