Forbidden Charm
Prologue: Forbidden Charm
Walang araw na hindi nakikita ni lola Miranda ang kanyang apong si Tina sa hindi mapigil-pigil na pag-usbong ng kapangyarihan nito. Nababahala siya sa bawat araw na ginagawa nilang pag-e-ensayo dahil sa mabilis nitong matuto.
Hindi niya lubusang akalain na mas malakas pa ang natatago nitong kapangyarihan kaysa sa kanyang inaasahan. Alam niya kung anong mahika ang nananalaytay sa dugo ng kanyang nag-iisang apo. Ang forbidden charm na kinatatakutan ng buong dimensyon. At iyon ay ang kanyang apo.
Sanggol pa lamang si Tina ay nakakitaan na niya ito na siya ang ikatlong itinakda ng kataas-taasang pinuno ng buong dimensyon upang gampanan ang napakabigat na responsibilidad. Makikita ang palatandaan na iyon sa mga mata niya. Sa lahat ng nabubuhay sa Main Land, si Tina lamang ang mayroong pinakanakakaibang mata sa lahat.
Iyon ang palatandaan na isa siyang forbidden charmer.
Kaya naman ay pinag-igihang mabuti ni lola Miranda na hasain ang kanyang apo sa abot ng kanyang makakaya bago pa man dumating ang delubyong hahagupit sa kanyang kaawa-awang apo.
“Apo?” tawag niya sa kanyang apo na nasa loob pa lamang ng kanyang silid.
Maaga pa lamang subalit kailangan nilang gumising upang paghandaan ang araw dahil iyon din ang araw kung saan ay tutungo siya sa bayan upang subukin ang kanyang sarili sa pagsusulit na inihanda ng akademyang nais ni lola Miranda na pasukan ng kanyang apo.
“Handa na po ako lola,” masiglang wika ni Tina suot ang kanyang malinis na damit.
Ito lamang ang isa sa paraang alam ni lola Miranda upang mas mahasa ng maayos ang kanyang apo at upang maging ligtas ito sa mga masasamang taong nais pumaslang sa kanyang apo.
Ito na lamang din ang maipamamana niya sa kanyang apo maliban sa sumpa na itinakda para sa kanya.
Sa hindi kalayuang gubat na bahagi ng Maharlika Academy ay matatagpuan ang sikretong lungga ng limang hindi kilalang mga nilalang at abala sila sa pag-uusap.
“Siya na nga ang hinahanap natin,” turo ng lalaking lumitaw mula sa kadiliman. Lima silang lahat na narito sa gitna ng kanilang tagpuan.
Isa itong tagong lugar na para lamang sa kanilang mga natitirang charmer na pinagkakaitang mabuhay sa mundo.
“Sigurado ka ba?” humakbang papalapit sa mga kasama nila ang lalaking ‘yon, pare-parehong suot ang mahaba nilang damtan o robe dahilan upang hindi malaman kung sino-sino sila.
“Siya na nga! Nasa katauhan niya ang pinakamalakas na kapangyarihan sa buong dimensyon,” kumpirma ng lalaking unang nagsalita.
“Kung gano’n, dapat nating maunahan ang akademya sa pagkuha sa kanya bago pa mahuli ang lahat,” suhestyon n’yong isa.
“Tama!” pagsang-ayon naman n’yong huling dumating sa kanilang lima.
Sila-sila lamang ang tanging nakakakilala sa bawat isa. Bukod sa pagkakalinlan ng kanilang mga suot na damtan. Narito ang apat na kulay na sumisimbolo sa apat na elemento: pula para sa apoy, asul para sa tubig, berde para sa lupa at puti para sa hangin at ang nag-iisang itim ay ang pinakanatatanging charmer sa kanila.
Naalerto silang lima matapos makaramdam ng hindi inaanyayahang bisita. Nararamdaman nila ang namumutawing lakas na kapangyarihan ng kalaban sa paligid.
“Magsihanda kayo! May nakapasok sa ating teritoryo!” tugon n’yong naka-itim. Agad silang nagporma ng bilugan upang mabantayan ang kanilang lungga.
Gano’n na lamang ang gulat nila nang mapagtantong hindi sila makakilos dahil sa kagagawan ng hindi kilalang kalaban. Maliban sa nakikitang matinding liwanag ay ang pandinig na lamang ang isa pang gumagana sa limang tagapagbantay.
“You’re too late, guardians!” sabi ng lalaking nakasuot ng itim na damtan at pagkatapos n’yon ay saka siya tumawa ng pagkalakas-lakas dahil sa pagkawagi niya sa pagdakip ng limang guardians.
Nang mawala ang liwanag ay hawak na ng lalaki sa kanan nitong kamay ang kwentas at kasabay n’yon ang pagkawala ng limang guardians.