Chapter 1: Academy
"Apo, mayroon ng liham mula sa akademya," tawag sa akin ni lola na nasa tapat ng pintuan ng kusina.
Narito kasi ako sa likurang bahagi ng bahay namin. Nag-aayos ako ng hardin using my power. Nagpapatubo ako ng mga herbal na halaman.
Nakakabilib nga dahil sa aming naninirahan dito sa sitio namin, kami ni lola ang kakaiba at may mas angat na mahika na tinataglay.
Hinugasan ko ang maputik kong mga kamay bago lumapit kay lola. Nang matapos ko ang paghuhugas at pagpupunas ng kamay ko ay lumapit ako sa kinaroroonan ni lola at inabot ang hawak-hawak niyang puting sobre.
"Sino pong nagdeliver 'la?" I asked.
"Mensahero ng akademya, siguro," nagkibit-balikat si lola, nginitian ko siya, tsaka ko binuksan ang sobre na naka-seal pa ng badge ng akademya. Ang cool.
Pagbukas ko ay wala akong nakitang tinta rito ng ballpen o kung anumang sulat dito. Namangha ako nang lumutang ang papel na at napunit ito at bumuo ng isang talata sa ere, mismo sa harapan ko.
Kumikislap ang mga ito sa paningin ko, nilingon ko si lola at nakita kong nakangiti siya sa akin.
"Miss Tina Salamanca, Congratulations for you are officially invited to study in our prestigious academy. You have passed our written examination and we are looking forward for your success on the second attempt that will be held here in our academy. Looking forward for your presence tomorrow and please bring with you this letter, this will serve as your key on flying up here. Best regards and prepare for flying!" basa ko sa mga nakalutang na punit na papel, then, after nun ay nabui ito muli from plain and blank sheet.
Nagagalak kong nilingon si lola.
"Kyaaaahhh! Lola! Nakapasa po ako! Nakapasa po ako!" pagsisigaw ko sa saya.
Niyakap ko si lola, bumungisngis lamang siya at kita ko ang ngiti niya but when I looked at her eyes ay doon ko nakita ang kalungkutan. Agad ko 'yong naramdaman.
"La," I pouted, I held her hands.
"Ayos lang ako, apo," ngiting wika ni lola.
"La naman, 'di ba po nag-usap na po tayo?"
Inakay ko siya patungo sa loob at naupo kami sa may dining area.
"Hindi ko lang mapigilang hindi maging emosyunal, apo, pero ayos lang ako, 'wag kang mag-alala, magiging ayos ako," ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya.
"Di ba po kayo po ang may gustong makapagtapos po ako sa pag-aaral sa kolehiyo? 'Di ba po pangarap po natin 'to, 'la?" pati ako ay naiiyak na rin.
Tumango siya and wiped my tears, may pumatak kasi e. Ang babaw ko kasi especially 'pag about kay lola.
"Tama na nga 'tong pageemote natin, apo, baka maapektuhan pa ang pag-alis mo bukas," nakatingin siya sa malayo while telling those.
"Lola naman e!"
"Hayaan mo, apo, kapag nagbukas ng bisita ang akademya ay bibisitahin kita, pangako ko 'yon," she smiled, nakatingin na siya sa'kin.
"Promise po 'yan ha?" biglang galak na wika ko.
Tumango siya, "Promise ko 'yan, apo."
"Yieeehhh! Lola talaga, pinaiyak na naman ako!" niyakap ko siya ng mahigpit.
--
Kinabukasan ay dumating na nga ang susundo sa'kin. Sosyal kung maka-limousine, oo! Limousine.
"Huwag mo 'tong huhubarin apo ha, kahit na anumang mangyari ay huwag na huwag mo 'tong huhubarin sa leeg mo," utos ni lola at isinuot sa leeg ko ang isang kwentas.
May kulay berde itong amulet na hugis dyamente at kumikinang na parang tunay. Parang nanggigigil akong ibenta ito sa pawnshop.
"Opo," walang ibang choice kong tugon.
Binitbit na nung mga kalalakihan na parang nasa mid-30's yata ang edad nila. Lima sila at kalalakihan talaga sila. Seryoso ang mga mukha at naka-poker face. Wala yatang kiliti sa katawan.
Anyway, matapos akong magpaalam kay lola, kahit na mabigat sa kalooban ko ay nagtungo na ako sa labas at sumakay sa sasakyan. Nakita ko pa sa labas ng bahay namin si lola, shedding her tears. Hindi ko naman mapigil ang hindi maging emosyunal.
'Lola will be all alone here.'
"She's going to be fine, believe me," 'yong isa ay nagtry na i-comfort ako.
I smiled.
"I hope so."
"Anyway, may I have your invitation letter, please?" magalang na paghingi niya sa liham. Inilabas ko ito mula sa bulsa ng maleta ko.
"Thank you," anya pa at tinanguan ko.
Nakalayo na kami sa bahay hanggang sa pabilis nang pabilis ang takbo ng sinasakyan namin. Naramdaman ko na lang na lumulutang kami nang feeling ko masusuka ako kasi may motion sickness ako even sa heights.
"Hala! Bakit po lumilipad 'tong sinasakyan natin!?" naghysterical na usal ko.
"Calm down, this is the easiest way to go up there."
"Hindi mo ba nabasa 'yong about sa paglipad?" tanong naman nung isa na mas matanda yata.
"I read, pero hindi ko naman alam na for real!? Akala ko pamatalinghaga! Lilipad pala talaga tayo-I mean itong sinasakyan natin," natatarantang wika ko.
Nagtawanan sila.
"You're both correct with your presumptions, lilipad ang sasakyan then later on, lilipad tayo for our landing," nakangisi namang usal nung isa. Lima kaming lahat ng nandito sa loob.
This time lang pumasok sa kukute ko ba tanungin sila about something.
"But wait! Sino 'yong nagdadrive?" I asked.
Nagkatinginan sila at nagtawanan na naman. The other guy shrugged.
"None," sagot nung isa.
Agad na umakyat ang kaba sa buong katawan ko.
"W-what!? Kyaaaaaaaahhhhhhh!" tili ko na halos lumabas na ang baga ko sa sobrang laki ng bunganga ko.
They were covering their ears while laughing.
Minutes had passed, I couldn't stop panting. I couldn't find time to calm down. Hindi ako mapakali dahil sa sinabi ng mga gurang na mga kasama ko.
What the hell! Bakit naman kami lilipad pababa sa ground? Baliw na ba ang academy sa klase ng pambungad nila sa mga estudyante nila? This is absurd!
Nilingon nila ako kaya naman ay mas lalo akong kinabahan.
"We're here, missy," ngisi nung isa kaya naman ay bigla akong nainis.
'Really? Is it part of the examination? I don't think so!'
"I'll be going first," anya nung isa and opened the door, nakita kong nasa ere nga kami and we are really doing it for real.
'Gosh!'
"Sure talaga kayo na lilipad pababa?" I was trembling for real.
Tumango sila undoubtedly.
Oh! God! Come on, pinahihirapan niyo po ba ako for this simple thing? Ano? Lilipad kami para lang lumapag sa pesteng ground nila? Come on!
Hanggang sa ako na nga lang ang naiwan dito sa loob. They were shouting down there at wala akong balak na lumipad pababa kasi wala naman akong ganong abilidad for Pete's sake.
"Miss Salamanca, come on, please fly down here?" siya 'yong pinakamabait sa kanilang lima.
"Effin, no!" I exclaimed.
"Tatalon ka lang naman e!"
"Kahit na! Ayaw ko pang mamatay! FYI!" inis na sigaw ko pabalik.
"Bahala ka, aalis na kami," usal nung isa pasigaw.
"Paano nga ako bababa?" inis na sigaw ko na naman.
"Lumipad ka pababa rito!" they shouted back.
'Ngeh! Wala nga akong kakayahan na ganon !'
"S-sige!" I have no choice.
I have no choice but to do this. Pumikit ako, I could feel the uneasiness. Parang may kumakawala sa palad ko. Binuksan ko ang mga mata ko and saw that I was creating a magical circle and in a snap ay lumusot ako sa kulay gintong liwanag ng circle at niluwa ako nito sa kanilang tabi.
"Surprise!" masiglang bati ko na halos magulantang silang lima.
"P-paano-"
"What just happened?"
"Anak ka ng tokwa!"
"You have that ability?" tanong nung seryoso na kasama nila.
Tumango ako.
"Then, bakit pinaghintay mo pa kami?" inis na tanong niya.
"E lumipad sabi niyo e!" inis ring sagot ko. Pakialam ko ba kung mas matanda sila.
"Aish! Bahala na nga kayo diyan sa babaeng 'yan, sumasakit ang ulo ko kahit baguhan pa lang, tsk!" anya at naglaho sa harapan ko gaya ng ginawa ko kanina.
'Aba't!'
Napakagat ako ng labi ko ng parang sinisisi nila ako kung bakit biglang nagkaganon 'yon.
'Pakialam ko ba?'
Napansin kong marami na ring nagsisidatingan dito sa academy. Kagaya ko sigurong mga bago lang din, pero nakikita ko ang pursigi sa katauhan nila.
Hindi dapat ako nagpapatalo sa kanila.