Chapter 53: Domain [Caleb Auroda's Point of View] Pinangunahan ni Headmaster ang hanay naming lahat kaharap ang arko na magdadala sa amin sa lugar kung nasaan si Argus at ang mga estudyanteng dinukot niya upang gamitin laban sa amin. Itinaas ni Headmaster ang kanyang kanang kamay at nagbigkas ng lenggwaheng hindi ko maintindihan pero alam kong isa iyong enkantasyon upang mapawalang-bisa ang enkantasyon sa arko. Sinubukan din kasi ng mga kasama namin na pasukin kanina subalit ni isa ay walang nakakapasok. Ilang mga sandali lamang ay umepekto na ang enkantasyon ni Headmaster at gumawa ito ng sobrang nakakasilaw na liwanag. It takes a minute before it fades. "Maaari na tayong makapasok sa teritoryo nila," usal ni HM nang lingunin niya kami. Nagsipagtanguan kaming lahat. "Subalit kailang

