Chapter 42: Dream Hindi ako nagtagal sa infirmary. Ako iyong nagpumilit na umuwi na sa dorm dahil naging panatag na ang kapangyarihan ko. Hindi na nagwawala gaya kanina. Nanatiling nakasuporta naman si Myrtle sa kaliwa ko habang nasa kanan ko naman si Caleb. “Hindi naman ako lumpo kaya bitawan niyo na ako,” protesta ko at sinubukang tanggalin ang pagkakahawak sa magkabilang braso subalit mas mahigpit nila iyong hinawakan. “Kapag sinabi naming babantayan ka namin ay babantayan ka talaga namin, Tina,” hasik ni Myrtle na panlakihan pa ako ng kanyang mga mata. “Don’t try to push us away. Ngayong hindi ka okay, lagi kaming nakabantay sa’yo,” wika naman ni Caleb. “Para naman kasi akong mamamatay dahil diyan sa treatment ninyo e! Nakakainis kaya!” nag-iinit ang ulong sigaw ko sa kanilan

