Chapter 3: Cute Guy
I was like watching an apocalypse movie. Ang dami kasing bangkay sa bawat nadadaanan ko, crucial, and worst nakakaamoy ako ng malalansa.
What if isa sa kanila na nakahandusay dito ay si Myrtle?
May mga naririnig akong mga pagsabog sa iba't ibang direksyon. Totoo nga talagang labanan ito. Hindi ba pwedeng manatili na lang akong buhay kahit na hindi ako nananakit ng kalaban? Oo, kalaban sila.
Bawat hakbang ko nga ay tila nasa bingit na ng buhay ko dahil maaaring may maghagis na lang sa akin ng poison cloud o magical mist o dagitin ako ng mystical beast.
"There you are," rinig kong usal ng isang lalaki sa likuran ko.
Nagpintig ang tenga ko, hindi dahil kalaban siya, kundi dahil sa boses niya. Ang ganda ng boses niya.
Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang hawak niyang espada, makapal at ang talim nito ay umiilaw tapos may dugo pa roon. I felt a disgust feeling.
"Aren't you suppose to be afraid?"
Nakangisi niyang usal habang sinasabi 'yon. I couldn't recognize his face because of the darkness that is embracing us right now. Isa lang ang nakikita ko sa kanyang nagbigay sa akin ng interes.
His eyes-were different.
Hindi ako kumibo, nanatili lamang ako sa pwesto ko, waiting for his next move.
Pansin ko lang, parang biglang na-activate 'yong ibang senses ko dahil sa test na ito. At isa pa, parang may something sa kwentas na binigay sa akin ni lola. Parang may gustong kumawala roon na hindi ko alam kung ano.
"So, paano mo gustong mamatay?" he devilishly.
Grabe naman makapatay 'to, 'kala niya ganon kadaling gumawa ng buhay? It takes nine months to carry life inside a womb excluded ba doon ang expenses kapag nakalabas na ang buhay na iyon sa mundo. Tapos kikitil lang siya ng ganon-ganon?
"It's up to you," I answered in unsusceptible way.
"Interesting."
This guy gave me a weird feeling. The way he walk and talk, sobrang kakaiba. He's like part of a highest rank, 'yon ang pansin ko sa suot niya.
He has the badge of the academy and also the Alpha badge of the prestigious organization of the institution.
"Are you an Alpha member?" I asked.
Minsan nang nagkuwento ng tungkol sa Alpha Society si Lola. They're powerful vessels of the school that maintain the peace and order. Kaya naman ay hanggang ngayon ay wala pang naitatalang invasion ng ibang dimension.
"Nakakabilib ka," muling usal niya.
"I'm sorry, napansin ko lang kasi 'yang badge mo and the other one," a strained smile drawn on my lips.
Nabigla ako nang bigla siyang lumundag patungo sa pwesto ko, buti na lamang ay naka-iwas ako sa hampas ng kanyang espada. His weapon created a rout.
Lumapag ako sa damuhan kung saan limang metro ang layo ko sa kanya. Nararamdaman ko pa rin ang lindol na ginawa ng kanyang espada.
Some of the trees beside us tumbled down, dahil doon ay sumilay ang sinag ng araw dito sa pwesto namin. Tinamaan siya ng liwanag dahilan para makita ko ang mukha niya.
Maputi, pula ang mga mata, makapal ang kilay, matangos ang ilong, matangkad at hunk. In other words.
'He's effin handsome!'
Ngumiwi ako. What the heck am I thinking? Napatakip ako sa bibig ko, baka kasi may biglang lumabas na salita na sa huli ay pagsisisihan ko.
"Kung gusto mong matupad ang kahilingan ng lola mo sa'yo, you need to fight and defeat me," he said.
Muling nagpintig ang tenga ko dahil sa sinabi niya.
"How'd you know-"
I get it, part pala siya ng highest organization ng school. Of course, he knew!
"She did not raise and teach me to fight-" he cut me off.
"And why are you here? Didn't she tell you that before entering the school and before you become a real student is to surpass the three stages of the challenge, wala ka pa sa unang stage, you haven't scored yet, and for you to surpass everyone who has gained score already is to defeat me," he explained.
Inilayo ko ang tingin ko sa kanya.
"Hindi ba pwedeng manatili na lang akong buhay?" I assumedly asked.
He winced.
"You need to score," diin niya.
I sighed.
Inihanda ko ang sarili ko while he held a grip in his weapon. Tumindi ang kulay ng kanyang mga mata. From mild red into bloody red. What am I saying? Basta ganon.
Ang inaapakan niya ay nagkabitak-bitak dahil sa tindi ng enerhiyang lumalabas sa kanya. When he jumped ay tsaka ko naman itinapat sa kanya ang palad ko. Sakto, nang makalundag siya sa harapan ko ay nagkaroon ng makapal na barrier sa pagitan namin preventing myself to get sored.
The impact made my bubble barrier flew over the place and hit the nearby tree trunks and tumbled down.
I saw the eagerness in his eyes, gaya niyong babae kanina na unang nagbanta sa akin. He's not here to get a score from killing me kundi dahil nais niyang ako ang makakuha ng score by defeating him.
"Teka nga, hindi ba illegal itong ginagawa mo? Binibigyan niyo ako ng way upang makakuha ng puntos just to be a student? Pero hindi niyo man lang ba naisip 'yong mga natalo sa test? Ano nang mangyayari sa kanila?" I asked, napahinto naman siya and calmed his powers.
"Malalaman mo after ng test."
"Bakit 'di mo pa kasi sabihin ngayon?" I exclaimed.
"I am not in the position to talk," he replied idiotly.
"I'm sure you are," singhal ko at itinapat sa kanya ang palad ko.
Naramdaman ko ang pag-iilaw ng mata ko at ang magical circle ay lumitaw sa inaapakan ko. Ang kulay purple at violet na liwanag ay nagsilabasan sa katawan ko.
Ang katawan niya ay lumutang sa ere, he gasped in air. Ikinuyom ko ang palad ko that made him crave for more air.
Hanggang sa nakuha ko na ang kagustuhan ko tutal kagustuhan din naman nilang makapuntos ako. Let's just say that it's customary.
As I took away my hands off of him ay nalaglag siya sa damuhan, humandusay siya roon, walang malay and in a snap ay nawala na tila parang bula ang katawan niya.
That's it.
"Yon na 'yon?" I disappointingly reacted.
Subalit, nagtaka ako ng magliwanag ang katawan ko at nararamdaman kong hinihigop ako nito papunta sa kung saan. Kung anuman ito, isa lang ang nararamdaman ko, walang panganib sa liwanag na dumadampi sa katawan ko.
'But wait! Si Myrtle nga pala!'
Pero huli na nang maalala ko siya, 'yon kasing cute na 'yon e!
Naramdaman ko na lang ang sarili kong nakaupo rito sa gintong upuan kasama ang iba pang mga estudyanteng nakakuha ng mga puntos. Nasa magara kaming entablado, o stage if 'di niyo alam ang entablado.
Sa bilang ko ay sampu kaming narito ngayon.
"Around of applause!" wika ng master of the ceremony.
"These students that are sitting here are those who have gained a high score in the test, and luckily, this batch were awesome because there's one of them surpassed the undefeated score of our headmaster," wika pa niya.
Nagbulungan ang audience dahil doon at maski ako ay na-curious kung sino.
"At ang information na 'yon ay mananatiling sikreto muna ngayon, iaannounce namin ito kapag kayo ay nakapagtapos na sa pag-aaral sa school year na ito," anya pa.
Sino naman kaya 'yon? Ang galing niya, in fairness.
Napangiti ako ng mahagilap ko sa audience si Myrtle na kinakawayan ako. Ang lawak ng ngiti niya. She's cheering up my name habang nasasapawan ng ingay nilang lahat.
Napa-iling na lamang ako.
At least, the first day of school is not boring at all. Una, nakilala ko si Myrtle that hopefully ay maging kaibigan ko 'til the end, and secondly, I got scored in the test, kahit 'di ko naman gusto. That is how my first day went on.