14 - Caleb

990 Words
Chapter 14: Caleb We finally made our way towards our mission. Ito 'yong kauna-unahang misyon na gagawin ko, hindi ko lang alam kay Myrtle if ito ba ang una niya. Kumpulan kaming naglalakad habang nilalakbay ang itinuturong daan ng mapa na binigay sa amin ni HM. "Tina, okay ka lang?" asked Myrtle. "Hmm," tumango ako. Sinulyapan ko si Caleb na nakapamulsa lang, walang kaemo-emosyon. Pare-pareho kaming may mga dalang survival kit. Kaya ko namang mag-summon ng makakain e kaso ayon lang, gawa sa mahika. Okay lang naman kainin ang pagkaing likha ng mahika, pero nakaka-ubos 'yon ng enerhiya kaya may mga bitbit kaming survival kit. "Ilang milya ba ang layo ng pupuntahan natin?" she asked again. Narinig ko ang pagsipul-sipol ni Klint. Nakalagay ang mga kamay niya sa kanyang batok na parang walang iniindang problema sa katawan. May ilang kilometro na rin ang layo namin sa school at hanggang dito ay hindi pa rin mawala sa isipan ko kung ano ba ang nakatagong ibang kahulugan nang pagpunta namin sa Sorcery Kingdom. Like, what's the sense kung wala namang problema, 'di ba? As far as I know, okay naman ang lahat. Wala namang issue na nagaganap. "Tingnan mo sa mapa," walang tonong sagot ko. "Haist! Pati ba naman ikaw? Wala ka na ring silbi kausap?" anya at nagpout. "Tss!" inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Napa-iling ako nang lapitan ni Myrtle ang tatlo pang Alpha member at tanungin sila. Napakakulit naman nito. Nakasuot ako ng black jeans, naka-combat shoes at blazers na puti na may sandong itim na panloob tapos itong bag na nakasabit sa balikat ko. Isinuksok ko sa magkabilang bulsa ang mga kamay ko habang pinagpapatuloy ang paglalakad. Maaliwalas pa naman ngayon, masarap ang simoy ng hangin at hindi pa masyadong mainit ang sinag ng araw. Naririnig ko rin ang mga ibong nagsisipagliparan sa bawat sanga ng mga puno. I heaved a sigh. Pagkaraan ng ilang mga oras, nakaramdam kami ng sobrang pagod kaya naman ay sumilong na muna kami rito sa isang puno, hindi siya kalakihan pero mayabong ang mga dahon. Hindi lang ito basta-basta na puno, mansanas yata ito. Medyo malapit na ang portal na papasukan namin patungo sa kabilang kaharian. Curious lang ako kung ano ang hitsura ng Sorcery Kingdom. "Sarap naman ng hangin dito," ani Monroe na humiga na sa masilong na parte, nagpaganda rin sa paligid ay ang d**o. Para siyang bermuda grass na ewan. May mga pagkakatulad ang meron sa ibabang mundo at ang Maharlika Kingdom. Mayroon ding mga strange things, ganoon. "Gutom na 'ko," usal ni Myrtle. "Ako rin," si Drex na hinimas pa ang flat na sikmura. Napalingon ako kay Caleb na nakaupo lang sa nakalabas na ugat ng puno na sinisilungan namin. Wala pa rin siyang imik. Napatingin ako sa mga palad ko at napatango sa sariling suhestyon. Okay, I'm going to do it, just this time. Lumapit ako sa katawan ng puno ng mansanas. Umilaw ang kanan kong palad sa kulay lila, inilapat ko ito sa katawan ng puno, gumapang ang liwanag patungo sa kabuuhan ng puno hanghang sa bawat dahon nito. "Woah!" bilib na bilib na naman si Myrtle. Kaso, nang lingunin ko siya ay napahiya akong napatungo dahil nakatingin din pala ang iba sa'kin. Pinamulahan pa yata ako ng mukha. "Ba't kayo nakatingin?" nahihiyang tanong ko. "You can do that too?" asked Drex. He was like drooling dahil pagkatapos sumibol ang mga bulaklak ng puno ay sumunod ang pagbubunga nito ng hitik na hitik na mansanas. Pulang-pula. Maski ako ay naglalaway na rin. "Yes," I nodded. "Amazing! At mukhang masarap ang mga 'to!" nagulat ako nang lumutang sa hangin si Monroe ganoon na rin si Myrtle. Dalawa silang pumitas doon habang nilingon ko na naman si Caleb, kanina ay nakatingin lang siya subalit ngayon ay wala na. Naramdaman ko ang paglapit ni Myrtle, kaya naman ay tiningnan ko siya tsaka napataas ng kilay ng ilahad niya sa'kin ang isang pulang mansanas. "Aanhin ko 'yan?" taas-kilay na tanong ko. "Panoorin mo! Pasayawin mo! O kung ano pang letseng gusto mong gawin sa mansanas na 'yan! Syempre kainin mo, ano ba Tina!" she hysterically screamed in front of my face. "Tss! Kababaeng tao, 'di ka na nahiya kay Brace?" usal ko, napalingon naman si Brace na nahihiya pa at pinamulahan ganoon na rin itong si Myrtle. 'Aba! Aba!' "Hoy! Ano ba!" namumulang suway sa'kin ni Myrtle. "La! Para kang tanga!" I furrowed. "Bigay mo 'to sa kanya," she mouthed toward Caleb who's mesmerizing over there. "Ba't ako?" turo ko sa sarili ko. "Alangan namang ako?" bulong din niya. "E alangan din namang ako?!" pasigaw kong bulong, wait, paano 'yon? Basta galit ako nang ibulong ko 'yon. "E baka paliparin ako niyan," natakot siya bigla. "Tss! Akin na nga!" inis na kinuha ko ang mansanas at lumapit kay Caleb, subalit hindi pa man ako nakakalapit ay nagsink-in agad sa'kin ang gagawin ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba. 'Chill, Tina, tao lang din siya, may pakiramdam.' I sighed. "Caleb," I spoke. Hinay-hinay siyang lumingon sa gawi ko. "Hmm?" "Heto," inilahad ko ang mansanas. Tiningnan niya ang mansanas na binibigay ko. "Walang lason 'yan?" napalawak pa ang mga mata ko sa hiya. "Biro lang," I melted when he smiled in front of me. 'Oh fvck! He's smile is so damn hot!' I cleared my throat dahil parang nabarado ito. Namumula ako promise! Upang hindi masyadong mahalata ay hinagis ko na sa kanya 'yong mansanas. "Uyy! Biro lang 'yon," anya pa habang ngiting-ngiti. Kahit na ganoon ay nawirduhan ako sa kanya. Kani-kanina lang kasi ay wala siyang imik tapos biglang mood swing? Ano 'yon? Bipolar? "Weird," usal ni Myrtle. "Napansin mo?" gulat ding tanon ko. "Kanina pa," sagot niya. "Kahapon pa," pagtatama ko. "Baka ikaw lang talaga gusto niyang kausap," anya na siniko pa. "Pinamumulahan ka, Tina," inirapan ko siya. "Pinagsasabi mo diyan?" naghalukipkip ako. "Sus! Denial," sagot pa niya. Matapos silang kumain ng mansanas ay tsaka kami nagpatuloy sa aming paglalakbay. Kanina, si Caleb ay nakangiti pero noong nasa daan na naman kami ay nag-iba na naman ang mood niya. Bipolar nga yata. "Katakot siya, Tina," bulong sa'kin ni Myrtle habang nakatingin sa gawi ni Caleb na abalang nakamasid sa malayo habang naglalakad kami. 'No! Ang cute pa naman niya para maging bipolar lang.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD