~Zaina Jhin~
Kinabukasan ay maaga pa lamang gumising na ako upang maghanda sa pagpasok.Bumangon na ako upang maligo at sa pagbaba ko sa hagdan namin ay nakita ko si nanay na nagluluto na nang almusal.Matapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform ko at hindi na nag suot ng sapatos sapagkat naka tsinelas lang naman kami pagpumapasok hindi gaya sa Maynila na kailangan naka suot ng sapatos.Sakto naman na tapos na si nanay sa pagluluto at inaasikaso na sa pagkain si Vina at naroon na rin si Faye na kagigising lamang.Nakita kong naroon nakahanda na ang almusal sa aming lamesang kawayan kayat kinuha ko na lamang ang mga pinggan at inumin upang makakain na kaming magkapatid.
Maingat kong ipinatong ang mga plastic naming pinggan sa aming lamesa saka ako naupo sa tabi ni Faye.Pinagmasdan ko si nanay na kanina pa tahimik at tila malungkot.Nais ko sana siyang tanungin subalit naisip kong hindi ito ang tamanng oras dahil maririnig ng mga kapatid ko.Binuksan ko ang almusal na niluto ni nanay, mayroong sinaing, pritong saging ng saba, tuyo at talong.Napatingin ako sa mga kapatid ko at kay nanay, tila alam ko na kung bakit tahimik si nanay.Marahil ay wala pang bayad si tatay sa pag aararo kayat wala parin kaming masarap na ulam.Kagabe ay bulanlang na gulay ang ulam namin.Isa itong lutong probinsya na puro gulay lamang na pinagsama sama.
Nang mapatingin sa akin si nanay ay nag iwas na ako ng tingin at sinimulang lagyan ng pagkain si Faye.Pinagmasdan ko ang kapatid ko, bahagya akong napangiti sapagkat alam kong kahit nagsasawa na si Faye sa parating gulay ay hindi ko siya naringgan ng pagrereklamo.Palagi kaming sinasabihan ni nanay na magpasalamat sa kung anong meron kami.
Nagsimula na akong kumain at baka malate pa ako sa school.Habang kumakain ay dumating si tatay na siyang kinagulat ko.Ang alam ko kase ay maaga siyang umaalis upang magpunta sa bukid subalit nakakapagtaka na narito siya ngayon sa bahay.Nang tingnan ko si tatay ay naupo ito sa tabi ni nanay at malungkot na tumingin sa amin saka bumaling kay nanay.
“Mamayang tanghali pa daw, padating nung asawa galing bumiyahe ng gulay,” rinig kong wika ni tatay kasunod ang pagbuntong hininga.Nakita ko ang inis mula sa mukha ni nanay.
“Paano na yan, papasok si Ina?” wika ni nanay na bakas ang inis.Pareho silang napatingin sa akin at napalunok ako dahil sa naiisip kong sasabihin ni tatay.
“Wag kana muna pumasok Ina, wala kang baon,” sabi ni tatay na siyang inaasahan ko.Dinukot ko ang bulsa ko at saka ko inilabas ang natira kong 2 pesos kahapon.Limang piso sana iyon kaya lang ay bumili ako ng art paper para sa assignment ko.
“May dos pa naman po ako, kailangan ko pong pumasok mahuhuli ako sa lesson namin,” wika ko na siyang kinaigting nang panga ni tatay.Napatingin ito sa labas ng bahay namin saka muling tumingin sa akin.Alam kong hindi ako papayagan ni tatay dahil ayaw niyang nagmumuka kaming kawawa pero kailangan kong pumasok lalo kaming magmumukang kawawa kapag napabayaan ko ang pag aaral ko.
Tumayo si tatay at nagtungo sa kusina ngunit sinundan ito ni nanay kayat napatayo narin ako.Doon ay narinig ko silang nag bubulungan at tila nag aaway.
“Ronie, hindi pwede to, kawawa naman si Ina,” inis na sambit ni nanay.
“Paanong gagawin wala nga, sumubok na akong mangutang pero wala pa ding pera ang mga tao, mamayang tanghali pa dahil nagsibyahe pa ng gulay,” inis na ring sambit ni tatay habang salo salo ang ulo na tila sumasakit na sa pag iisip.Nagpatuloy sa pagtatalo ang mga magulang ko na siyang kinalungkot ko.Ano ba ang dapat kong gawin, kung maaari lamang akong tumulong ay ginawa ko na.
“Ako na bahala na baon ni Ina.” Napatingin ako sa may pinto namin nang marinig ko ang isang tinig.Doon ay nakita ko ang tatang kong nakangiti sa akin, kinindatan ako nito na siyang nagpangiti sa akin.
Pumasok si tatang saka ito tumabi sa akin pagkatapos ay binigyan ako ng 20 pesos na kinagulat ko sapagkat 10 pesos lang naman ang baon ko kapag pumapasok.Tiningnan ko si tatang na malapad ang ngiti, napayakap ako sa kanya at nagpasalamat.
“Salamat po tatang,” sambit ni tatay at nang mapatingin ako sa kaniya ay nakita ko ang hiya mula sa mga mata nito.
Habang si nanay naman ay bumaling sa kaliwa niya upang pasimpleng magpunas ng luha niya.Maya maya ay pumasok naman si inang na may ngiti rin sa mga labi habang dala ang isang mangkok at ang kaldero nila.Bigla akong nakaramdam ng saya dahil mula doon ay naamoy ko ang mabangong amoy ng ginisang corned beef na siyang paborito ko may kasama pa itong itlog na pula.
“Oh sabay sabay na tayo mag almusal at papasok pa si Ina,” masayang wika ni inang.
Naupo na sila at sabay sabay na kaming nag almusal.Napatingin ako sa pamilya kong msayang kumakain.Bahagya akongnapangiti, alam kong nagigipit kami kayat nahihirapan sila nanay kayat nagpapasalamat ako at nariyan sila inang at tatang.Napausal ako ng isang dalangin.
“Panginoon salamat po sa tulong na pinadala mo,” bulong ko sa isip ko.
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko upang makapasok na ako.Hindi na naman talaga issue para sa akin ang baon, hindi naman kase ako magastos kaya ayos lang kahit pumasok akong walang baon ang importante ay papasok akong busog.
Habang naglalakad ay malayo pa lamang nakita ko na si Jaycee na nag aantay sa akin.Masaya niya akong sinalubong gaya ng madalas niyang ginawa.Sabay na kaming pumasok at makalipas ang halos 30 minuto ay nakarating na din kami sa school namin.Pagpasok pa lamang namin sa gate ay nagulat na ako nang may mag abot sa akin ng papel na nakatupi.Hindi ko kilala ang lalaking nag abot sa akin pero sa tingin ko ay mag aaral din iyon dito sa school namin.Itatanong ko pa sana kung ano ang pangalan niya subalit tumakbo agad ito na ikinagulat din ng kasama kong si Jaycee.Nagpatuloy na kami sa paglalakad matapos iyon subalit hindi pa man kami nakakapasok sa room ay may nag abot muli sa akin.Ang isa, dalawa ay naging tatlo, apat hanggang sa naging sunod sunod na ang paglapit ng mga batang lalaki na may inaabot sa aking sulat.
“Ayiieee, dami love letters ah,” nakangiting wika ni Jaycee sa akin nang sa wakas ay makapasok na kami sa room at makaupo na sa upuan namin.
Napatingin ako sa mga papel na hawak ko at napaisip, love letters nga ba ito.Ang bata ko pa para sa mga love letter, ano bang pumapasok sa mga isip ng mga kabataan ngayon.
“Sige na Ina, buksan mo na,” wika pa niya.Hindi ako kumibo at pinakatitigan ang mga papel na hawak ko.
“Ina, ayos lang yan simpleng paghanga lang naman ang mga yan wala naman siguro masama dyan,” muling wika ni Jaycee na nagpangiti sa akin.Tama siya wala naman sigurong masama.
Kinuha ko ang isa sa mga sulat at napangiti ako nang mabasa ang isang mensahe dito.
“Smile before you open,” basa ko sa nakasulat na kinatawa naming dalawa ni Jaycee.
Binuksan ko na ang mga papel at tama nga si Jaycee, mga paghangang mensahe ang halos lahat na nakapaloob sa sulat na iyon.Kadalasan ay mga hi Ina, I like you, gusto kita Ina, ang ganda mo talaga, pwede bang makipag kaibigan, I love you Ina, crush kita. Napapailing na lamang ako matapos kong basahin ang ilan sa mga mensahe.Inilagay ko na muna ang mga ito sa bag ko nang marinig ko ang tawag ang guro namin hudyat na mag gagarden na kami.
Habang papunta sa garden ay napahinto ako nang makita kong binubully ng ilang batang lalaki ang isa sa mga kamag aral ko.Nilapitan ko sila upang makasigurado at tama nga, inaasar nila ito ay umiiyak na.Narinig kong sinasabihan nila itong mangkukulam na malaki ang mata kayat hindi na ako nakatiis ay nilapitan ko na sila.Nakita kong umiiyak na ang kamag aral ko na kung hindi ako nagkakamali ay nag ngangalang Rose Marie o mas kilalang Rossy.
Si Rossy o ang batang babae na kamag aral ko na madalas kong napapansin.Tahimik lamang siya at palaging mag isa at palaging tila wala sa sarili, palagi ding g**o ang buhok niya.
“Hoy bakit nagpapa iyak kayo ng babae, mga bakla ba kayo?” mataray kong wika na nagpatigil sa mga batang lalaki, sabay sabay silang napatingin sa akin at nagulat.
“Ina, ikaw pala, niloloko lang naman namin tong si Rossy,” sabi nung isang lalaki.
“Niloloko niyo lang?Tingnan niyo nga umiiyak na siya!” inis kong sambit at napatingin pa kay Rossy ang mga pasaway.
“Ina hindi ako yan ah,” bigla ay sambit nung isang bata.
“Ito kaseng si Ivan eh,” turo naman nung isang batang lalaki hanggang sa nagturuan na sila.
Napapailing na lamang ako habang iniwan ko sila at nilapitan si Rossy na sumisinghot singhot pa.Lumuhod ako sa tabi niya na siyang kinagulat niya.Agad siyang napatingin sa akin at naging mailap ang mga mata na tila nahihiya.Napangiti ako dahil sa reaksyon niya, ngunit naawa ako sa lagay niya.Palagi na lamang siyang binubully dahil hindi siya lumalaban, batid kong wala siyang lakas ng loob ipagtanggol ang sarili niya.
Tumayo ako at masungit kong hinarap ang mga bully na nagpaiyak sa kaawa awang si Rossy.Nagulat pa ang mga ito nang humarap ako sa kanila at pinakatitigan.
“Hindi niyo ba alam na hindi dapat kayo nagpapaiyak ng mga babae?Hindi iyon magandang gawain,” pangangaral ko sa kanila.
“Ina wag ka magalit, si Rossy lang naman iyan.Kung ikaw iyan hindi ka namin papaiyakin lagi ka naming papangitiin,” masayang sambit nung isa sa kanila na lalong nagpainit ng ulo ko.
Nawala ang ngiti nito ng masama ko itong tinitigan at napalunok pa, napansin niya siguro na hindi ako natuwa sa sinabi niya.
“Bakit ano ba pinagkaiba namin ni Rossy? Pareho kaming kapwa bata ninyo. Ano man ang pinagkaiba iba natin hindi niyo dapat ginawa iyan.Hindi tama na mang bully kayo ng kapwa ninyo.Babae man o lalaki, o anu man siya matuto kayong rumespeto sa bawat isa,” naiinis kong sambit ngunit mas pinilit kong pakalmahin ang sarili ko sapagkat hindi kami magkakaintindihan kung dadaanin ko din sa init ng ulo.
“Hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili niyo? Sa halip na ipagtanggol niyo ang mga kapwa niyo na walang kakayahang magtanggol sa sarili niya kayo pa ang nang bubully sa kanya.Paanoa kung mga kapatid niyo ang makaranas ng ganyan, o kaya kayo mismo? Gusto niyo bang mangyari iyon?” sabi ko na siyang nagpayuko sa kanilang lahat.
“Sorry,” sabay sabay nilang bulong.
“Hindi kayo dapat sa akin magsorry.Kay Rossy kayo magsorry,” wika ko at saka ko nilapitan si Rossy.
Nag angat sila ng ulo at lumapit kay Rossy.Lahat ay nahihiyang tumingin sa aming dalawa ni Rossy/
“Rossy pasensya kana, hindi na namin uulitin,” sabay sabay muli nilang bigkas.
Napangiti ako ng marinig ko ang sinseredad sa kanilang mga boses.Nakita ko pa ang pagkagulat sa muka ni Rossy na tila ba hindi siya makapaniwala.Matapos magsorry ay nagsi alis na rin ang mga batang lalaki.Nang lingunin ko si Rossy ay nakatingin ito sa akin at agad ding nag alis ng tingin saka nag yuko ng ulo.Hinawakan ko ang muka niya at iniangat ko ito upang magpantay ang tingin namin.Nakita kong putik putik ang mukha niya gawa ng pagpunas niya ng madumi niyang kamay na nakuha niya mula sa pagkaka upo sa lupa.
Kinuha ko mula sa aking bulsa ang panyo ko at muling tumingin sa kanya.Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya na nakaharang sa mukha niya.Sinimulan kong punasan ang mukha niya upang maalis ang mga maputik na luha mula sa pisngi niya.Nagulat siya sa ginawa ko at agad na napaatras.Nginitian ko siya kaya napatitig siya sa akin.
“Wag kang matakot, hindi kana nila aawayin,” wika ko para kumalma siya.
Muli kong pinunasan ang muka niya at pati narin ang mga braso niya.Inalalayan ko din siyang tumayo at pinagpag ang palda niyang puro dumi.
“Salamat Zaina Jhin,” nahihiya niyang sambit.
“Wala iyon Rose Marie,” sabi ko na siyang nagpangiti sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata.
“Kung papayag ka, pwede tayong maging magkaibigan,” wika ko at muli ay nagulat siya.
“Ayos lang sayo? Maging kaibigan ako?” nauutal pa niyang tanong na siyang nagpangiti sa akin.
“Oo naman, ikaw ayos lang ba sayo, baka ayaw mo akong maging kaibigan,” wika ko na agad niyang inilingan.
“Syempre gusto ko, gustong gusto.Gusto kitang maging kaibigan Zaina Jhin,” nagagalak niyang sambit.
Napangiti ako ng makita ko ang kislap mula sa kanyang mga mata.
“Ina nalang ang itawag mo sa akin,” nakangiti kong sambit.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya at nakangiti niya itong inabot saka kami sabay na naglakad patungo sa garden.