~Zaina Jhin~
“Hi Zaina Jhin!”
Napatingin ako sa tatlong babae na tumawag sa akin at ngayon ay nakatayo sa harap ko.Abala ako sa pag dadamo sa tanim namin kaya hindi ko namalayan ang paglapit nila sa akin.Tumayo ako upang tingnan sila na kapwa mga nakangiti sa akin.Puro sila babae at sa tingin ko ay nasa higher grade sila.
“Hello po,” naiilang kong wika.
“Totoo pala ang sabi nila, bukod sa maganda ka ay mabait ka pa,” wika nung isang matangkad na babae na medyo payat.Mahaba ang buhok nito na nakaipit ng mataas sa likod.
“Nakita ka namin kanina kung paano mo ipagtanggol si Rossy,” nakangiti ring sambit nung isang babae na medyo maliit at may pagka chubby.May maiksi itong buhok na hanggang balikat at may nakaka aliw na dimple sa pisngi.
“Hindi na ako magtataka kung bakit sikat ka, maganda, matalino, at mabait pa,” masayang papuri naman nung isang babae na may katamtamang taas.Mahaba ang buhok nito na nakalugay, at may pinaka matamis na ngiti.Maganda ito, sa totoo lang lahat naman sila ay maganda at sa tingin ko ay maganda rin ang ugali nila.
“Salamat po,” nakangiti ko ng sagot.
“Wag ka mahiya sa amin, pwede mo kaming tawaging ate.Ako nga pala si Ate Irene, grade 5 na ako,” mabait na pagpapakilala nung babaeng matangkad.
“Oo tama pwede mo kaming tawaging ate, ako naman si ate Cristel, grade 5 din ako,” sambit naman ni ate chubby na may cute dimple sa pisngi.
“At ako naman ang pinaka ate, Ako si ate Rochelle, grade 6 na ako.Magkakaibigan kaming tatlo at pwede mo rin kaming maging kaibigan at ate dito,” nakangiting wika ni ateng pinaka maganda.
“Salamat mga ate,” masaya kong sambit at nginitian silang lahat.
Matapos ang pagpapakilala sa isat isa ay saglit pa silang nakipagkwentuhan sa akin.Nalaman kong si Ate Rochelle at ate Irene ay makakasama ko sa contest na sasalihan ng school namin.Natutuwa ako at may mga kakilala na akong makakasama sa contest at mukang makakasundo ko pa sila.Para silang si ate Rachel ang pinsan kong napakabait.
Masaya akong bumalik sa pag gagarden ngunit nawala ang ngiti ko nang makita ko si JM na nakatingin sa akin.Nang magsalubong ang aming mga tingin ay agad niya akong sinimangutan na kinakunot ng noo ko.Ano na naman kayang problema ng lalaking iyon?Hindi ko nais masira ang araw ko kayang hindi ko na lamang siya papansinin.
Mabilis lamang ang paglipas ng mga araw.Halos araw araw ay nagpapractise ako sa pagdadrawing at sa totoo lang ay lalo akong nag eenjoy sa ginagawa ko.Masaya akong nahahasa ko ang husay ko sa pagpinta.
Hanggang sa sumapit na ang araw ng contest.Maaga pa lamang ay umalis na kami sa school kasama ang aking guro na si Mam Sheena kasama ang lahat ng kasali din sa contest gaya nila ate Rochelle at ate Irene.Nagtungo kami sa isang paaralan na triple ang doble sa paaralan namin,Maganda rin ito at napakaraming halamang magaganda.Saglit na nawala ang kabang nadarama ko ng makita ko ang naggagandahan bulaklak mula sa garden ng school na iyon.
Nang makapag rehistro na nang attendance an gaming guro ay nagtungo na kami sa kanya kanyanng silid kung saan gaganapin ang bawat kategorya na aming sasalihan.Kami ni ate Rochelle ay magkatabi lamang ng silid habang si ate Irene ay sa bandang dulo naman.Naupo ako sa pwesto ko at tahimik na nagdasal at humingi ng gabay sa Panginoon.
Ilang minuto lamang ay nagsimula na ang contest.Inalis ko ang kaba sa dibdib ko at buong pusong sinimulan ang pag guhit.May oras ang contest at kailangan matapos iyon sa takdang oras ngunit hindi koi yon inisip at sinabing kailangan kong magawa ang lahat ng inaral ko at mag enjoy.
Matapos ang isang oras mahigit ay natapos narin ako sa pag guhit, nakulayan ko narin ito.Nakangiti kong pinagmasdan ang gawa ko, isa itong batang lalaki nakasalamin at nasa isang laboratory habang nag aaral mabuti tungkol sa kemikal.Iisa lamang ang tema ng lahat tungkol sa science, at ang ilan ay gumawa ng mga gamit sa laboratory, mayron namang gumihit ng mga kemikal at mga kung ano ano pang tungkol sa science.
Nang matapos ang oras ay isa isa na kaming pinalabas at pinaiwan na lamang ang aming gawa.Mayroon iyong mga numero na siyang nilagay sa aming natapos na guhit.Nang lahat ng mga kasama ko mula sa aming school ay natapos na, nagpasya na ang aming guro na magtanghalian na muna kami sapagkat 1pm pa daw iaanunsyo ang mga nanalo.Masaya kaming nagsalo salo at nakakatuwang nagkaroon ako ng pagkakataon upang makilala silang lahat.
Nang malapit na mag 1pm ay nagtungo na kami sa malaking stages ng school na ito upang doon ay pakinggan anng anunsyo ng mga nanalo.Kinakabahan kaming lahat sa tuwing tatawagin ang mga numero namin sa bawat kategorya.
“Zaina number 5 ka, ikaw iyon!” natutuwang sambit ni ate Irene na kinagulat ko.
Agad akong napatingin sa kamay ko at doon ay nakita ko ang number 5.Kategorya na ng pag guhit sa baiting 1 ang inaanunsyo at 2nd place ang binanggit.Nagtatalon na ang aking guro at agad na akong hinila paakyat sa stages.Habang ako naman ay nanatiling hindi makapaniwala sa kasalukuyang nagaganap.Hindi ko magawang magsalita hanggang sa naramdaman ko na lamang na suotan ako ng isang medalya na may nakalagay na 2nd place.Doon ay napangiti na ako at unti unti ng nag sink in sa utak ko na nanalo talaga ako.Sobrang saya ang naramdaman ko lalo pat nakikita ko din ang saya ng mga kasama ko.Abot abot ang pagbating natanggap ko mula sa kanila na siyang kinalulugod ng puso ko.
Hinintay lamang namin ang maianunsyo ang lahat ng nanalo sa bawat kategorya bago kami nagpasyang umuwe.Habang pauwe ay hindi matapos tapos ang sayang aming nararamdaman sapagkat 2 pa sa aking mga kasamahan ang nanalo.Tuwang tuwa ang aming mga guro dahil may karangalan na namang naiuwe ang aming paaralan.
Nang makauwe kami ay hapon na kayat nagmamadali na akong magtungo sa aming bahay upang ibalita ang pagkapanalo ko.Malayo pa lamang ako ay nakita ko na ang madaming tao sa amin na siyang pinagtaka ko.Naroon ang mga pinsan ko pati na sila tito tatay at tita nanay.Masaya silang nagkokwentuhan at hindi man lang nila napansin ang paglapit ko, buti na lamang ay biglang tumahol si pandak.
“Oh nariyan na pala si Ina,” natutuwang sambit ni tita nanay.
Lahat sila ay naglingunan sa akin at sabay sabay na nagtanong kung kamusta ang laban na dinayuhan namin.Nakangiti akong lumapit sa kanila at mula sa bag ko ay inilabas ko ang medalyang binigay sa akin kanina.Nang ipakita ko ito sa kanila ay tuwang tuwa sila at napapatalon pa ang aking mga pinsan habang niyakap naman ako ng mahigpit ng aking tito tatay.
“Mahal halika dito, madali ka at si Ina nanalo,” natutuwang tawag ni tatang kay inang mula sa bahay nila.
Isa isa naman akong niyakap ng mga naroon at maging ang nanay ko ay naiyak pa sa tuwa.Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan nila sa pagkapanalo ko.I was so greatful that I make them proud for me.
“Patingin nga apo.” Napatingin ako sa humahangos kong inang.Nakangiti itong papalapit sa akin habang nagpupunas ng kamay.
Masaya kong inabot ang medalya ko sa kanya at nagagalak ako nang makita ko ang paglapad ng mga ngiti ng aking inang.Tuwang tuwa ito at niyakap ako ng mahigpit.
“Ang galing mo talaga apo,” masayang sambit nito.
“Salamat po inang, salamat po sa inyong lahat, para po ito sa inyo,” masaya kong wika
“Ronie tingnan mo ito oh nanalo ang anak mo,” masayang wika ni inang dahilan para mapatingin ako sa aking ama na naninigarilyo lamang sa isang gilid.Doon ay unti unting nabawasan ang ngiti sa labi ko, bakit tila hindi nakikisaya ang aking mahal na ama.
“Ina, lapitan mo ang tatay mo, ipakita mo iyang medalya mo,” utos na wika ni inang na agad ko namang sinunod.
“Tay ito po yun—
“Naninigarilyo ako, maaamoy mo,”
Hindi ko na naituloy ang paglapit ko sa tatay ko ng agad niya akong pigilan.Hindi ko na rin tuloy naituloy ang sinasabi ko at napatingin na lamang sa kanya.Nalungkot ako ng makita kong tila hindi siya interesado sa pinapakita ko.Napaatras na lamang ako at napayuko.
“Anak patingin nga ako.” Napatingin ako kay tito tatay nang tawagin niya ako.Nakangiti ito sa akin na nginitian ko naman ngunit hindi ko magawang ngumiti ng lubos dahil nalulungkot ako.Agad akong kinalong ng tito tatay ko at masayang pinagmasdan ang medalya ko.
“Mabuti pa kumain na tayo, nagluto ako ng meryenda halinat mag celebrate tayong lahat,” masayang wika ni inang.
Nakangiti ito sa akin na tila pinapasaya ako kayat sinuklian ko ang ngitin iyon kasabay ng pagbigkas ng isang pasasalamat.Nagsikilos na ang mga pinsan at mga tita ko para sa paghahanda ng pagkain.Habang ako ay nanatili sa tito tatay ko.
Ilang minuto lamang ay kinakain na namin masarap na bikong niluto ni inang.Hindi ko maiwasang mapatingin sa aking ama na abalang sinusubuan ang kapatid kong si Faye.Kalong kalong niya ito at kitang kita ko mula sa kanyang mga mata ang saya bagay na hindi niya nagawang ibigay sa akin kanina.Nakaramdam akong muli ng kirot sa aking dibdib na dahilan upang hindi ko magawang maging masaya ng lubos mula sa aking pagkakapanalo.
“Anak Ina, pasensya kana sa tatay mo.Baka pagod lang maghapon kase iyang nasa bukid,” sambit ni tito tatay habang pinupunasan ang luhang hindi ko namalayan ay pumatak na pala sa aking pisngi.
“Opo, naiintindihan ko po, alam ko naman po higit niyang mahal si Faye kasya sa akin,” malungkot kong sambit na kinalungkot din ng tito tatay ko.
“Hindi totoo iyan anak, mahal nila kayong lahat, pantay pantay iyon.Saka wag kang mag alala mahal na mahal ka namin kaya wag ka nang malungkot,” pagkukumbinsi nito sa akin na siyang tinanguan ko na lamang.
Muli akong napatingin sa tatay ko, aaminin ko naiinggit ako sa nakikita kong pagmamahal ng tatay k okay Faye.Ngunit hindi ako galit kay Faye, magkapatid kami at bilang nakakatanda ay magpaparaya ako, lalo pat wala siyang kasalanan.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school at gaya ng dati ay kasabay ko si Jaycee ngunit ngayon ay dadaanan namin ni Rossy dahil sabay na rin kami papasok bilang magkaibigan na rin kami.Bago ako umalis ay kinausap apa ako ng aking nanay tungkol sa inasal ng aking ama.Muli ko na naman tuloy naalala ang sakit na naramdaman ko kahapon.
Nang makarating kami sa school ay agad na kaming nagtipon sa harap ng stages namin.Naroon lahat ng mga guro pati na ang aming principal na kapwa masasaya.Ang bawat studyante naman na makita ako ay binabati ako kayat saglit kong nakalimutan ang lungkot ko.
Natahimik kaming lahat ng magsalita na an gaming punong guro.Masaya nitong inanunsyo an gaming pagkapanalo at lahat ng mga mag aaral ay masayang masaya.Pinasalamatan kaming lahat ng kalahok sa contest nanalo man o natalo.Isang karangalan ang mapasama sa isang contest na nag rerepresent sa school nyo kayat manalo matalo ay masarap parin sa pakiramdam.Tinawag kami isa isa sa harapan at don ay muling pinarangalan ang bawat isa sa amin.
“Congrats Zaina Jhin my loves!” Nagulat at nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pagsigaw ni Archie niyon.
Naroon pa ito sa harapan at dahil sa lakas ng sigaw niya ay narinig ng lahat maging n gaming mga guro.Hindi ako nakapagsalita dahil sa hiya lalo pa nang mang asar ang mga guro at studyante.Napayuko na lamang ako dahil sa hiya.
Hindi ko naman magawang mainis sa kanya dahil nakakatuwa na makitang proud na proud siya sa akin.Isa lamang akong kamag aral at hinahangaan niya pero sobra sobra ang suporta niya sa akin.Sa huli ay napangiti na lamang ako kasabay ng munting bulong bilang pasasalamat.