%Daiana's POV%
Tumatakbo ako ngayon patungo sa bayan. Iniinjoy ko ang aking mga nakikita sa bawat aking nalalagpasan. Hindi ko tiyak kung saan ang tungo ko ngunit hinayaan ko na lamang ang aking mga paa na dalhin ako sa lugar kung saan nya ninais, makalayo at makatakas lang sa aking pinanggalingan.
"Hello Daiana!"- bati sa akin ng bawat mga taong nakakasalubong ko sa daan.
"Hello!"- ganti ko naman sa kanila na may ngiti sa aking mukha.
"Hello Daiana!"
"Hello Daiana!"
" Hello Daiana!"
Ilan lang yan sa mga bati nila sa akin ng makalapit ako sa parte ng bayan kung saan maraming mga tao.
"Hello!"- nakangiting sagot ko naman sa kanila habang patuloy parin ako sa pagtatakbo.
Masaya ang bayan, maraming tao na nagkwekwentohan, nag haharotan at yung iba nag-aasaran. Yung iba naman nagbibiroan at yung iba naman ay nagtatawanan na tila ba walang kinakaharap na problema. And yes ditto sa bayan naman, sa munting isla na ito ay masasabi kong napaka payapa at napakatahimik ng buhay naming mga amazona sa pagkat kuntento na kami sa kung anong meron kami. Pamilya ang turing naming sa isat isa, kaya masasabi kong napakagandang manirahan dito.
Hindi lang mga tao ang makikita mo sa bayan, may mga ibat ibang hayop din. Katulad ng kambing, baka, kalabaw, manok, pato, at iba pang mga hayop na nasa lupa na pwedi mong alagaan na hindi ko pa nakikilala sa buong buhay ko. Hahahahaah
May mga kabayo ka ding makikita na tumutulong sa bawat mamamayan ng isla na ito.
At bakit alam ko ang kabayo?. Simple lang. Meron nun sa palasyo at napakarami nila sa kwadra.
Yung iba nga kinakabitan pa ng karwahe.
By the way, hindi lang naman mga hayop na nasalupa ang makikita mo sa bayan, dahil kagaya ng nasa palasyo may mga hayop din dito sa himpapawid ng bayan. Well actually galling din naman sila dun eh, nakakalipad lang sila sa himpapawid kaya Malaya silang makapunta sa kung saang sulok na bahagi ng isla nila gugustohin. Di gaya nung mga hayop na nasa lupa na limitado lang dahil naka kulong sila, unfair pero that's life
Siguro naman tanggap nila ang buhay nila daba dahil sa simulat sapul nasa kulongan na sila, at pag hindi sila kinukulong marami naman silang magagambalang tao kaya. Dyan nalang sila.
By the way... hindi iyon ang punto ko.
Ang nais kong ipahiwatig eh, napakaganda ng buhay dito sa bayan, malayong malayo sa palasyo, kaya gustong-gusto ko ang manirahan nalang sa bayan ngunit......
"Daiana!"- tawag sa akin ng aking taga pagbantay na kanina pa ako hinahabol, and yes! Tinatakbuhan ko sya, bakit?
Mmmm sabihin nalng nating gusto ko lang mapag-isa at gusto kong puntahan ang favorite place ko dito sa Althera.
And yes Althera ang tawag naming sa islang ito, alam nyo ba kung bakit?. Aw same tayo hindi ko rin alam.
"Daiana!!!!"- malakas at ma-awtoridad na sigaw ng aking tagapagbantay kaya binilisan ko ang aking takbo upang hindi nya ako maabotan, "come back!"- sigaw nya ulit habang sinusundan ako sa pagtatakbo.
Kailangan ko syang matakasan, kailangan ko syang mailigaw, kaya mas lalo ko pang binilisan ang aking takbo, lumihis ako ng landas, dito ako dumaan sa mga kabahayan. Alam ko ang pasikotsikot dito kaya hindi ako mahihirapang iligaw ang aking tagapagbantay. Dito hindi nya ako makikita at masusundan.
Binilisan ko ang aking pagtakbo, halos mag init na ang aking baga ng makarating ako sa favorite place ko.
Ang training ground.
Siguro naman naililigaw ko na sya, siguro naman hindi na nya ako masusundan dito .
Pumwesto ako sa itaas na bahagi ng training ground kung saan makikita ko at klaro lahat ng nagyayari sa training ground.
Sa spot na ito ay hinding hindi ako makikita nino man kaya nagging favorite spot ko na to dito .
And yes nadatnan kong nag-iinsayo ang mga amazona, they all strong, powerful at mahuhusay sa pagdating sa labanan. Magaling din sila gumamit ng ibat-ibang mga sandata, tulad ng espada, pana, dagger at iba pa.
Nakuha ng isang amazona ang atensyon ko nang tumalon sya sa ere at umikot-ikot ito habag hawak ang kanyang espada at inihagis nya ito sa kanyang katunggali.
nasangga naman ito ng kanyang katunggaling amazona din gamit ang hawak nitong espada, inislash nya ito sa harapan para tamaan ang dulong bahagi ng paparating na espadang hinagis sa kanya ng isang amazona para ilihis ito ng landas ngunit hindi nya namalayan ang sunod na pag hagis ng naturang amazona ng kalasag papunta sa kanya, iiwas sana ang naturang amazona ngunit huli na ang lahat at natamaan na sya nito sa sikmura. namilipit ito sa sakit dala ng matinding lakas ng paghagis papunta sa kanya at nawalan ng malay.
yung iba naman ay nag one on one battle gamit din ang kanilang mga espada.
kay gandang pagmasdan ang mga nangyayari sa ibaba mula dito sa aking kinaroroonan dahil kitang-kita ko ang boung paglalaban.
tiningnan ko nang maigi ang mga galaw ng bawat naglalabang amazona.
Sa di kalayoan ay nakita ko ang isang amazonang nakasakay sa isang puting kabayo. Inipit nya sa lalagyan ng paa ang kanyang paa at tumihaya upang makuha ang isang kalasag na nasa lupa, nang makuha na nya ito ay hinagis nya ito sa isang amazonang nakasunod sa kanya sakay sa itim na kabayo. Natamaan ito at nalaglag mula sa kabayo at nawalan ng malay.
May mga lumapit naman dito at inilagay sya sa isang malaking tela na nakatali sa dalawang kahoy at sabay na binuhat ng dalawang amazona at dinala sa isang puting tent na malaki di kalayoan sa training ground. Hula ko pagamotan yun. Dahil lahat nang mga amazonang natalo sa laban ay doon dinadala.
Nakuha naman ang atensyon ko sa isang amazonang bigla nalang tumalon sa ere nang napakataas dala dala ang kanyang bow at may arrows sa likoran nito. inihanda nya sa harapan ang kanyang bow at mabilis na kumuha ng arrow sa likoran nya at nilagay sa lubid ng bow at hinila tapos tinapat sa isang palayok na nakasabit sa nakatayong kahoy at pinakawalan ito agad agad.
kasabay ng kanyang pag tapak sa lupa ay syang pag laglag din ng mga buhanging laman ng naturang palayok ng tumama rito ang kanyang arrow.
nasiyahan ako sa aking mga nakikita at na aliw kaya hindi ko namalayang ginagaya ko na pala ang kanilang mga galaw.
Hinayaan ko nalang ang aking sarili na gayahin sila, nang sumuntok ang isang amazona sa kanan gamit ang kaliwang kamay, sumuntok din ako sa kanan gamit ang kaliwang kamay ganun din sa kaliwa, maging ang aking mga sipa, pag yuko at pag ilag na tila ba ako yung ka one on one combat ng isang amazona.
Nakuha naman ng isang malaki at itim na amazona ang atensyon ko nang maka patong sya sa malaking bato sa kaliwang bahagi ng training ground. Marami na syang napatumbang amazona at basi sa mukha nang mga naka handusay at naka upo dikalayoan sa kanya, namimilipit ito sa iniindang sakit na kanilang natamo sa pakikipag laban sa naturang amazonang naka patong sa malaking bato.
namangha naman ako sa kanya dahil mag-isa lang sya at marami ang kanyang mga katunggali. Tila pinagtutulongan sya ng mga ito ngunit hindi man lang nila ito matalotalo.
Napa laki ang mata ko at muntik na akong mapasigaw ng makita ang isang amazonang may dalang malaking kahoy at walang sabi sabing hinampas ito sa amazonang nasa itaas nang bato. Ngunit tila ba parang bato din yaong amazona sa pagkat hindi lang man ito gumalaw o yumuko nang hampasin ito ng malaking kahoy. Nasira lang yung kahoy at nagkabalibali.
Nang humarap ang hinampas na amazona sa humampas sa kanya. napangiti ako at inihanda ko ang aking sarili.
Nang magsimulang gumalaw yung amazonang hinampas ng malaking kahoy sa batok. Ay gumalaw din ako. Sinusundan ko ang bawat galaw nya.
Sinuntok ko ang aking kanang kamay sa harapan ko kasabay ng pag suntok ng naturang amazona sa tyan ng humampas sa kanya at lumipad ito palayo sa kanya.
Tumama ito sa posteng naka tayo di kalayuan sa kanya at nawalan ng malay.
Sumugod naman ng sabay sabay ang lahat nang naka paligid na amazona sa kanya ngunit hindi pa man ito maka lapit ay nababalian na at nawawalan ng malay. Yung iba ay lumilipad pa sa ere at tumatama sa mga batong malapit sa kanila.
Ginaya ko ang lahat ng kanyang mga galaw. talon doon, talon dito, suntok dito, sipa doon.
Nag eenjoy ako sa aking panggagaya kaya hindi ko namalayang nakatingin na pala ang heneral ng mga amazona sa akin.
Di maka paniwalang naka tingin ang heneral sa akin at umiling-iling pa ito, napansin ko sya kaya nginitian ko sya,
Ngunit....................
"DAIANA!!!!"- umalingaw-ngaw sa buong paligid ang malakas na sigaw nang aking tagapagbantay
Nakita kong napahinto ang lahat na mga amazonang nag eensayo sa buong training ground dahil sa malakas na sigaw at napatingala sa aking kinaroonan kung saan nakatingin ang aking taga pag bantay.
"DAIANA!...I SEE YOU!"- malakas nyang sigaw.
napangiti naman ang lahat na mga amazona. at dahil sa takot at hiya ay napaatras ako at tumalikod bago mabilis na tumakbo pabalik sa dinaraanan ko kanina.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa daan.
"Where are you going?"- tanong ng isang amazonang aking nalagpasan "slowdown, careful"- hindi ko sya pinansin oh kaya sinagot bagkos ay binilisan ko pa ang aking takbo.
hanggang sa maka abot sa corner na bahagi ng daan. Nagpanic ako dahil wala na akong matakbuhan.
pumunta ako sa gilid at tiningnan kung gaano kataas ang bahaging ito ng isla. Napangiti ako ng makita ko ang tulay na daan sa ilalim nito at sa katabi nito ay isang napakataas na bangin.
Mukhang no choice ako kundi tumalon.
"ayos, hindi masyadong mataas ito mula sa tulay sa ibaba kaya ok lang"- umatras ako ng ilang hakbang upang maka bwelo ng takbo, tsaka hinanda ko ang aking sarili at tumakbo ako nang napakabilis. inalis ko naman ang kabang aking naramdaman sa dibdib ko para hindi ako mag aalinlangan.
nang maka lapit na ako sa gilid tumalon ako nang napakataas sabay pikit.
ngunit sa pag-aakala kong sakto lang ang talon ko ay nagkamali ako, dahil sumobra ito.
Mabilis na bumalik ang kabang inalis ko sa loob loob ko at nagpapanic na ako.
"aaaaaaahhhhhh!!!!!!!....."- sigaw ko nang mapagtanto kong sa bangin ang bagsak ko.
___________________________________________