PROLOGUE
THE GOD KILLER
WRITTEN BY: Angelic_Child
ALL RIGHTS RESERVED
The unauthorized reproduction or distribution of this copyrighted work is a crime punishable by law. No part of this book may be scanned, uploaded to or downloaded from file sharing sites, or distributed in any other way via the internet or any other means, electronic or print, without the Author's permission.
_______________________________
Dati gusto kong iligtas ang mundo.
Ang magandang lugar na ito.
Pero kakaunti lang ang alam ko noon.
Ito ay isang lupain ng mahika at kababalaghan, pagmamahal ay puro at puno ng kadakilaan.
Karapat-dapat na pahalagahan sa lahat ng paraan.
Ngunit habang papalapit ka, mas nakikita mo ang malaking kadiliman na nagkukubli dito.
At ang mga nilalang?
Ang sang nilalang ay isa pang kuwento sa kabuuan nito.
Ang ginagawa ng isang nilalang kapag nahaharap sa katotohanan ay mas mahirap kaysa sa iyong iniisip.
Natutunan ko ito sa mahirap na paraan.
Isang mahabang panahon ang nakalipas.
At ngayon.
Ako ay hinding hindi na magiging tulad ng dati.
______________________________
(A/N:
hi guys, sana magustohan nyo ang kwentong ito.
______________________________
Chapter 1: "Larawan"
WARNING:
The Story and the Scenes are all fictional. Any similarities of the actual names, Descriptions of the story are all coincidence only. Please do not mind all the wrong grammars and typos in this story. Edited version will be release as soon as this story completed. It'll need much time and effort so please wait patiently and please do not judge the authors work if you do not like its plot and sequences, for all you know that nobody's perfect and so do I.
Thank you for welcoming me in this site and continue being with me for the next years. Thank you.
____________________________
ALL RIGHTS RESERVED
The unauthorized reproduction or distribution of this copyrighted work is a crime punishable by law. No part of this book may be scanned, uploaded to or downloaded from file sharing sites, or distributed in any other way via the internet or any other means, electronic or print, without the Author's permission.
-----------
"good morning Madam"- bati sa akin ng bawat taong aking nalalagpasan.
"Good Morning"- ganting bati ko naman sa kanila.
kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway patungo sa silid kung saan sinasagawa ko ang aking mga research.
Nang nakarating ako sa tapat ng pinto ng aking silid, agad kong pinihit ang doorknob ng pinto at binuksan ito upang makapasok ako.
Nang makapasok na ako ay isinara ko ito at naglakad patungo sa mesa na naka pwesto sa bandang gitna ng silid.
Inilagay ko ang aking mga gamit sa ilalim ng mesa at hinawi ko ang kurtina ng bintana na nasa likoran ng aking upuan, upang makapasok ang liwanag ng araw mula sa labas.
Pagkatapos ay pinalamig ang aking silid gamit ang air conditioner na nasa taas na bahagi ng pintuan.
Pagkatapos ay umupo ako sa aking upoan at binuksan ang aking laptop na nakalagay na ngayon sa ibabaw ng aking mesa.
Nang mabuksan ko na ito ay clinick ko yung files na hindi ko pa nabasa.
Nang magloading na ito, ay may kumatok sa pinto ng aking silid. Tiningnan ko ang monitor na konektado sa camerang nakatago sa pinto at dahil don nakilala ko ang taong nasa likod nito.
"Pasok"- sabi ko sa microphone na connected sa maliit na speaker na nasa kaliwang bahagi sa labas ng pinto, sabay pindot ko sa unlock botton ng pinto upang mabuksan nya
ito mula sa labas.
Nang mabuksan nya ito ay pumasok ang aking secretarya bitbit ang isang attache case at naglakad palapit sa akin.
"Good Morning Madam"- bati nya sa akin ng makalapit na sya sa akin habang naka yuko ang kanyang ulo.
"Good Morning din sa iyo Rendy"- pabalik kong bati sa kanya.
Si Rendy ay aking secretarya, nasa dalawamput dalawang taong gulang na sya, mabait, masipag at masunurin sa lahat ng aking pinapagawa sa kanya.
Inabot nya sa akin ang dala nyang attache case at tinanggap ko naman ito.
"Thank You"- sabi ko sa kanya nang matanggap ko na ito.
"Walang ano man madam"- tugon nya at tumalikod sa akin at naglakad palabas ng aking silid.
Inilagay ko sa mesa ang bigay nya at binuksan ko ito nang makalabas na sya.
Sa pagbukas ko nito, napangiti ako sa aking nakita.
Isang larawan ng aking nakaraan na kahit kailan man ay hinding-hindi ko malilimotan.
Pinulot ko ito mula sa lalagyan at iniangat upang masuri ito nang maigi.
Ngunit ng maiangat ko na ay may sulat pala na naka lagay sa likoran nito, pinulot ko ito at binasa ang nakasulat.
I Found the Original
Maybe one day you'll tell me your story
Matapos kong basahin sinantabi ko ito at muling tiningnan ang larawan kong kasama ang aking mga kapatid
_____________