Huminga ako ng malalim at nag-isip ng mabuti. Lumuhod sa harapan niya? G*go ba siya? Tutal hindi naman kita ang mukha ni Professor sa mga litrato kaya ko nang harapin mag-isa ang kahihiyan. "Ang kapal naman ng mukha mo para hilinging luhuran kita?" panunuya ko. "Sa tingin mo ba masisira mo ako dahil lang sa mga litratong iyang kuha ng hubad kong katawan?" tanong ko pa na ikinapalis ng pagkakangisi niya. "Saka alam mo ba na wala pa ako ideya sa papasukin ko pagkatapos ko maka-gradute? Wala pa akong ideya kung anong propesyon ang tatahakin ko pagkatapos ko sa kolehiyo pero dahil sa iyo, nagkaroon ako ng ideya." mahaba ko pang litanya at humalukipkip sabay ako naman ang ngumisi. Pinalis ako ang luha mula sa aking mga mata at matapang siyang hinarap. "Baka lang hindi mo alam? Minsan ko nang

