"Tulala ka?" puna sa akin ni Franco nang mapansin niyang balisa ako ng makabalik ako ng classroom. "Ilang oras ka nawala tapos pagbalik mo tulala ka na. Anong nangyari ba sa iyo?" Umiling lamang ako habang tulalang nakatingin sa kawalan. "Wala naman..." Paano na ito? Alam na ni Rowan. Isisiwalat niya ang tungkol sa amin ni Professor hindi ito p'wede. Kasalanan kong lahat ito. Basta na lang ako pasarap hindi ko naisip na may posibileng makarinig at makaalam. "Sigurado kang wala?" paniniguro ni Franco sa akin. "Muka kang wala sa sarili, hindi ako naniniwalang wal—" "Wala nga sinabi eh!" Padarag akong tumayo na ikinaawang ng bibig niya sa bigla kong inasta kahit ang mga kaklase namin ay natigilan sa kani-kanilang ginagawa. Natigilan din ako sa ikinilos ko kaya alinsunod na napakurap at n

