Lima lang ang invitation na hawak nila pero inabot silang dalawa ni Carlos ng six o’clock ng hapon. At that point, alam ni Ara na pagod na sa kakamaneho ang binata. Idagdag pa ang stress sa kabi-kabilaang traffic saan mang parte ng Metro Manila sila magsuot. Isa talagang bangungot ang matinding trapiko sa mga nasa kalsada. Hindi naman niya mai-offer na palitan si Carlos sa pagda-drive since hindi siya marunong. Baka sa halip na makatulong ay makasama pa ang pagtulong niya. “We still need to pack. Kung ihahatid mo pa ako, hindi ka na makakapagpahinga. Just drop me somewhere safe. Magta-taxi na lang ako,” sabi niya nang pabalik na sila galing sa huli nilang destinasyon. “There’s no safe place in Manila, Ara,” tugon nitong hindi sang-ayon sa sinabi niya. “You’re tired, Carlos. My house i

