Walang nagsasalita sa kanila ni Carlos. Papunta na sila noon sa bahay nila Ara pero halos isang oras matapos ang almost kiss nila ay wala pa ring maapuhap sabihin ang dalaga. Maliban din naman sa "let's go" na binigkas ni Carlos nang yakagin siya nito paalis kanina ay wala na rin itong ibang sinabi. Naiinis si Ara sa sarili niya dahil hindi siya maka-move on. Totoo na wala siyang angal na magpakasal sa binata. But not until that moment almost an hour ago, she didn't realize that marrying Carlos could mean physical intimacy, too. Nang makita niya itong tulog habang nasa Tagaytay sila, may mga hindi wholesome na imahe na sumingit sa isipan niya. But the effect of mere thoughts was far different from what almost happened. At alam din niya that she should quit dwelling over it. Para siy

