Hindi pinayagan si Ara na pumagitna sa dalawang tila mga MMA fighters kung magsapakan. Stella and Suzy told her na kapag lumapit siya at may pinili, makasasakit lang siya ng kalooban. But heaven knows she wanted to stop them. She was worried for both of them. Pero syempre, batid naman na ng puso niya kung kanino talaga siya mas nag-aalala. Ara wanted so much to run to Carlos and wiped that blood off his face. Pero tama ang kanyang ina at si Suzy, kapag lumapit siya kay Carlos, what would Robi feel? She wasn’t inconsiderate para ipahiya pa ito lalo sa harapan ng mga taong naroroon. Tumigil din naman sina Carlos at Robi nang makitang umiiyak na siya. Pareho pang nag-iwas ng tingin ang mga ito nang makitang nagkagulo na dahil sa kanila. Para mawala ang tensyon, nagpaalam na lang ang mga

