The dinner was just going well. At least, for Ara, nakakain naman siya kahit sa huling sampung minuto ng buhay niya, nginangatngat ng selos ang puso niya. May kausap si Carlos na magandang babae at ilang minuto nang malapit ang mga ito sa isa't isa. Nakayuko si Carlos sa paraang tila inilalapit lang naman nito ang tenga para marinig nang maayos ang sinasabi ng babae. Pero sa tingin ni Ara ay hindi naman nito kailangang gawin iyon. Hindi naman gano'n kaingay maliban sa malakas na usapan ng mga nakatatanda. It was totally unnecessary! "Kung nakamamatay ang titig, kanina pa nangisay 'yang kausap ni Carlos," tukso ni Lance na nakalapit sa kanya nang 'di niya namamalayan. Inirapan niya ito pero hindi siya nag-deny. Iyon nga ang lihim na hinihiling niya. Na sana bumulagta na lang ang babae

